Ano ang CRM software?
Ang Customer Relationship Management (CRM) ay isang software solution na dinisenyo para ma-manage at ma-analyze ang customer interactions, at para makaimbak ng impormasyong may kinalaman sa kasalukuyan at potential na customer. Sa pag-implement ng CRM solution sa inyong strategy, ang inyong business ay puwedeng mapabuti ang relasyon sa buong customer lifecycle, ma-track ang leads, mapataas ang customer loyalty, makapag-manage ng sales, at marami pa.
Sa kabilang banda, ang CRM ay isang platform na kayang ikonekta ang iba’t ibang departments sa loob ng inyong kompanya. Isa siyang lugar kung saan puwede nilang maorganisa at i-share ang notes at activities sa isang centralized system. Madali itong ma-access ng inyong team, makatutulong sa kanilang magamit ang naipong impormasyon para makapagsara ng sales at maka-deliver ng katangi-tanging customer service. Dagdag pa rito, hinahayaan nito ang maraming tao na ma-edit ang impormasyon tungkol sa customer journey ng client.
Sa LiveAgent, puwede kayong mag-imbak ng lahat ng inyong customer data sa contact information box o puwede ring i-integrate ang inyong CRM software sa LiveAgent. At sa LiveAgent Help Desk software, puwede ninyong ma-automate ang maraming paulit-ulit na tasks mula sa pag-set up ng simpleng cron job hanggang sa advanced automation features.
Para kanino ang CRM software?
Ginagamit ng mga kompanya ang customer relationship management sa iba’t ibang dahilan, pero ang pangunahing goal ay pataasin ang sales at mapabuti ang kabuuang customer experience sa inyong brand. Ang CRM ay isang tool na may pakinabang sa malawak na klase ng mga kompanya, mula sa maliliit na start-ups hanggang sa malalaking corporations, pati na rin ang mga kompanya ng iba’t ibang industriya.
Ang mga klase ng kompanyang puwedeng makinabang sa paggamit ng CRM software ay ang sumusunod:
- Maliliit na business
- Mga e-commerce business
- Mga kompanyang B2B
- Mga NGO
Ang bawat klase ng kompanya ay puwedeng makinabang sa CRM software sa iba’t ibang paraan. Para mabigyan kayo ng halimbawa, ang isang maliit na business ay puwedeng gamitin ito para lumaki ang customer base nito at gawing actual customers ang leads. Posible ito salamat sa features tulad ng sales analytics, sales forecasting, document sharing, integration sa ibang systems, data storage, etc.
Magagamit ng mga e-commerce business ang CRM para ma-monitor at ma-manage ang kanilang digital sales, ma-track online ang customer interactions, ma-analyze ang kanilang shipping preferences, ma-track ang purchase history ng bawat customer, at ma-monitor ang transactions. Binibigay nito ang malinaw na overview ng future sales at marketing opportunities.
Ang mga kompanyang B2B ay magagamit ang analytical tools ng CRM software para ma-analyze ang interactions sa ibang mga business at para malaman kung ano ang pinakamahusay na susunod na hakbang ng kanilang sales process at kung anong paraan ang kailangang gamiting approach sa bawat client. Dagdag pa rito, ang CRM ay kayang mag-automate ng sales at mga transaction process nang hindi nasasakripisyo ang quality ng data.
Puwedeng epektibong mag-manage, mag-organisa, at mangolekta ng data ang mga NGO tungkol sa kanilang staff members, donors, at volunteers sa isang database. Makatutulong ito sa kanilang makagawa nang mas matatag na relasyong batay sa tiwala, salamat sa pinabuting communications at connections.
Sa kabuuan, kahit anong klase ng business na gustong mag-manage ng future interactions sa kanilang clients at potential customers ay puwedeng makinabang sa paggamit ng CRM software. Nagbibigay ito nang mas malalim na pag-intindi ng pangangailangan ng customers, hinahayaan nito ang mga business na mag-adapt ng kanilang marketing efforts batay sa individual customer.
