Ano ang echo cancellation?
Ang echo cancellation ay ginagamit sa telecom at telephony applications para pagbutihin ang quality ng voice communication. Pinipigilan nitong mangyari o marinig ang mga echo. Nakatatanggal din ito ng echo sa post-processing. Gumagana ang mga echo canceller sa pamamagitan ng pag-analyze ng incoming voice stream at kasabay nitong pag-monitor ng return voice stream bago ito ma-transmit. Kung matukoy ang echo, ibabawas ito ng echo cancellation engine mula sa transmitted o received na audio signal.
Ang echo ay karaniwang nagagawa kapag ang microphone ay nakakuha ng boses ng speaker at nag-broadcast pabalik sa kanila (tinatawag itong acoustic echo), o kapag ang mga electrical signal ay nakakasalubong ng isang impedance mismatch sa telephone network (tinatawag itong line echo). Ang mga echo canceller ay merong dalawang uri: acoustic echo canceller (AEC) at line echo canceller (LEC).
Ang adaptive filter ay isang mahalagang bahagi ng mga acoustic echo cancellation system. Ang basic principle ng adaptive echo cancellation algorithm ay ang pag-simulate ng echo path, paggawa ng replica ng echo, at pagkatapos ay pagbawas nito mula sa received voice signal.
Kailan required ang acoustic echo cancellation?
Karaniwang nagkakaroon ng acoustic echo kapag ang speaker volume ay napakataas, kapag ang microphone at ang speaker ay sobrang magkalapit, o kapag gumagamit ng isang sobrang sensitive na microphone. Habang hindi naririnig ng tenga ng tao ang echo na merong delay na mas mababa sa 40ms, ang higit sa 40ms ay nagsisimulang mapansin na at puwedeng maging pangit ito sa pandinig ng listener.
Sa call center environment, puwedeng maging sagabal sa efficient customer communication ang acoustic echo. Hindi lang ito nakakainis sa parehong parte ng interaksiyon (ng call center agent at customer), puwede ring magresulta ito sa hindi pagkakaunawaan at may mahalagang impormasyong makakaligtaan. Puwede nitong mapababa ang kabuuan ng customer experience at call center performance. Kaya naman mahalaga ang acoustic echo cancellation at pag-aalis ng mga ingay mula sa mga call para maging mahusay ang mga interaksiyon sa call center.
Ang echo cancellation ay kailangan din sa mga Interactive Voice Response (IVR) system na gumagamit ng automatic speech recognition (ASR). Nakatutulong itong maiwasan ang magka-echo sa prompt na pinaparinig sa caller. Pinagbubuti rin nito ang accuracy ng speech analytics.
Paano maiiwasan ang pag-echo ng mga video call at microphone?
Kahit pa customer support calls o conference call sa katrabaho ito, challenge talaga ang pagkakaroon ng acoustic echo at background noise. Narito ang ilang basic steps na puwede ninyong gawin para makaiwas sa pag-echo sa mga voice at video call.
Magsuot ng headphones
Ang isa sa pinakamabilis at pinakamadaling paraan ng pagtatanggal ng echo ay sa simpleng paggamit ng mga headphone. Dahil walang tunog na lumalabas sa mga speaker (dahil ang mga speaker ay nasa tenga ninyo), ang microphone ay malamang na hindi makakakuha nito at maiiwasan ang echo. Puwede itong gawin sa parehong one-to-one video calls at group conference calls.
Mag-adjust ng volume level
Kapag ang speaker volume ninyo ay masyadong mataas, puwedeng makakuha ang microphone ninyo ng mga boses ng ibang call attendee na magreresulta sa isang echo na puwedeng di ninyo mapansin. Ang pagbabawas ng volume at maayos na pag-adjust ng microphone sensitivity settings ay makasisiguradong boses lang ninyo ang makukuha sa microphone.
Paganahin ang half duplex communication
Ang isa pang mabilis na paraan para matanggal ang echo ay sa paggamit ng half duplex communication, kung saan iisang tunog ng speaker lang ang nata-transmit muna. Ibig sabihin, ang lahat ng participants ng isang call ay ilalagay sa mute ang sarili nila kapag di sila nagsasalita. Ang downside ng approach na ito ay puwedeng maging hindi natural sa pakiramdam ang di naiistorbong pag-uusap.
Set up your call center
Discover more benefits of LiveAgent's robust call center software.
Manood ng video tungkol sa echo cancellation
Ang pagkansela ng echo ay isang algorithm na ginagamit upang alisin ang echo mula sa mga sound system upang mapabuti ang kalidad ng tunog habang tumatawag. Gumagamit ang pagkansela ng echo ng mga sound wave upang matukoy ang lokasyon at laki ng mga dayandang na pagkatapos ay inaalis nito upang mabawasan ang reverberation at mapahusay ang kalinawan ng tunog. Ang LiveAgent ay isang help desk software na tumutulong sa mga organisasyon na mapanatili ang epektibong komunikasyon sa mga customer. Nag-aalok ito ng mga feature gaya ng interactive na voice response, live chat, at ticketing system para magkaroon ng komprehensibong karanasan sa serbisyo sa customer. Sa pamamagitan ng paggamit ng echo cancellation at LiveAgent, makakapagbigay ang mga organisasyon ng mas magandang karanasan sa suporta sa customer.
