Ano ang conversion rate?
Ito ang expressed percentage ng users na bumisita sa inyong sites at nagampanan ang isang preset goal. Sa pangkalahatan, ito ay isang metric na ginagamit para sukatin ang baseline user count ng actual users, tukuyin ang audience, at ang action-to-traffic balance sa kahit na anong website.
Mahalaga ang metric para sa marketers, lalo na kapag nagte-test ng bagong marketing tactics o campaigns bago nila ito ilabas. Mahalaga ito para mapaganda ang customer experience.
Paano kalkulahin ang conversion rate
Simple lang kalkulahin ang inyong average conversion rate, basta makapag-set lang kayo ng isang conversion goal. Ang conversion tracking ay puwedeng magawa sa pamamagitan ng third-party applications tulad ng Google Ads o Google Analytics, na eksaktong naglalarawan ng conversion count sa kahit na anong page.
Mga tipo ng conversion rate
Maraming iba-ibang tipo ng conversion rates, at lahat ng ito ay nakadepende sa uri ng conversion na gusto ninyo, sa inyong campaign level, at keyword level.
Ang micro – conversions, landing page conversions, at retention rates ang pinaka-karaniwang tipo ng conversions.
Pagkatapos, makikita ninyo ang B2B o B2C product mula sa ibang anggulo, mag-maximize ng inyong product page views, at mag-optimize ng inyong product features.
Importansiya ng conversion rate
Ang conversion rates ang pinakamahalagang aspekto ng inyong marketing efforts. Ito ang pinakamalaking goal ng lahat halos ng advertising campaigns, anumang uri ito. At saka sila ang pangunahing nasa likod ng disruptive advertising, na isang unti-unti nang sumisikat na business tactic.
Inaagapan nitong magbayad kayo ng karagdagang advertising cost at tinutulungan kayong manatili sa loob ng budget. Ang pag-unawa sa mga ito ang magpapahintulot sa inyong gumawa ng plan of action na magreresulta sa kumikitang advertising campaigns.
Ang conversion rates ay mahahalagang metrics din para sa pagma-manage ng mga kliyente at users. Kung alam ninyo kung ano ang gusto at ayaw ng inyong mga kliyente, puwede ninyong pagandahin pa ang kanilang experience, pero ang mas mahalaga, puwede ninyong bawasan ang anumang potensiyal na mga negatibong experience.
Ano ang magandang online conversion rate?
Maraming conversion rate metrics ang makikita, at lahat ay nagbibigay na iba-ibang mga resulta. Ang average conversion rates ay iba-iba depende sa industriya. Isang halimbawa, puwedeng maging mas mataas ang mga ito sa eCommerce kung ikukumpara sa ibang providers gaya ng SaaS.
Ano ang isang magandang conversion rate ayon sa industriya?
Depende ito sa larangan. Ililista namin sa ibaba ang limang sektor at conversion rates na ikokonsiderang maganda*:
- Professional Services – 12.3%
- Legal – 4.3%
- Automotive – 2.5%
- B2B Services – 7.0%
- Financial – 4.7%
*Data mula sa organic conversion rates
Ano ang magandang online conversion rate ayon sa bansa?
Para eksakto ang marepresentang conversion rates ayon sa bansa, kinuha namin ang eCommerce na sektor bilang isang halimbawa. Ang limang pinakamataas ng performers ay ang sumusunod:
- Germany – 2.22%
- United States – 1.96%
- United Kingdom – 1.88%
- Denmark – 1.80%
- Netherlands – 1.78%
*Data mula sa conversion rates by country
Ano ang isang magandang online conversion rate ayon sa gadget?
Ang tatlong gadget na ikokonsidera namin kapag tinutukoy ang conversion rate ayon sa gadget ay ang desktop, mobile, at tablet:
- Desktop – 3.90%
- Mobile – 1.80%
- Tablet – 3.49%
Kinuha ang data mula sa average website conversion rate in Q2 2019
Paano daragdagan ang conversion rate
Ang pagsasaayos ng conversion rate ay hindi iisang direktang proseso. Nangangailangan ng oras ang marketing departments para gawin ang kanilang research. Mahirap na larangan ang digital marketing, at maraming nangyayaring di natin nakikita. Ang isang magandang halimbawa ay ang direct response marketing, na tina-target nang diretso ang prospect para sa conversion.
Para mapataas ang inyong conversion rate, kakailanganin ninyo ang ilang pangunahing elements katulad ng:
- marketing material
- marketing strategy
- marketing tactics
Ang conversion rates ay nakadepende sa pag-attract sa potensiyal na customers at gawin silang paying customers. Sa karagdagan, puwedeng hikayatin ng marketing teams ang marami pang customers sa pamamagitan ng paggamit ng customer testimonials at ibang user feedback.
