Ang conversion rate optimization (CRO) ay nakatutulong sa mga modernong business na gawing mas gumagana ang kanilang website, kaya napahuhusay ang lead generation at nakakukuha ng mas maraming conversions. Kahit na sino ay puwedeng maging potensiyal na customer kapag bumisita sila sa inyong website – ang trick dito ay alamin kung paano sila iko-convert at paano gagamitin ang conversion funnels.
Ngayon, karamihan ng marketing teams ay nagtatrabaho maghapon at magdamag para makakuha ng maraming traffic papunta sa websites, at may mataas silang pag-asa na ang traffic na ito ay magreresulta sa maraming qualified leads. Kung mas maraming nakakalap na ganoong leads ang isang business website, mas lalago ito.
At dahil dito, tingnan natin nang malapitan kung ano ang CRO, paano nito mao-optimize ang inyong conversion rate, at marami pa.
Ano ang conversion rate optimization?
Para mas maunawaan ang proseso ng conversion rate optimization, kailangan nating tukuyin kung ano ang conversion. Tuwing nakakukumpleto ang mga website visitor ang partikular na goal sa inyong website, iyon ang tinatawag na conversion. Ang goal na ito ay kahit na ano, mula sa pagbili, pag-sign up sa isang subscription o isang trial, o iba pa.
Ganito ginagawang potensiyal na customers ang visitors ng mga digital business. Ang pangunahing goal ng conversion ay gawing leads ang traffic para mapahusay ang average conversion rate at madagdagan ang inyong revenue. Ito ang dahilan kung bakit ang mga modernong marketing teams ay patuloy na naghahanap ng makabagong paraan para mapahusay ang kanilang conversion optimization at madagdagan ang traffic sa kanilang sites.
Ang trick para mapahusay ang inyong kasalukuyang conversion rate ay ang pagkakaroon ng isang mahusay na conversion rate optimization strategy, at dalhin ang inyong customer support sa mas mataas na level sa pamamagitan ng pagbibigay ng real-time support sa inyong consumers.
Makakakita ng 11% na mas mataas na average conversion rate ang mga digital business na naka-focus sa pagpapahusay ng customer support at service.
Dahil dito, ang pinakamahusay na pagtukoy sa CRO ay ang systematic na proseso ng pagtataas ng percentage ng potensiyal na prospects na nakakukumpleto ng isang partikular na goal sa inyong website.
Nakatutulong ang CRO na mas maunawaan ng mga digital business ang kanilang mga customer, ang kanilang on-site behaviors, ang mga aksiyong ginagawa nila at bakit, at ang mga bagay na humahadlang sa pagkumpleto nila ng partikular na goal sa website.
Paano mag-optimize ng conversion rate
Ang conversion optimization dapat ay walang iba kundi ang inyong tapat na pagsisikap na makapagbigay sa lahat ng kakaibang customer journey, mula sa sandaling gumamit sila ng search engine, mapunta sa inyong page at hanggang makapag-checkout. Ganyan ninyo matitiyak na ang mga pagsisikap ng inyong online marketing ay tunay na matagumpay.
Ang mataas na conversion rate ay isang malinaw na senyas ng isang customer-centric business at pruwebang ang website ninyo ay gumagana. Ang pinakamahusay na paraan na ma-optimize ang inyong kasalukuyang conversion rate ay ang paggamit ng conversion rate optimization tools.
Ito ang pinaka-epektibong paraan para matiyak na ang inyong qualified leads ay magiging makabuluhang mga aksiyon. Magsimulang magtrabaho sa inyong CRO sa pagsasaayos ng inyong website. Para gawin ito, kailangan ninyong tiyaking ang inyong website ay may mabilis na load time, at ang inyong CTA button ay malinaw na nakikita at madaling mahanap.
Hangga’t maaari, gawing simple ang inyong checkout process, at siguraduhing ang inyong customer ay makakukuha ng omnichannel customer support. Kailangan rin ninyong isipin ang tungkol sa pagsasaayos ng landing page para matiyak na tama ang pagkaka-display ng inyong content sa parehong desktop at mobile gadgets.
