Ano ang fixed VoIP?
Ang fixed VoIP ay isang Voice over Internet Protocol phone number na nakakabit sa isang physical address. Ibig sabihin, ang VoIP phone numbers ay naka-fix, may account owner, at nakarehistro isa isang pisikal na lokasyon. Kahit na ang VoIP numbers na ito ay konektado sa isang physical address, internet-based phone lines pa rin ang mga ito.
Dahil dito, ang fixed VoIP phone service ay puwedeng magamit sa parehong domestic at international calling. Samakatwid, ang VoIP lines ay ideyal gamitin para sa residential at sa business.
Dagdag pa, sa US, ipinadadala ng fixed VoIP numbers are eksaktong geographical location sa PSAPs o public safety answering points, na ang ibig sabihin ay puwedeng ma-trace ang VoIP calls ninyo sa 911.
Ano ang pagkakaiba ng fixed at non-fixed VoIP numbers?
Kung pinag-iisipan ninyong mag-implement ng fixed o non-fixed VoIP numbers, walang duda na interesado kayong malaman kung ano ang pagkakaiba ng dalawang magkahawig pero magkaibang uri ng VoIP.
Ang pangunahin at pinakamahalagang pagkakaiba ng dalawang uwi ng VoIP services na ito ay ang lokasyon. Ang fixed VoIP numbers ay may account owner at nakatali sa isang eksaktong geographical address habang ang non-fixed VoIP numbers ay hindi nakatali sa anumang tunay na address.
Ang VoIP phone systems na nakatali sa mga partikular na lokasyon ay puwede ring makaranas ng mas madaling connections sa local customers at may kahirapan pagdating naman sa international, habang ang non-fixed VoIP systems ay karaniwang nakararanas ng parehong quality connection saanman ang lokasyon nila o ng kanilang customer.
Karamihan ng VoIP service providers ay may offer na parehong solutions dahil ang iba-ibang business ay kailangan ng iba-ibang features mula sa kanilang VoIP technology.
Narito ang isang praktikal na listahan ng pangunahing pros at cons ng parehong VoIP account:
Fixed VoIP pros
- Madaling communication sa local at short-distance customers.
- Business phone services na puwedeng ma-trace kaya mas maaasahan.
Fixed VoIP cons
- Mas mataas na gastos para sa international incoming at outgoing calls na katulad ng isang traditional na landline.
- Hirap sa pag-abot sa audience na malayo ang lokasyon sa business.
Non-fixed VoIP pros
- Mas magagandang routing features para sa international calls.
- VoIP solution para sa mga kompanyang may global customer base.
Non-fixed VoIP cons
- Mga solution na kadalasang ginagamit sa gawaing panloloko;
- Posibleng mas mababang reputability sa mga potensiyal na customer.
Benepisyo ng fixed VoIP numbers
Madaling mapapalakas ng fixed VoIP numbers ang external communication ng inyong business salamat sa mga benepisyong ino-offer nila. Kahit na marami ang mga benepisyo nito, ang mga advantage na dapat ninyong asahan ay ang transparency, security, at abilidad na makagawa ng emergency call. Tingnan ninyo sila rito:
Transparency
Walang mas mahalaga sa pagiging transparent sa kabuuan ng lahat ng inyong gawain bilang isang kompanya. Kasama rito ang pagkakaroon ng geographic locations na accessible sa publiko kapag tumatawag.
Pinahihintulutan ng fixed VoIP numbers na makuha ng inyong customers ang mga detalye ng inyong kinaroroonan, na awtomatikong nagpapataas ng inyong reputasyon. Ang inyong business ay makikita bilang isang credible at reliable na kompanyang hindi kailangang itago ang physical location, at makikita rin ng inyong customers na ang inyong brand ay mapagkakatiwalaang VoIP caller. Samakatwid, kinakailangan ang transparent calling features para sa lahat ng credible na business.
Pinahusay na seguridad
Pagdating sa business phone calls, mahalaga ang pagkakaroon ng seguridad, lalo na kung meron kayong remote workers. Ang fixed VoIP telephony ay may pinaka-advanced na security protocols at safety measures, at ang inyong business VoIP provider ay ini-encrypt ang network na ginagamit sa transmission ng mga tawag bilang karagdagang hakbang sa top-tier security.
Ang pag-encrypt ng mga message at call ang dahilan kung bakit ang fixed VoIP phone numbers ang isa sa pinakamagandang solution para sa business. Walang makaka-trace o spy sa inyong phone calls, at magagawa ninyong mag-conduct ng pinaka-confident na meetings gamit ang VoIP voice calls lang.
Available na emergency calls
Para sa karamihan ng VoIP solutions, ang access sa emergency services ay hindi available dahil ang mga tawag na ito ay internet-based. Kahit na gumagamit ng broadband network ang fixed VoIP sa pag-administer ng mga tawag, kaya rin nitong gawin ang emergency calls sa 911.
Kung sakaling may emergency, praktikal ang feature na ito, kaya baka puwede ninyong ikonsiderang piliin ang isang VoIP service provider na may offer na posibilidad na makontak ang emergency call center kapag gumagamit ng fixed VoIP plans.