Anuman ang marketing tactic, lagi ninyong gugustuhing magkaroon ito ng written content. Ibig sabihin nito, dapat marami kayong blog content, blog posts, industry blogs, at maraming articles. Ang pagkakaroon ng article series ay laging nakatutulong para mapanatiling engaged ang inyong readers. Nagbibigay din ito ng data sa inyong marketing teams at samakatwid nakatutulong sa pagkalkula ng conversion rates.
Paano madaragdagan ng visitor ang lead conversion rate?
Sa madaling salita, kung mas maraming visitors sa inyong website, mas marami ang madadagdag sa inyong leads. Kung mas maraming leads ang madadagdag ninyo, mas maraming data ang makokolekta ninyo sa bawat customer na bumibisita sa inyong website.
Bilang resulta, mao-optimize ng inyong team ang parehong internal at external operations sa pamamagitan ng pagdaragdag pa ng leads at pagkalkula ng eksaktong conversion rates. Samakatwid, mas marami kayong mababagong visitors para maging customers at mapataas ang inyong conversion.
Enhance your customer experience
Improve your customer service with LiveAgent's multi-channel help desk software..
Frequently Asked Questions
Ano ang conversion rate?
Ito ay isang metric na ginagamit sa maraming uri ng larangan, mula sa marketing hanggang sa business development. Nakatutulong ito para matukoy kung gaano katagumpay ang inyong online advertising.
Paano kalkulahin ang conversion rate?
Para malaman ang inyong conversion rates, kailangan ninyong mangalap ng data sa pamamagitan ng digital platforms ninyo at iproseso ito gamit ang tools na tulad ng Google Ads at Google Analytics.
Ano-anong tipo ng conversion rates ang meron?
Ang pinakamahalagang tipo ng conversion rate metrics ay ang mga bagong visitor conversion rate, exit pages, value per visit, cost per conversion, at return visitor rates.
Gaano kaimportante ang conversion rate?
Isang kinakailangang metric sa kahit na anong modernong business sa anumang industriya ang conversion rates. Meron silang mahalagang papel sa marketing at business development.
Ano ang magandang online conversion rate?
Ang pinakamainam na conversion rate na puwede ninyong ikonsidera ay depende sa industriya at sa mismong website. Sa pangkalahatan, ang anumang nasa pagitan ng two at five percent ay itinuturing na magandang online conversion rate.
Paano ninyo madaragdagan ang conversion rate?
Ang pinakamagandang paraan para mapataas ang conversion rates ninyo at samakatwid ay palawakin ang customer base ninyo ay ang maghanda ng sapat na materyales, strategies, at tactics.
Paano madaragdagan ng visitor ang lead conversion rate?
Puwedeng tumaas ang lead conversion rates ninyo sa pamamagitan ng simpleng pagbisita ng isang visitor sa inyong website. Kapag ginawa nila ito, nagbibigay sila ng sapat na data na puwedeng maproseso at masuri. Kung mas marami silang data na maibibigay, mas makabubuti ito para sa inyong business.
Kung natapos mo nang basahin ang tungkol sa conversion rate, maaaring interesado ka ring malaman ang tungkol sa customer engagement. Mahalaga ang customer engagement dahil nakakatulong ito sa pagpapanatili ng mga kliyente at pagpapabuti ng kanilang karanasan. Maaari mo ring suriin ang tungkol sa conversion costs. Ang pag-unawa sa conversion costs ay makakatulong sa iyo na mas ma-optimize ang iyong marketing budget para sa mas mahusay na resulta.
Discover the secrets of Conversion Rate Optimization (CRO) to boost your business's conversion rates by transforming website visitors into loyal customers. Learn effective strategies, tools, and tactics to enhance your website’s performance, optimize customer journeys, and ensure outstanding customer support. Start your free trial with LiveAgent now and see a significant improvement in your conversion rates!
Dagdagan ang mga conversion rate sa LiveAgent
Pagbutihin ang mga conversion rate sa pamamagitan ng pag-aayos ng mga aspeto ng diskarte sa iyong custome support tulad ng pagpapatupad ng live chat at pagbibigay ng suporta ng real-time.
Customer service audit checklist
Punan ang customer service audit checklist na ito para makakuha ng malinaw na kabuuan sa kasalukuyang lagay ng inyong customer service at nang makuha ninyo ang kinakailangan na mga hakbang para mapabuti ito.