Ikonsidera ang sumusunod na hakbang para makamit ang pinakamataas na conversion optimization:
- Magtakda ng mas mababang presyo para sa inyong mga produkto/serbisyo para maka-attract ng maraming visitors at matalo ang inyong kompetisyon;
- Paghusayin ang functionality ng inyong website sa pamamagitan ng pagsisiguro na lahat ng inyong web pages ay fully functional at mabilis na naglo-load;
- Mag-offer ng rewards tulad ng freebies at free shipping at iba pang incentives para madagdagan ang conversion at customer loyalty;
- Gawin mas competitive ang inyong offer;
- Gumamit ng kapansin-pansing CTAs at internet marketing elements;
Siguraduhin ang 24/7 na real-time customer service at support;
- Pasimplehin ang proseso ng inyong checkout;
- Paganahin ang self-service.
- Ipakita ng customer testimonials at user feedback
Gaano katagal dapat patakbuhin ang inyong conversion optimization experiments?
Ang conversion optimization ay kadalasang isang tuloy-tuloy na prosesong kapareho ng search engine optimization. Pagdating sa haba ng inyong A/B conversion tests, walang one-size-fits-all na sagot para rito, ang wala rin average. Batay sa maraming CRO service providers, posible ang pag-perform ng inyong conversion optimization tests sa low-traffic websites. Gayunman, ang problema ay baka misleading ang makuha ninyong data.
Sa kabilang dako, ang inyong experiments ay puwedeng tumagal ng ilang buwan para makapagbigay ng tumpak na data. Ang haba ng inyong conversion optimization experiments ay depende sa mga hakbang ng CRO na inyong kinuha. Ang mga hakbang na ito ang diretsong tutukoy sa average time ng inyong test.
Dahil ang inyong CRO ay nakadepende sa quality ng user experience at customer experience na inyong ibinibigay, dapat ninyong paglaanan ng oras ang user testing at tingnan ang maraming user journey scenarios para maunawaan ang on-site behavior at makakuha ng pinakatumpak na resulta.
Nakatutulong ang CRO na masiguro na ang inyong brand ay nakatatanggap ng positibong customer reviews. Narito ang listahan ng factors na makatutulong sa inyong madiskubre ang pinakamainam na oras para sa inyong user testing:
- Kasalukuyang conversion rate;
- Minimum na pagtaas ng conversion na inaasahan ninyong makamit;
- Ang percentage ng individual users na kasama sa inyong experiments;
- Ang average na bilang ng potensiyal na prospects na napupunta sa landing page na inyong ini-experiment.
Mga limitasyon ng Google Analytics at Adobe Analytics para sa conversion rate optimization
Ang susi sa matagumpay na optimization ay hindi ang pag-unawa lang sa pag-alam kung paano napupunta ang inyong visitors sa inyong landing pag, pero sa pag-alam kung ano ang kanilang ginagawa habang nasa site ninyo, ang kanilang behavior, preferences, habits, etc. Para maunawaan iyon, kailangan ninyo ng user data para ipakita kung ano ang puwedeng ma-optimize at para kanino ito io-optimize. Ito ay isang mahalagang element sa paggawa ng isang matagumpay ng CRO strategy.
Ang data gathering, analyzing, at conversion rate optimization tools tulad ng Google Analytics at Adobe Analytics ay makatutulong sa inyo sa paggawa ng isang analytics-based na CRO strategy na haharap sa:
- Ang main web pages na unang napupuntahan ng inyong visitors;
- Ang features na ine-engage nila;
- Mga page kung saan sila nagbababad;
- Ang channel na nagdala sa kanila roon;
- Mga link na kanilang ginamit para makarating sa inyong site;
- Mga browser at gadget na kanilang ginamit.
Bagama’t lahat ito ay mukhang napakaganda, ang raw data na ito at heat maps lang ay hindi sapat para mapahusay ninyo ang user experience o matukoy kung ano ang nagdala sa isang potensiyal na prospect sa inyong website. Hinahayaan kayo ng analytics tools na gumawa ng quantitative analysis at malaman kung paano nakikipag-ugnayan ang users sa inyong website, pero hindi nila masasabi sa inyo kung ano ang kanilang ginagawa. Kailangan ninyo ng qualitative analysis para alamin ang kanilang behavior at mga desisyon sa pagbili.