Paano gumagana ang CRM software?
Ang CRM software ay isang mahusay na tool na tumutulong sa mga business na ma-manage ang relasyon sa kanilang customers sa mas mabisa at epektibong paraan. Kinokolekta nito ang mga impormasyon tungkol sa leads at pinadadali nito ang journey ng potential customers para maging actual silang customers. Kaya ring i-automate ng CRM systems ang iba’t ibang prosesong may kinalaman sa customer relationship management tulad ng data collection, personalized interactions, pag-track ng customer journeys, data analysis, etc.
Data collection
Nangongolekta ang CRM systems ng customer data mula sa iba’t ibang source tulad ng emails, naunang interactions sa inyong website, o kanilang purchase history. Ang impormasyon ay puwedeng ipasok nang mano-mano ng mga empleyado o automatic sa pamamagitan ng pag-integrate ng inyong ibang systems sa CRM software ninyo. Ang lahat ng impormasyon ay naka-imbak sa isang centralized database na madaling ma-access ng inyong team.
Data analysis
Gumagamit ang CRM software ng advanced algorithms at statistical models para ma-analyze ang customer information at behavior. Ang ilang CRM ay may kasamang predictive capabilities na puwedeng mag-generate ng forecast tungkol sa future customer behavior batay sa nakaraang behavior at mga pagbili. Makatutulong itong makilala ang customers na malamang ay mag-churn at bumili.
Salamat sa mahalagang insights, ang mga kompanya ay makagagawa ng informed business decisions tungkol sa pakikipag-ugnayan sa customers at ma-target ang bawat customer gamit ang personalized services at marketing campaigns.
Personalized interactions
Ang lahat ng customer insights na nakuha sa data analysis ay binibigyan ng kakayanan ang mga business na gawing personalized ang kanilang interactions at gumawa ng customer profile batay sa kanilang preferences, behavior, at communication history sa kanilang kompanya. Para epektibong gawing personalized ang interactions na ito at masigurado ang pambihirang customer service, ang mga business ay puwedeng gumamit ng ticketing tool na sinama sa CRM ticketing tool na hahayaan silang makagawa ng komprehensibong customer profiles. Sa paggamit ng tool na ito sa inyong bentahe, ang insight na nakuha mula sa data analysis ay puwedeng magamit para maayon ang marketing campaigns at customer support interactions. Meron itong direktang epekto sa customer satisfaction pati sa pagtaas ng sales.
Customer tracking
Ang customer tracking ay gumagana sa pagkolekta ng data at impormasyon tungkol sa customers na nakaimbak sa isang centralized database. At saka nata-track nito ang customer activity sa pag-focus sa website visits, email interactions, at iba pang source. Nagbibigay din ito ng leads at oportunidad na makapag-track na hinahayaan ang sales representatives na mamili ng tamang marketing campaigns at makagawa ng informed decisions sa resource allocation. Makatutulong ito sa pagsiguradong walang makaliligtaang oportunidad, at nagbibigay ito ng mahahalagang data na makapagpapabuti sa customer service at sales process.
Ano ang mga benepisyo sa pag-implement ng CRM software?
Walang dudang ang customer relationship management software ay isang malakas na tool para sa mga business na gustong pagbutihin ang kanilang sales at makagawa ng malakas at pangmatagalang relasyon sa kanilang customers. Maraming benepisyong dapat banggitin pagdating sa CRM software. Ang ilan sa mga benepisyo ay ang sumusunod:
Pinataas na productivity
Ang CRM ay makatutulong sa inyong team na pataasin ang kanilang productivity sa pamamagitan ng pag-automate ng tasks tulad ng data collection, analysis, at reporting, na siyang nakakatipid ng oras at resources. Ang inyong mga empleyado ay magkakaroon ng focus sa ibang mahahalagang gawain at areas na kailangang tutukan ng tao.
