Nahihirapan ba kayong makarinig kapag nasa VoIP call? Puwedeng ang dahilan ay ang karaniwang problemang kung tawagin ay jitter o jitter VoIP (i.e. voice over Internet protocol).
Ano ang jitter VoIP?
Pinapalitan ng VoIP technology ang tunog ng inyong boses para maging data na kung tawagin ay packets. Ang voice packets na ito ay tina-transmit naman sa Internet at pagkatapos ay kino-convert pabalik sa orihinal na tunog.
Sa kasamaang-palad, minsan may epekto ang mga delay at problema sa tawag. Kapag nangyayari ang packet loss, nagsa-suffer ang inyong audio quality. Ang isang delay sa packet transmission ay nangangahulugang maikli lang ang istorbo. Ang mas masama ay kung may packet loss, may mawawalang mga salita. Sa kabutihang palad, ang pagkawala ng isang packet ay hindi kapansin-pansin. Gayunman, kapag mas maraming packets ang nawala, ang buong packet stream ay puwedeng maistorbo. Ibig sabihin, ang inyong pag-uusap ay puwedeng maistorbo nang husto.
Ano ang network jitter?
Ang network jitter ay ang bilang ng variation sa latency sa pagtanggap ng packets. Halimbawa, dumating ang packet one sa loob ng 5 milliseconds, dumating ang packet two sa loob ng 10 milliseconds, at dumating ang packet network sa loob ng 30 milliseconds. Sa halimbawang ito, ang network latency ay unti-unting lumalala sa pagdaan ng oras. Kapag nangyari ito sa VoIP traffic, puwedeng maging mahirap nang intindihin ang inyong pag-uusap. Puwedeng ang dahilan nito ay ang mataas na network congestion o hindi sapat na VoIP speed dahil sa mabagal na Internet connection.
Lahat ng networks ay may network jitter kahit paminsan-minsan. Ang maliit na internal network tulad ng isang pribadong network ng dalawag computers sa iisang kuwarto ay halos walang network jitter. Sa kabaligtaran, ang isang global company ay puwedeng may network connections sa maraming iba’t ibang lokasyon, kaya mas maraming jitter.
Mga dahilan ng jitter sa VoIP calls
Para maunawaan kung paano nagreresulta sa poor call quality ang jitter issues, makatutulong na maunawaan ang dahilan ng jitter. Ang ilang dahilan ng poor call quality ay puwedeng madaling maayos ng inyong VoIP phone provider. Ang ibang dahilan ng poor voice quality, tulad ng misconfigured router, ay puwedeng maging mas challenging.
download speeds at upload speeds – Ang internet speed ay kadalasang isang factor kung bakit kayo nakararanas ng poor call quality sa video calls o VoIP phone calls. Puwedeng makatulong ang pag-upgrade ng inyong wireless router o pagbabayad ng mas mataas ng connection speed.
misconfigured network – Puwedeng makatulong agad ang pagpapalit ng inyong network settings para maging priority ang phone calls. Humingi ng tulong sa inyong network operations department (o IT support) tungkol sa misconfigured network.
hardware na may sira – Sa paglipas ng panahon, nasisira ang hardware mula sa paggamit. Halimbawa, puwedeng masira ang Ethernet cable na kumokonekta sa inyong laptop sa Internet. Sa ganoong kaso, magkakaroon ng di-maintindihang calls at problema sa sound quality.
hindi paggamit ng business VoIP – Ang business VoIP ay dinisensyo para makapaghatid ng high-quality VoIP calls. Gamit ang isang basic na consumer VoIP system, puwedeng mahirap maiwasan ang pagkakaroon ng quality problems tulad ng choppy audio. Kaya dapat malinaw ang inyong VoIP requirements tungkol sa katanggap-tanggap na level ng jitter.
VoIP call quality settings – Minsan ay kailangan ang paggugol ng ilang oras sa pagre-review ng settings at features ng inyong VoIP provider sa pinakamaliit na level. Puwedeng hindi sapat ang default settings na inyong Internet service provider o network equipment.