Sasabihin sa inyo ng naturang analysis ang sumusunod:
- Bakit nakikipag-ugnayan ang visitors sa inyong site?
- Ano ang dahilan kung bakit sila napunta sa inyong site?
- Anong page, produkto, o serbisyo ang pinaka-nakaakit sa kanila?
- Ano ang nagpapaniwala sa kanilang ang inyong site ay merong bagay na wala sa inyong kompetisyon?
- Paano nila nakikita ang inyong brand sa customer reviews?
- Paano nila dine-describe ang kanilang interaksiyon sa inyong mga serbisyo, produkto, at brand?
- Paano tinutugunan ng inyong mga produkto/serbisyo ang pangunahing pain points ng inyong target audience?
Kapag nasa inyo na ang impormasyong ito at naitambal ito sa inyong analytics data, mas madali nang maunawaan kung paano isasaayos ang inyong website para mas makapagsilbi sa inyong target audience.
Try LiveAgent Today
LiveAgent is the best-rated and most reviewed all-in-one help desk software.
Frequently Asked Questions
Ano ang conversion rate optimization?
Ang conversion rate optimization ay isang proseso ng pagpapataas ng percentage ng visitors na nakakumpleto ng isang partikular na goal sa inyong website para hayaan kayong gawin silang customers. Kadalasang kasama sa mga pagsisikap na ito ang pagbawas ng bounce rate, o shopping cart abandonment rate. Puwedeng kasama sa conversion optimization process ang multivariate tests, pag-track ng micro - conversions, at iba pang tactics.
Paano mao-optimize ang conversion rate?
Ang unang hakbang sa pag-optimize ng inyong conversion rate ay ang suriin muli ang offer sa inyong website para makita kung gaano gumagana ang inyong website at gaano ka-competitive ang inyong mga presyo. Ang susunod na hakbang ay isaayos ang inyong website sa pamamagitan ng pagsusuri sa inyong CTAs, pag-test ng iba-ibang web elements, at pagsisigurong ang inyong content ay na-optimize nang husto. Ang pinakamagandang paraan para ma-optimize ang inyong conversion rate ay ang magbigay ng real-time, omnichannel na customer support at pasimplehin ang checkout. Kapag pinagsama-sama ang lahat ng aksiyong ito, makikita ninyong tataas ang inyong conversion rate.
Ano ang mga limitasyon ng Google Analytics at Adobe Analytics para sa conversion rate optimization?
Hinahayaan kayo ng Google Analytics at Adobe Analytics na magkalap ng raw data sa pamamagitan ng quantitative analysis. Gayunman, ang problema sa raw data ay hindi nito masasagot kung bakit ginagawa ng consumers ang ginagawa nila o bakit sila napunta sa inyong website. Hinahayaan lang kayo ng analytics tool na unawain kung paano nakikipag-ugnayan ang mga user sa inyong website, pero hindi nila kayo matutulungang maunawaan ang dahilan ng ikinilos ng user.
Gaano katagal dapat patakbuhin ang inyong conversion optimization experiments?
Walang average time pagdating sa haba ng inyong pagsisikap sa conversion optimization. Mas matagal ninyong pinatatakbo ang inyong tests, mas marami kayong makakalap ng data.
Kung interesado ka sa conversion rate optimization, magandang basahin ang tungkol sa conversion costs. Alamin kung ano ang kasama at hindi kasama sa mga gastos na ito at kung paano ito ma-optimize.
Alamin ang conversion rate sa LiveAgent! Tuklasin kung paano ito sinusukat, kalkulahin, at pagbutihin para sa mas magandang customer experience at dagdag na leads. Alamin ang iba't ibang tipo ng conversion rates at kung paano ito naaapektuhan ng industriya, bansa, at gadget. Dagdagan ang inyong kaalaman sa mga estratehiya para mapataas ang inyong conversion rate at makamit ang matagumpay na marketing campaigns. Bisitahin ang aming pahina para sa detalyadong impormasyon at simulang i-optimize ang inyong conversion rates ngayon!
Discover the LiveAgent Help Center, a comprehensive resource for customer support. Find answers to frequently asked questions, access a knowledge base, report issues, engage with live support chat, and explore informative articles. Enhance your customer support with LiveAgent's easy-to-use help center, trusted by top companies. Start your free trial today—no credit card required!