Ano ang customer engagement model?
Ang customer engagement model ay isang pamamaraang ginagamit ng mga business sa pagbuo at pagpapanatili ng mga pangmatagalang relasyon sa kabuuan ng customer journey. Ang layunin ng customer engagement model ay mapaganda ang customer experience, maparami ang conversions, at mapahusay ang retention at customer lifetime value para matiyak ang pantay-pantay na paglaki ng revenue. Ang customer engagement models ay karaniwang naka-classify sa sumusunod na pangunahing uri:
Karaniwang uri ng customer engagement models
High-touch engagement models
Ang high-touch onboarding models ay karaniwang gumagana para sa mga software company na nagbebenta ng mamahalin at komplikadong enterprise solutions. Ang onboarding interaction ay kadalasang nagsisimula sa isang introduction mula sa sales team at puwedeng may kasamang live online o in-person na training sessions at lingguhang check-ins sa isang dedicated na sales agent o customer success manager na naka-assign sa isang customer. Nakatutulong itong matiyak ang mainam na daloy ng product adoption, epektibong paggamit ng produkto, pati na rin ang patuloy na tagumpay ng customer. Hinahayaan ng high-touch engagement approach ang pagti-tailor ng onboarding experience sa pangangailangan ng customers at business goals, at pag-adjust nito batay sa pagtugon ng customer.
Low-touch engagement models
Nababagay ang low-touch models sa SaaS at B2B companies na nagbebenta ng marami pero mas mura at hindi gaanong komplikadong mga solution. Sa low-touch engagement model, mas kakaunti ang kasamang touchpoints sa customers habang ang karamihan ng mga interaksiyon ay technology-based at automated. Ang onboarding process ay karaniwang nag-uumpisa sa isang automated na onboarding email na nagha-highlight ng product feature at nagpapatuloy sa isang automated onboarding email sequence. Ang customers ay karaniwang tinutulungan sa pamamagitan ng self-service resources tulad ng video guides, tutorials, knowledge base articles at automated chat bots.
Hybrid engagement models
Bilang isang rule, karamihan ng mga kompanya ay gumagamit ng kombinasyon ng dalawang models at nagbabago ng kanilang customer engagement strategy batay sa factors tulad ng costs at product complexity. Sa hybrid approach, puwedeng isama ang high-touch onboarding sa isang low-touch post onboarding approach. Kasabay nito, ang ilang mga kompanya ay puwedeng pangunahing gumamit ng isang low-touch onboarding model kasama ng isang high-touch post engagement approach. Puwedeng mangyari iyon kung ang isang customer ay madaling nag-sign up para sa isang produkto o serbisyo pero puwedeng mahirapan sa matagumpay na onboarding at mangailangan ng tulong para matiyak ang tagumpay sa katagalan.
Improve your customer engagement with a complex multichannel solution.
Get started with LiveAgent today and provide the best customer experience with the right toolset.
Frequently Asked Questions
Bakit importante ang customer engagement models?
Kritikal sa lahat ng stages ng customer engagement ang paraan ng interaksiyon ng mga business sa customers – mula sa paggawa ng mga nilalaman at pakikipag-ugnayan sa mga potential customer hanggang sa customer acquisition at matagumpay na onboarding. Makatutulong sa mga business ang pagkakaroon ng epektibong customer engagement model sa kanilang pagma-manage ng customer relationship sa buong customer journey, sa pagpapahusay ng customer retention at pagsisiguro ng pangmatagalang tagumpay ng business.
Paano pumili ng tamang engagement model?
Mas bagay ang high-touch engagement models sa mga business na may offer na mahal na enterprise products. Madalas marami silang kasamang touchpoints sa customer para matiyak ang matagumpay na onboarding at patuloy na tagumpay. Habang ang pagpili ng low-touch engagement models na kadalasang umaasa sa automated strategies ay makatuwiran para sa mas murang presyo at hindi gaanong komplikadong mga solusyon.
Paano magtayo ng customer engagement model?
Ang paggawa ng epektibong customer engagement model at pagsisiguro ng isang engaged customer base ay nangagailangan ng pagkakaroon ng isang maliaw na pag-intindi kung anong uri ng engagement ang kinakailangan para matugunan ang expectations ng customers, ma-deliver ang value at mapanatili ang pangmatagalang relasyon. Sabi nga, kailangang tiyakin ng isang business na ang revenue na nanggagaling sa customer ay kayang i-justify ang mga konektadong gastos kung sakaling isang high-cost model ang kukunin.
Matapos mong basahin ang tungkol sa iba't ibang uri ng customer engagement models, maaaring gusto mong malaman kung ano ang mga pangunahing customer engagement strategies. Ang mga estratehiyang ito ay makakatulong upang mapanatili ang interes at katapatan ng iyong mga kliyente.
Alamin kung paano mapahusay ang katapatan ng kustomer sa LiveAgent! Ang katapatan ay susi sa pagtaas ng kita at pagbuo ng tiwala sa pagitan ng brand at mga kliyente. Tuklasin ang mga estratehiya para sa mas mahusay na karanasan ng kustomer at alamin kung paano makakabuo ng matagumpay na loyalty program. Mag-sign up para sa isang libreng account ngayon at simulan ang iyong paglalakbay sa masayang kustomer!
Tuklasin ang kahalagahan ng customer experience (CX) at kung paano ito nagpapataas ng loyalty at revenue ng kompanya. Alamin ang benepisyo ng magaling na CX at paano ito mapapahusay gamit ang LiveAgent customer service software. Subukan ang mga tampok na magpapahusay sa kasiyahan ng customer, tulad ng omnichannel support, automated ticketing, at analytics. Simulan ang iyong libreng trial ngayon at gawing mas epektibo ang bawat interaksyon sa customer!