Mga epekto ng jitter sa VoIP calls
Ngayong natalakay na natin ang technical overview, oras na para pag-usapan ang isang kinakailangang praktikal na punto. Paano eksaktong nakaaapekto ang sobrang jitter sa inyong VoIP calls? Merong dalawang pangunahing paraan para makaapekto ang jitter sa inyong VoIP service.
napuputol-putol na mga salita – Ang maliliit na bilang ng jitter ay nagdudulot ng maliliit ding quality issues. Halimbawa, isa o dalawang salita sa isang sentence ang puwedeng hindi marinig.
istorbo sa serbiso at drop-outs – Sa isang degraded na network connection, puwedeng ma-disconnect ang inyong call nang ilang segundo. At ang isang hindi magandang VoIP jitter ay puwedeng maging dahilan para tuluyang ma-disconnect ang pag-uusap.
Paano mag-conduct ng isang network jitter test?
Ang pinakamababang level ng jitter ay puwedeng magkaroon ng maliit na epekto sa inyong audio signal. Inirerekomendang i-test ang level ng inyong jitter bago ang mga importanteng tawag. Sa kabutihang palad, may mga libreng bandwidth test na puwede ninyong gamitin para maikumpara ang inyong network connection sa industry standards.
Puwedeng subukan ang isa sa sumusunod na apps para magpatakbo ng network jitter test.
Solar winds jitter test – Kasama sa project na ito ang libreng trial para masubukan ninyo ito nang buo sa loob ng 30 days.
PRTG network monitor – Ang network jitter test app na ito ay puwedeng gamitin nang libre sa loob ng 30 araw.
Kung ayaw ninyong gumamit ng specialized software tool, puwede ninyong tantiyahin ang jitter nang manual. Magbukas ng command window (sa Windows, i-press ang Windows key at i-type ang CMD) at patakbuhin ang ping command sa isang website. Pagkatapos, puwede ninyong i-paste ang resulta sa isang jitter calculator.
Ano ang magandang jitter score?
Ang magandang jitter score ay mas mababa sa 30 ms (i.e., 30 milliseconds).
Ano ang katanggap-tanggap na jitter para sa VoIP?
Mag-target ng jitter na 30 milliseconds o mas mababa pa para maiwasan ang jitter issues habang tumatawag sa inyong VoIP service. Para lumakas pa ang performance, hangga’t maaari ay bawasan ang inyong jitter. Halimbawa, gumamit ng quality of service (QoS) technology para ma-prioritize ang VoIP calls.
Gaano karaming jitter ang nakasasama sa VoIP?
Sa pangkalahatan, puwedeng magkaproblema ang VoIP service kapag ang jitter ay mataas pa sa 30 milliseconds. Para mapahusay ang inyong call quality, may ilang bagay na puwede ninyong tingnan.
quality ng service – Puwedeng makatulong ang ilang VoIP service providers na mabawasan ang jitter sa level na katanggap-tanggap sa quality ng service technology.
Internet service provider – Ang kabuuang speed ng inyong Internet connection ay isang napakahalagang factor. Samakatwid, ikonsidera ang paghingi sa inyong Internet provider ng payo tungkol sa mga paraan kung paano mapahusay ang performance.
settings – Maglaan ng panahon para i-explore ang settings ng inyong wireless network sa pinakamaliit na level. Kung meron kayong basic wireless router, magandang option ang lumipat sa Ethernet cable.
Ano ang mga dahilan sa mataas na jitter?
May ilang dahilan sa mataas na jitter. Tingnan ang mga ito para matagumpay na matukoy ang isyu.
connection speed – Magsimula sa pagre-review ng maximum speed na ino-offer ng inyong Internet service provider. Ang mababang connection speed ay isa sa pangunahing dahilan sa mataas na jitter, gumawa ng paraan para makuha ang pinakamabilis na service na inyong makakaya.
upload speeds at download speeds – Ang susunod na dahilan para sa mataas na jitter ay ang mababang download speed at upload speed.
network traffic – Puwedeng mahirapan ang VoIP speed kung matambakan ang inyong network traffic. Para ma-manage ang challenge na ito, iprograma ang router para ma-emphasize ang VoIP speed.
Troubleshooting tips para sa pag-ayos ng jitter
May ilang paraan para mabawasan ang jitter at makakuha ng mas maayos na VoIP calls.
VoIP requirements – Magsimula sa pagre-review ng minimum requirements na kailangan para sa VoIP calls.
wireless router settings – I-review ang settings at features ng inyong router. Halimbawa, puwedeng makakuha ng mas magandang speeds ang paggamit ng 5 GHz frequency kaysa sa 2.4 GHz.
network administration – Kung business growth ang inyong priority, humingi sa inyong network department ng tulong para mabawasan ang jitter. Puwedeng meron silang karagdagang tips na magagamit ninyo para matugunan ang problema sa kakulangan sa bandwidth.