Frequently Asked Questions
Ano ang echo cancellation?
Ang echo cancellation technology ay ginagamit sa telephony para magtanggal ng echo at ng ibang di kanais-nais na white noise. Nakatutulong ito sa parehong speech enhancement at audio clarity. Gumagana ito sa pamamagitan ng pag-monitor ng mga incoming at outgoing audio stream at pagbawas ng echo mula sa na-transmit o natanggap na signal kapag natukoy ito. Ang common na classification ng mga echo canceller ay mga acoustic at line echo canceller.
Kailan required ang acoustic echo cancellation?
Kapag narinig ang acoustic echo ng tenga ng tao (karaniwang may delay na 40ms), puwede itong maging kabawasan sa voice quality at makagawa ng hindi magandang karanasan. Mahalaga ito sa call center environment (lalo na sa mga busy na call center), kung saan ang acoustic echo canceller ay kakailanganin para siguraduhin ang maayos at uninterrupted na mga interaksiyon sa call center.
Paano mapipigilan ang pag-echo ng video calls at microphone?
Ang paggamit ng mga headphone at pagbabawas ng volume ng microphone at ang tamang pag-adjust sa mga sensitivity setting ay ilan sa pinakamabilis na paraan para maiwasan ang echo sa one-on-one at group conference call. Puwede rin ninyong paganahin ang komunikasyon na half duplex sa pamamagitan ng pag-utos sa mga call attendee na mag-mute ng microphone nila habang hindi sila nagsasalita.
Paano papatayin ang echo cancellation?
Habang kadalasang gumagana nang maayos ang echo cancellation sa pagtatanggal ng mga echo at ingay sa kapaligiran, puwede nitong gawing muffled ang tunog ng sound sa recording kapag meron kayong full duplex conversation (sabay-sabay na pagsasalita sa isang speaker). Sa kasong ito, puwedeng gusto ninyong tanggalin ang echo cancellation - puwede itong matanggal sa mga audio setting ng mga device na inyong ginagamit.
Bakit nagkakaroon ng echo?
Nangyayari ang echo kapag nag-reflect mula sa ibabaw (ng mga pader at/o mga bagay) at bumabalik sa orihinal na speaker ang sound wave. Sa konteksto ng telephony at telecommunication apps, puwedeng mangyari ang echo kapag merong speaker volume na mataas, kapag ang mga microphone na sensitibo ay ginamit, o kapag ang speaker at ang microphone ay magkatabi.
Dapat ko bang paganahin ang acoustic echo cancellation?
Ang acoustic echo cancellation ay ginagamit para tanggalin ang acoustic feedback sa pagitan ng isang speaker at microphone sa telecommunication at mga teleconference system. Kailangan itong paganahin sa mga sitwasyon kung saan puwedeng mangyari ang echo. Napapaganda nito ang audio quality at sinisigurado nito ang malinaw, walang istorbo, at natural na komunikasyon.
May microphones bang nag-aalis ng background noise?
Ang mga noise-canceling microphone ay dinisenyo para makakuha ng boses ninyo habang tinatanggal ang background noise. Kadalasan silang ginagamit sa mga busy na mga call center kung saan ang mga agent ay magkakalapit sa bawat isa. Ang noise-canceling ay nagagawa sa maraming paraan. Halimbawa, sa paggamit ng dalawa o higit pang built-in microphone na puwedeng makakuha ng tunog mula sa iba-ibang direksiyon at pagbabawas ng surrounding noise sa input signal.
Kung interesado kang malaman pa tungkol sa echo cancellation, basahin ang Ano ang echo cancellation? para sa mas detalyadong paliwanag kung paano ito gumagana at mga benepisyo nito. Kapag nais mo namang malaman kung kailan ito kinakailangan, makakatulong sa iyo ang artikulong Kailan required ang acoustic echo cancellation? para sa tamang desisyon.
Para sa mga praktikal na tips, alamin kung paano mo maiiwasan ang pag-echo ng mga video call at microphone sa pamamagitan ng pagsuot ng headphones. Maaari ka ring mag-adjust ng volume level upang makamit ang mas malinaw na komunikasyon.
Kung nais mong mas maunawaan ang proseso, maaaring panoorin ang video tungkol sa echo cancellation. Para naman sa mga karaniwang katanungan tungkol dito, tingnan ang seksyong Frequently Asked Questions at masagot ang iyong mga agam-agam.
Discover the benefits of call masking with LiveAgent! Protect your customer privacy and enhance call responsiveness using this VoIP feature that keeps caller identities anonymous. Experience improved customer engagement, reduced communication costs, and seamless call management. Start your free trial today and elevate your call center operations!
Tuklasin ang kahalagahan ng VoIP calling sa inyong negosyo. Alamin kung paano ito nagbibigay ng mas murang, flexible, at secure na paraan ng pagtawag gamit ang internet, at kung bakit ito ang pinakamahusay na opsyon para sa mga conference call. Simulan ang paggamit ng VoIP nang libre at walang obligasyon.