Ano ang KPI?
Ang key performance indicators (KPI) ay panukat sa business studies na natutulungan ang owner o chief executive na ma-monitor ang kanilang business. Ang bawat larangan ng business ay may sari-sariling KPI. Sa larangan ng Marketing o customer service, narito ang indicators:
- Average Wait Time: ito ang oras na lumilipas bago makatugon ang nasa front line sa isang query.
- Average Resolution Times: ito ang oras na ginugugol ng team sa pag-aayos ng isyu ng customer.
- Customer Churn: kapag huminto na sa pag-engage ang customer sa isang kompanya.
- Customer Satisfaction Score: sinusukat ang kasiyahan ng inyong kliyente sa maikling panahon.
Frequently Asked Questions
Ano ang ibig sabihin ng KPI?
Ang KPI o key performance indicator ay isang value na pinapakita sa atin kung gaano ka-epektibo ang kompanya sa pag-abot ng key business goals. Gumagamit ang mga organisasyon ng KPIs para suriin ang kanilang tagumpay sa pagkamit ng kanilang goals. Salamat sa pag-track ng ganitong data, mas alam nila kung ang mga ginagawa nila ay epektibo o hindi.
Ano ang mga halimbawa ng KPI?
Nakadepende ang KPIs sa kung ano ang gustong i-monitor ng inyong kompanya. Halimbawa, para sa marketing department, puwede itong brand awareness, customer engagement, Marketing Qualified Leads (MQL), at Customer Acquisition Cost (CAC) samantalang sa sales department, puwede itong monthly sales increase, average profit margin, o kahit product performance. Sa SaaS naman, puwedeng liquidity index, KPI Net Promoter Score (NPS), at KPI ng customer acquisition cost (CAC).
Kailan ginagamit ang KPI?
Ginagamit ang KPI kung nais nating ma-track ang progreso ng pagkamtan ng isang partikular na goal sa pag-usad ng panahon. Puwedeng magbago ang goals, pati na ang mga resulta at progreso sa pagkamtan nito. Napaka-importante talagang i-track sila para matukoy kung satisfactory sila o hindi.
Kung interesado ka sa pagpapabuti ng iyong serbisyo sa customer, maaari mong basahin ang tungkol sa customer service tools. Ang mga kasangkapang ito ay makakatulong sa iyo na mas maayos na pamahalaan ang mga katanungan ng iyong mga kliyente.
Para sa mas malalim na pag-unawa sa mga pamantayan ng industriya, tingnan ang Top Call Center Industry Standard Metrics. Ang mga sukatan na ito ay makakatulong sa iyo na masukat at mapabuti ang kalidad ng iyong serbisyo sa call center.
Discover the LiveAgent Help Center, a comprehensive resource for customer support. Find answers to frequently asked questions, access a knowledge base, report issues, engage with live support chat, and explore informative articles. Enhance your customer support with LiveAgent's easy-to-use help center, trusted by top companies. Start your free trial today—no credit card required!
Alamin kung paano makakatulong ang Knowledge Base ng LiveAgent sa iyong negosyo! Nagbibigay ito ng self-service content para sa mga customer at agent, nagpapababa ng workload at nagbibigay ng mahalagang impormasyon tungkol sa mga produkto at serbisyo. Simulan ang iyong libreng account ngayon at tuklasin ang mga benepisyo ng mahusay na customer support.