Ano ang isang live chat?
Ang Live chat, kilala rin bilang software sa live chat, ay isang tool sa komunikasyon na nagpapahitulot sa iyo na makipag-chat sa iyong bisita sa website nang real-time. Sa halip na tumawag o mag-email sa iyong negosyo, ang mga bisita sa website ay maaaring makipag-chat sa iyong mga ahente sa customer support sa iyong website.
Ang komunikasyon sa live chat ay kumpletong browser-based. Upang magsimula ng chat, ang mga bisita sa website ay kailangan na pindutin ang buton sa chat. Ang buton ay madalas na nakalagay sa ibabang kanang kanto ng isang website. Kadalasan, ang mga buton sa live chat ay lumilitaw nang proactive habang ang mga user ay tumitingin sa isang website. Sinisigurado nito na ang mga bisita sa website ay malay na ang chat support ay malalapitan kapag kailangan nila.
Ano ang mga gamit na mayroon sa live chat?
Ang bawat software sa live chat ay may iba’t ibang functionality. Ang iba ay bahagi ng mas malaking software na tinatawag na software sa help desk habang ang iba ay purong tool sa live chat.
Ang mga function sa live chat ay kasama ang mga naka-save na transcript ng chat at proactive na imbitasyon sa chat. Marami sa mga tool sa live chat ay nagbibigay ng mga offline na form. pagruruta sa chat, at mga nakahandang mga mensahe. Nagsusuporta rin ito ng pagbabahagi ng file at opsyon sa kustomisasyon ng buton sa chat.
Ang live chat at isang ticketing tool ay magkasabay. Kapag nagsimula ang isang customer at customer support agent ng isang pag-uusap sa pamamagitan ng live chat, awtomatiko itong gagawa ng ticket. Sa pamamagitan ng pagsasama ng live chat at online na tool sa pagticket, madaling mai-streamline ng mga kumpanya ang kanilang mga proseso ng suporta sa customer at mas mahusay na tumugon sa mga katanungan ng customer, na tinitiyak ang isang maayos at tuluy-tuloy na karanasan ng customer.
Ang mga mas abanteng tool sa chat ay nagbibigay sa mga ahente ng real-time na typing view. Ito ay nagbibigay ng paunang tingin kung ano ang sinusulat ng ng kustomer sa chatbox bago ipadala ang kanilang mensahe.
Sino ang gumagamit ng live chat?
Ang software sa live chat ay ginagamit kapwa ng mga bisita sa website at mga ahente sa customer service.
Ang mga bisita sa website ay kadalasang ginagamit ang live chat habang namimili. Ginagamit rin nila ito kung hindi nila mahanap ang impormasyon na kanilang hinahanap sa iyong website.
Ang mga ahente sa customer support ay tumutugon sa mga chat na inumpisahan ng bisita ng website. Ang mga ahente ng support ay maaari ring umpisahan ang mga chat sa tulong ng mga chatbot at awtomasyon (sa pamamagitan ng proactive na imbitasyon sa chat.)
Bakit gumagamit ang mga negosyo ng live chat?
Ang mga negosyo ay ginagamit sa live chat ay isang channel sa komunikasyon para sa kanilang kustomer. Marami sa mga kustomer ay hindi nais na makipag-usap sa telepono o maghintay nang matagal para sa tugon sa email.
Ang live chat ay isang magandang alternative dahil nagpapahintulot ito sa iyong mga kustomer upang makakuha ng halos agarang sagot sa kanilang mga sagot. Maaari silang makipag-chat mula sa kanilang mga tahanan at sabay na gumawa rin ng ibang gawain.
Ang mga negosyo ay gumagamit rin ng live chat upang ipakita sa kanilang mga kustomer na sila ay maaaring makatulong. Ginagawa nila ito sa pamamagitan ng mga proactive na imbitasyon sa chat na naghihikayat sa mga kustomer na magtanong.
Mahusay rin ito sa pagpapataas ng antas ng conversion at pagpapababa ng gastos sa operasyon. Napatunayan rin ito na mapahusay ang kasiyahan ng kustomer.
I-convert ang mga bisita sa website na maging kustomer sa loob ng ilang segundo
Ang live chat ay maaaring mapataas ang antas ng conversion. Sa pagsuporta sa iyong mga kustomer nang real-time maaari mo silang matulungan na makapagdesisyon habang sila ay pumipili. Maaaring may mga tanong sila tungkol sa mga bagay na kanilang guston bilhin at kung hindi sila makahanap ng sagot, tiyak na sila ay maghahanap ng kapalit.
Sa pagbibigay ng halos agarang mga sagot, maaari mong ma-convert ang mga bisita sa website na maging mga nagbabayad na kustomer.
Mababang gastos sa operasyon
Dahil ang support sa live chat ay halos agarang, ang oras ng paglutas ng ticket ay mas maiksi. Bilang resulta, ang mga ahente ay maaaring tumugon sa mas maraming mga tanong sa mas maiksing panahon.