Dagdag na features
Maliban sa transparency, extraordinary security, at abilidad na makontak ang emergency services, ang mga internet-based calling plans na ito ay may kasamang maraming additional features at mga benepisyo na ginagawang mas straightforward ang paggawa ng business. Mula sa videoconferencing hanggang sa cloud calling feaure, maraming kayong puwedeng maaasahang maibigay ng inyong VoIP reseller.
Choose the best VoiP provider for your needs
LiveAgent's call center offers integrations with various VoIP providers. Wanna have a closer look?
Tuklasin ang mga pangunahing pagkakaiba ng mga fixed at non-fixed na numero ng VoIP
Makakuha ng komprehensibong pag-unawa sa mga nakapirming numero, na nauugnay sa mga pisikal na lokasyon, at hindi nakapirming mga numero, na nag-aalok ng higit na kakayahang umangkop. Tuklasin ang mga implikasyon ng mga pagkakaibang ito para sa mga negosyo at indibidwal. Naghahanap ka man na i-upgrade ang iyong sistema ng komunikasyon o naghahanap lamang ng kaalaman sa paksa, ang video na ito ang iyong pinakahuling gabay.
Frequently Asked Questions
Ano ang fixed VoIP phone number?
Ang fixed VoIP ay isang Voice over Internet Protocol phone number na konektado sa isang partikular na business address na ginagamit sa totoong buhay. Lahat ng VoIP phone numbers ay may account owner at isang registered na street address, na nagpapadali sa paghahanap at pag-detect ng caller gamit ang planong ito.
Paano malalaman kung isa itong VoIP number?
Lahat ng mga VoIP address ay may sinusundang isang katulad na format. Kung may makita kayong pamilyar na VoIP address format na may mapped number o isang VoIP address, ibig sabihin nito ay ang number ay may VoIP plan. Kasama sa ilang standard formats na ginagamit ang 1234@voip.domain.tld o 5678@sample.com.
Sino ang gumagamit ng fixed VoIP?
Ang fixed VoIP ay mas ginagamit ng mga kompanya at business, kadalasang mas maliliit at mga lokal na hindi nangangailangang gumawa ng maraming international calls. Ang mga kompanyang gumagamit ng VoIP plans ay karaniwang reputable at transparent na mga business na hindi tinatago ang kanilang lokasyon.
Puwede bang tawagan o i-text back ang isang fixed VoIP number?
Puwede ninyong tawagan at i-text back ang mga numbers na ito. Ang VoIP technology ay bahagi ng internet telephony, na nagpapahintulot sa mga tao na gamitin ang plans na ito gamit ang traditional landlines at smartphones.
Puwede bang ma-trace ang isang fixed VoIP?
Oo, ang fixed VoIP calls ay puwedeng ma-trace. Nakatali kasi ito sa account owner at sa isang partikular na pisikal na address.
Ano ang pagkakaiba ng fixed at non-fixed VoIP numbers?
Hindi katulad ng mga fixed VoIP, hindi puwedeng ma-trace ang non-fixed VoIP numbers. Hindi naka-link ang mga ito sa isang partikular na address o lokasyon kaya mahirap makilala o ma-trace ang callers.
Ano ang mga benepisyo ng fixed VoIP numbers?
Ilang pangunahing benepisyo ng fixed VoIPs ay ang complete transparency, enhanced security at safety, at posibilidad na makagawa ng emergency calls. Maliban sa mga ito, maraming iba pang beneficial features ang makapagpapagaan ng business operations sa araw-araw.
Pagkatapos mong malaman ang tungkol sa fixed VoIP, magandang ideya na basahin ang tungkol sa pagkakaiba ng fixed at non-fixed VoIP numbers upang mas maunawaan ang kanilang mga benepisyo at limitasyon. Makikita mo ang isang listahan ng mga pros at cons para sa parehong uri ng VoIP account na makakatulong sa iyong pumili ng tamang serbisyo para sa iyong negosyo.
Alamin kung paano ang VoIP ay nagbibigay-daan sa abot-kayang tawag at mas malaking flexibility para sa iyong negosyo. Tuklasin ang mga pros at cons, at alamin kung paano pumili ng tamang VoIP provider. Mag-subscribe para sa demo at newsletter ng LiveAgent upang mas palawakin ang iyong kaalaman sa VoIP.
Alamin kung paano mapapabuti ang kalidad ng VoIP calls gamit ang Quality of Service (QoS) technology. Tinutulungan ng QoS na bawasan ang jitter at i-optimize ang bandwidth para maiwasan ang network congestion at mapanatili ang mataas na kalidad ng voice calls. Tuklasin ang mga hakbang sa pag-setup at alamin kung paano ito makakatulong sa inyong negosyo.
Alamin kung paano makakatulong ang VoIP numbers sa iyong negosyo sa pamamagitan ng mas murang calls at mas mahusay na customer service gamit ang internet connection. Tuklasin ang pagkakaiba ng fixed at non-fixed VoIP numbers at kung paano makakakuha ng VoIP number. Pasimplehin ang iyong communication strategy at bawasan ang gastos sa pagtawag ngayon. Subukan ang LiveAgent para sa mabilis na VoIP setup at pagbutihin ang iyong customer interactions.