Looking for the best VoIP provider for you?
LiveAgent offers integrations with plenty of VoIP providers, making it easy to choose the best one that fits your needs. Curious about the options?
Frequently Asked Questions
Ano ang VoIP jitter?
Ang VoIP jitter ay isang problemang nakaaapekto sa quality ng VoIP calls. Ito ay isang variation sa delay ng mga natatanggap na packets sa oras ng calls. Kapag ang delay sa mga natatanggap na packets ay mataas, puwedeng magkaroon ng problema sa audio quality ang call.
Ano ang network jitter?
Ang network jitter ay isang sitwasyon kung saan may napakahalagang variation sa latency ng pagtatanggap ng packets. Puwede itong makaapekto sa online gaming, video conferencing, at iba pang Internet activities.
Ano ang mga dahilan ng jitter sa VoIP calls?
Kasama sa mga pangunahing dahilan ng jitter ang misconfigured network, faulty hardware, at mababang Internet speeds. Ang jitter ay puwede ring dahilan ng hindi tamang paggamit ng quality of service settings.
Ano ang mga epekto ng jitter sa VoIP?
Kasama sa mga pangunahing epekto ng jitter sa VoIP call ang dropped calls, nawawalang mga salita, at service disruptions.
Ano ang tunog ng VoIP jitter?
Ang VoIP ay isang pag-uusap na mahirap maintindihan. Puwedeng hindi ninyo marinig ang kalahati ng sinasabi ng inyong kausap. Gayundin, puwedeng hindi rin kayo marinig nang maayos ng taong inyong kausap.
Paano ikalkula ang jitter?
Ang pinakamadaling paraan para kalkulahin ang jitter ay ang paggamit ng isang jitter software tool. Halimbawa, puwede ninyong i-download ang Solar winds jitter test app o ang PRTG network monitor tool. May libreng trials ang parehong tools na ito.
Ano ang katanggap-tanggap na jitter para sa VoIP?
Ang katanggap-tanggap na jitter para sa VoIP calls ay 30 milliseconds.
Bakit mataas ang aming jitter?
Ang inyong jitter ay puwedeng tumaas sa ilang kadahilanan. Una, puwedeng masyadong mabagal ang inyong Internet connection para suportahan ang VoIP calls. Pangalawa, puwedeng masyadong marami ang demand (e.g., online gaming, VoIP calls, video streaming, etc.) sa inyong connection. Pangatlo, ang inyong router ay puwedeng hindi nai-configure para unahin ang VoIP calls (i.e., quality ng service settings).
Paano ayusin ang jitter sa VoIP calls?
May mga ilang madadaling paraan para ayusin ang jitter para sa VoIP calls. Simulan sa paglipat sa isang Ethernet cable dahil may offer itong mas mabilis na speeds kaysa sa wireless. Sunod, isara ang non-VoIP programs kapag may VoIP calls para masagad ang inyong bandwidth. Kapag hindi nakatulong ang mga hakbang na iyon, subukang gamitin ang quality of settings para unahin ang inyong VoIP calls.
Kapag natapos mong basahin ang tungkol sa jitter VoIP, maaaring gusto mong alamin pa ang tungkol sa jitter buffer. Ang jitter buffer ay isang mahalagang bahagi sa pagtiyak na hindi maaantala ang iyong VoIP calls. Matutunan mo kung paano ito i-set up at kung kailan ito kinakailangan para mapanatili ang kalidad ng iyong mga tawag.
Alamin kung paano ang VoIP ay nagbibigay-daan sa abot-kayang tawag at mas malaking flexibility para sa iyong negosyo. Tuklasin ang mga pros at cons, at alamin kung paano pumili ng tamang VoIP provider. Mag-subscribe para sa demo at newsletter ng LiveAgent upang mas palawakin ang iyong kaalaman sa VoIP.
Tuklasin ang kahalagahan ng VoIP calling sa inyong negosyo. Alamin kung paano ito nagbibigay ng mas murang, flexible, at secure na paraan ng pagtawag gamit ang internet, at kung bakit ito ang pinakamahusay na opsyon para sa mga conference call. Simulan ang paggamit ng VoIP nang libre at walang obligasyon.