Ito ay nagpapababa ng gastos sa operasyon para sa iyong grupo ng support at nakakatipid sa iyo ng malaking halaga ng pera sa matagal na panahon.
Sinisigurado ang mataas na kasiyahan ng kustomer
Ang mga kustomer ay mainipin at nais ng agarang sagot sa kanilang mga tanong. Kasama ang mga may kaalamang ahente at personalisadong serbisyo, ang live chat ay maaaring paghusayin ang kasiyahan ng kustomer.
Sa katunayan, ayon sa pananaliksik 82% ng mga kustomer ay masaya sa kanilang karanasan sa live chat, kumpara sa 61% ng mga user sa email at 44% ng mga user sa telepono.
Anong mga problema ang nalulutas ng live chat?
Nakakatulong ang live chat sa mga negosyo na bawasan ang antas ng pag-abandona sa cart, pagpapataas ng antas ng conversion, at paghusayin ang bilis ng pagtugon.
Abandonadong mga cart
Inaabandona ng mga kustomer ang mga cart sa napakaraming mga dahilan. Kadalasan, ang kanilang mga tanong ay hindi nasasagot o ang proseso ng pagbili ay labis na komplikado. Kapag hindi alam ng kustomer ang gagawin, inaabandona nila ang kanilang cart at naghahanap ng alternatibo.
Sa paggamit ng software sa live chat, maaari mong tugunan ang mga inaalala ng iyong potensyal na kustomer at magbigay ng tulong nang real time.
Kung ang kustomer ay sumubok na makipag-ugnayan sa iyo sa live chat nang lampas sa oras ng negosyo, sila ay makakakuha pa rin ng sagot sa kanilang tanong pagkatapos nang ilang panahon.
Sa paggamit ng mga offline na form, maaari mong matanggap ang mga tanong sa live chat mula sa iyong mga kustomer at tumugon sa kanilang mula sa email. Ito ay nakakabawas sa pagsisikap ng kustomer, dahil nagpapahintulot ito sa iyong mga kustomer na makausap ka nang hindi kailangang umalis sa iyong website.
Mababang antas ng conversion
Bakit ang mga bisita sa website ay hindi gawin ang huling hakbang na maging nagbabayad na kustomer? Bakit nila tinitingnan ang pahina ng presyo ng iyong website para lang iabandona ito?
Dahil hindi sila kumbinsido o kulang sa impormasyon. Sa mga proactive na imbitasyon sa chat, maaari kang makipag-usap sa mga papaalis na potensyal na kustomer. Maaari mong saguton ang anumang tanong na mayroon sila nang real-time at hikayatin sila na mapunta sa proseso ng pagbebenta.
Sa ibang paraan, maaari kang maglagay ng buton sa chat sa iyong website upang ang mga potensyal na kustomer ay maaari kang makausap ayon sa kanilang kagustuhan.
Sa paglalagay mo nito sa iyong website. ipinapakita mo sa iyong mga kustomer na ikaw ay handa na tulungan sila ayon sa kanilang pangangailangan.
Mahabang oras ng paglutas
Ang live chat ay maaaring mapabilis ang oras ng paglutas sa dalawang dahilan. Una, nagbibigay ito ng halos agarang tugon, kaya ang mga tanong ay mabilis na nareresolba.
Ikalawa, ang mga ahente ay maaaring tumugon sa ilang mga chat nang magkakasabay. Ibig sabihin nito ang mga tanong ng kustomer ay maaaring malutas nang magkasabay nang hindi kailangang maghintay.
Benepisyo ng paggamit ng live chat
Ang live chat ay isang tool na dapat mayroon ka. Ito ang ilang sa pinakamalaking benepisyo na maaari nitong maibigay sa iyong negosyo:
- 1. Mabawasan ang gastos. Ayon sa pananaliksik ng Forrester, ang customer service sa live chat ay 17-30% na mas mura kaysa customer service sa telepono.
- 2. Padamihin ang benta. Ang live chat ay maaaring pataasin ang kita bawat oras ng chat ng 48% at mapataas ang antas ng conversion ng 40%.
- 3. Pataasin ang katapatan. Ayon sa Oracle, 90% ng mga kustomer ay sinasabi na nagbibigay sa kanila ng tiwala sa pagiging totoo ng negosyo kapag nakikita nila ang live chat sa isang website. Pakiramdam din nila ang kompanya ay tutulong sa anumang problema na mangyari.
- 4. Tuklasin ang mga punto ng kahirapan ng mga kustomer. Ang live chat ay nagbibigay sa iyo ng natatanging pagtingin sa problema ng kustomer ay malaman ang mga lugar para mapahusay. Halimbawa, kung may ilang mga kustomer ang nakipag-ugnayan sa iyo tungkol sa isang isyu na mayroon sila sa iyong produkto, maaari itong tumukoy na ito ay may problema. Dahil rito, maaaring kailangan mo na tingnan ang quality control, at gumawa ng nararapat na mga aksyon.