Pinabuting collaboration sa loob ng inyong organisasyon
Isa pang benepisyo ng CRM software ay hinahayaan nito ang inyong team na mag-share ng impormasyon at gawin ang trabaho nang sama-sama. Pinahuhusay pa nito ang team collaboration sa loob ng inyong kompanya. Ang CRM ay nagbibigay din ng centralized database na kasama ang lahat ng customer information, nakaraang pagbili, records ng interactions, at ang database na ito ay madaling ma-access ng inyong mga empleyado. Sa pagkakaroon nito, hindi na nila kailangang maghanap sa sandamakmak na mga dokumento, na siyang malaking katipiran sa oras.
Ang ilang CRM systems ay meron ding built-in tools para sa collaboration na hinahayaan ang ilang tao na magtrabaho sa iisang dokumento nang sabay-sabay at ma-track ang kanilang progreso.
Mas mahusay na kaalaman sa inyong mga customer
Ang CRM software ay nagbibigay ng mas mahusay na kaalaman tungkol sa inyong mga customer sa pamamagitan ng pagkolekta at pag-organisa ng customer data sa isang centralized na lugar, na siyang nagbibigay ng kumpletong overview ng interactions ng customers sa inyong kompanya. Kasama sa data na ito ang impormasyon tulad ng personal contact information, purchase history, nakaraang interactions, preferences, complaints, etc. Makatutulong ito sa inyong mga empleyadong mas maintindihan ang bawat customer, kaya nakapagbibigay sila ng mas personalized na customer service.
Puwede ring gamitin ito ng marketers para mag-manage at ma-optimize ang marketing campaigns batay sa nakolektang data, at para mas maintindihan ang sales pipeline, na siyang nagbibigay sa kanila ng kakayahang makapaglabas ng mas tamang forecast. Ang isang CRM solution ay puwede ring makatulong na malaman ang quality leads. Ibig sabihin, hindi ninyo kailangang mag-aksaya ng oras at resources sa maling prospect na hindi naman magiging customer. Sa halip, puwede ninyong ma-relocate ang resources na iyon sa mahahalagang leads para gawin silang customer.
Pinahusay na customer retention
Kapag na-convert na ninyong customer ang leads, kailangan ninyo namang asikasuhin ang customer retention at gumawa ng pangmatagalang relasyon sa kanila. Magagawa ito sa pamamagitan ng pag-intindi sa inyong customers at paggawa ng targeted marketing campaigns at promotions na pananatiliin silang interesado at engaged sa inyong brand. Dito papasok na mainam ang CRM software dahil ginagawa nitong automated ang pag-follow up ng tasks para masiguradong ang pangangailangan ng mga customer ay naibibigay.
Pinahusay na communication
Isa pang benepisyo ng CRM software ay nagbibigay ito ng isang centralized platform na nagpapadali ng communication sa customers, na hinahayaan ang inyong team na makasagot nang mahusay sa lahat ng customer request, feedback, at complaint.
Maliban pa sa pagbibigay ng platform para sa communication sa pagitan ng customers at ng inyong business, pinadadali rin nitong makapag-communicate ang inyong mga empleyado sa isa’t isa. Puwede nilang padalhan ang isa’t isa ng alerts, messages, at i-tag ang bawat isa sa mga project, at lahat ito ay posible sa iisang system.
Proteksiyon ng data
Sinisigurado ng CRM software na protektado ang inyong customer data sa pamamagitan ng pagbibigay ng access control at digital security mechanisms. Tutulungan kayo ng CRM na makasunod sa data privacy laws at regulations kaya nababawasan ang posibilidad ng data breach.
Ano ang pangunahing features ng CRM software
Maraming core features ang CRM systems tulad ng sumusunod:
Contact Management
Puwedeng maikumpara ang contact management feature sa modernong address book dahil nakalagay dito ang lahat ng contact information tungkol sa inyong customers. Isa itong magandang paraan para magkaroon ng madaling access sa lahat ng kailangang impormasyon habang inoorganisa ito nang maayos. Makikita ninyo rito ang impormasyon tulad ng buong pangalan, tirahan, email address, phone number, at iba pang dagdag na impormasyong mahalaga sa inyong business.
Hinahayaan din kayo nitong hatiin ang inyong contacts sa iba’t ibang grupo batay sa iba’t ibang criteria na kayo ang gagawa. Pinahuhusay nito ang personalization pagdating sa marketing strategies, at puwede itong magkaroon ng malaking epekto sa customer satisfaction.
Lead Management
Ang lead management ay pangunahing elemento ng CRM software dahil tumutulong ito sa mga business na ma-track ang mga taong nagpapakita ng interes sa inyong produkto o serbisyo, at pati mga nag-interact na dati sa inyong kompanya. Sa pagtatago ng ganitong impormasyon, magagawa ninyo ang kailangang hakbang at makakapag-follow up sa prospective customer para magawa silang nagbabayad na customer. Ang CRM lead management ay pinalalaki ang inyong tsansang ma-convert ang leads sa customers.
Sales Management
Ang sales management tool ay isang mahalagang component para sa mga kompanyang gustong matutukan ang mga proseso nila sa sales. Nagbibigay ito ng kumpletong overview ng lahat ng sales activities, halimbawa ang pag-track sa sales leads, pag-track sa performance ng inyong sales team, at pag-track sa follow-ups sa customers, at marami pa. Sa pagsunod sa performance ng inyong sales team, makikita ninyo kung kumikilos sila para sa parehong goal at gumagawa ng kailangang pagpapabuti para ma-maximize ang sales growth. Ang pag-track sa customer follow-ups ay sinisiguradong alam ninyo ang customer satisfaction at kung sila ay puwedeng maging suki sa future.
Marketing Automation
Ang marketing automation tools ay nakatutulong sa inyong manatiling konektado sa inyong customers at makapag-reach out sa kanila gamit ang tamang message sa tamang oras. Salamat sa feature na ito, puwede ninyong masiguradong nagpapadala kayo ng maayos na messages na nakabatay sa nakolektang data. Puwede rin ninyong i-setup ang automatic messages para maging mas time-efficient kayo at maka-focus din kayo sa ibang gawain. Ang goal ng marketing automation ay panatiliin ang inyong customers at leads na engaged at makita kung anong marketing efforts ang gumagana at alin ang hindi.
Customer Service at Support
Ang customer service at customer support teams ay susi sa pananatiling kuntento at masaya ang mga customer. Sinisigurado nitong lahat ng isyu at concerns ng customer ay naaayos sa tamang panahon at epektibong paraan. Sa component na ito ng CRM software, meron kayong centralized space para makita ang lahat ng interactions sa customers, na siyang nagbibigay ng overview kung ano ang kailangang i-prioritize batay sa urgency at complexity ng issue. Dagdag pa, masusukat ninyo ang level ng customer satisfaction sa serbisyong natatanggap nila, kaya mapapabuti ninyo at makabibigay kayo ng mahusay na customer experience.
Looking to improve your customer service?
Get started with LiveAgent and unify your communication tools in one dedicated help desk solution that can help you solve queries efficiently.
Analytics at Reporting
Ang pagtutok sa inyong analytics at reporting ay napakahalaga para ma-monitor at ma-assess ang kahusayan ng inyong pagsisikap sa customer relationship management, at ipinapakita nito ang epekto ng inyong mga desisyon at actions. Salamat sa feature na ito, makikita ninyo ang metrics tulad ng bagong kakukuhang leads, customer feedback, customer complaints, sales figures, at marami pa. Sa pagkakaroon ng malinaw na overview at pag-intindi sa figures na ito, puwede kayong mag-implement ng mga pagbabago at pagpapabuti. Dagdag pa, ang business analytics at reporting component ay maipapakita bilang graphs at charts para mas madaling maintindihan ang data. Pinadadali rin nitong malaman ang patterns, trends, at opportunities para sa pagpapahusay.
Ito ang ilan sa pangunahing features ng CRM software, pero mahalagang tandaang ang iba’t ibang providers ay puwedeng mag-offer ng iba’t ibang features. Kaya para malaman kung ano ang pinakamagandang CRM software para sa inyong organisasyon, kailangan ninyong isipin ang eksaktong pangangailangn ninyo at kung paano makatutulong sa inyo ang CRM software.
Kongklusyon
Ang pag-integrate ng CRM software sa inyong business ay puwedeng magpayabong at magpahusay sa inyong internal collaboration, pati na rin sa interactions sa inyong customers, na nagreresulta sa sales growth. Kaya itong magawa, salamat sa posibilidad na ma-monitor ang lahat ng customer interactions, makakuha ng mas malalim na pag-intindi sa pangangailangan at preferences ng customers, mapahusay ang management relationships, at mapabuti ang sales.
Ang iba’t ibang kompanya mula sa iba’t ibang industriya ay puwedeng makinabang sa CRM solutions kung gusto nilang mapabuti ang customer relationships at madaling ma-automate ang pang-araw-araw na tasks. Dagdag pa, meron itong centralized customer data na pinadadali ang access ng inyong mga empleyado at kaugnay na stakeholders. Makakapag-collaborate ang inyong team nang madali sa mahahalagang tasks sa lahat ng departments. Sa pag-facilitate ng mas mabuting communication sa pagitan ng inyong teams at customers, mapabubuti ninyo ang mga relasyon at makakapag-concentrate sa kanilang objectives, naibibigay ang pangangailang ng customers, at natutugunan ang inyong goals.
Kung interesado ka sa mas malalim na pag-unawa, basahin kung "Ano ang CRM software?" na naglalaman ng detalyadong paliwanag sa mga pangunahing features nito. Matutuklasan mo rin ang iba't ibang paraan kung paano ito makakatulong sa iyong negosyo tulad ng pinataas na productivity at mas mahusay na kaalaman sa inyong mga customer.
Isa pang kapaki-pakinabang na artikulo ay "Para kanino ang CRM software?" na nagbibigay-linaw kung sino ang makikinabang mula sa paggamit nito. Alamin kung paano ito nagiging isang mahalagang kasangkapan para sa iba't ibang uri ng organisasyon at industriya.
Alamin ang mga kinakailangang kagamitan para sa isang epektibong call center mula sa mga computer, headset, at internet connection, hanggang sa call center software at call recording tools. Tuklasin ang tamang kagamitan para sa makinis na operasyon at pinahusay na customer experience. Bisitahin ang LiveAgent para sa detalyadong gabay.
Software ng serbisyong kustomer
Tuklasin ang 20 pinakamahusay na software ng serbisyong kustomer ng 2022 sa LiveAgent! Alamin ang benepisyo at pangunahing tampok ng mga kasangkapang ito tulad ng LiveAgent, Freshdesk, at Zoom upang mapalakas ang ugnayan sa kustomer, mapabilis ang paglutas ng isyu, at mapahusay ang kasiyahan ng kustomer.
Mga Insight sa Ticket/Customer (CRM)
Mag-imbak ng data ng customer at magtago ng impormasyon sa iyong mga tiket gamit ang Ticket/Customer Insights (CRM). Sa ganoong paraan, maaari kang laging handa at may kaalaman.
Gawin itong mangyari gamit ang software sa pakikipag-ugnayan ng customer.
Pinapabuti ng LiveAgent ang kasiyahan ng kustomer gamit ang multi-channel na software sa pakikipag-ugnayang kustomer. Tingnan ang mga benepisyo ng LiveAgent at makita sa sarili mo.