- 5. Mas mabilis na paglutas ng mga problema. Ang live chat ay nagpapahintulot sa mga ahente sa customer service agents na tumugon sa maraming mga chat nang magkakasabay, kung kaya napapahusay ang oras ng paglutas at nababawasan ang mga load ng ticket.
- 6. Pinapahusay ang kasiyahan ng kustomer. Ang live chat ay maginhawang gamitin, kung kaya napapahusay nito ang kasiyahan ng kustomer. Ang mga kustomer ay hindi kailangang maghintay nang ilang oras para sa mga sagot sa kanilang mga tanon. Maaari rin silang mag-multitask habang nagkikipag-chat at tumanggap ng tugon nang agaran.
- 7. Kompetitbong adbantahe. Marami sa mga negosyo ay minamaliit ang kapangyarihan ng live chat. Huwag kang maging katulad nila! Ang pagkakaroon ng live chat sa iyong website ay maaaring ang pangunahing desisyon para sa maraming mga kustomer kapag sila ay nag-isip kung saan bibili — sa iyo ba o sa kakompetisyon?
Paano ka matutulungan ng live chat? May 3 kaso ng paggamit na maaari mong maisagawa ngayon
Ang live chat ay maaaring magamit para sa customer support, marketing, at pagbebenta.
Live chat para Live chat para sasa marketing
Kapag ginamit nang tama, ang live chat ay isang mahusay na tool para sa lead generation. Maaaring ikaw ay may libu-libong mga bisita sa website araw-araw. Gayumpaman, marami sa kanila ay umaalis sa iyong website nang wa;amg anumang aksyon.
Sa live chat, maaari kang magsimula na makipag-ugnayan sa iyong mga bisita sa website sa halip na maghintay sa kanila na gumawa ng aksyon. Kahit na ang iyong mga bisita sa website ay makipag-ugnayan sa iyo sa live chat ng ilang minuto, maaari ka pag ring makakuha ang kanilang impormasyon sa kontak.
Maaari itong gamitin sa susuno upang magpadala ng email tungkol sa kasiyahan na maaaring muling mahikayat sila.
Live chat para sa pagbebenta
Ayon sa pananaliksik, kapag ang mga kustomer ay nakipag-usap sa isang live chat conversation sa website ng nagbebenta, sila ay 82% na gagawa ng pagbili at mas gagastos ng pera.
Bakit? Marami sa mga kustomer ay may pagdududa kapag sila ay namimili. Kailangan nila ng kasiguraduhan na malaman na ang produkto ay tama at makakatulong sa kanilang mga punto ng kahirapan. Kapag sila ay may kasiguraduhan mula sa pakikipag-chat sa isang ahente ng supports, nararamdaman nila mapagkakatiwalaan ang negosyo, at sa average ay mas gumagastos pa ng 13% pa.
Ang live chat ay nagbibigay rin sa iyo ng pagkakataon na makapag-upsell. Kung ikaw ay nagpadala ng proactive na imbitasyon sa chat bago pa makagawa ng pagpili ang kustomer, maaari mo sila bentahan ng karagdagang mga produkto tulad ng mas mahabang warranty, bilang halimbawa.
Ang lahat ng pinagsamang ito ay nagpapakita sa iyo kung paano magagamit ng iyong negosyo ang live chat para sa mga benta upang gawing mga aktwal na customer ang mga potensyal na customer at samakatuwid ay mapataas ang iyong mga kita.
Live chat para sa customer support
Ang live chat ay isang mahusay na alternatibo sa customer support sa pamamagitan ng tawag sa telepono, email, o social media. Hindi lahat ng kustomet gusto na paghintayin o maghintay ng tugon sa email.
Ang modernong kustomer ay abala at mainipin. Marami silang kailangang gawin at mga lugar na dapat puntahan. Kung kaya isang mainam na opsyon ang live chat. Pinahihintulutan nito ang mga kustomer na mag-multitask, at makatanggap ng halos agarang mga tugon sa kanilang mga tanong.
Dahil rito, ang pakikipag-chat nang real time ay ang nais na opsyon sa customer service sa higit sa 41% ng mga kustomer. Gayumpaman, hindi lahat ng negosyo ay nagbibigay nito. Dito ka maaaring magkaroon ng adbantahe sa iyong mga kakumpitensiya.
Ang mahusay na serbisyo sa customer ay hindi nangangahulugan na ang customer ay palaging tama, nangangahulugan ito na ang customer ay palaging pinarangalan.
Chris LoCurto – Leadership at business coach
Paano pumili ng software sa live chat
Isulat ang iyong mga kailangan
Ang pagpili ng software sa live chat para sa iyong negosyo ay isang mahirap na gawain. Tulad ng anumang pagbili, mahalaga na isulat ang lahat ng iyong mga pangangailangan. Dapat mong isulat aling mga problema ang kailangan mong lutasin at aling mga function ang maaaring makatulong sa iyo para malutas ito.
Bakit? Dahil ang software sa live chat ay isang tool na maraming gamit. Hindi magkakatulad ang mga tool. Ang iba ay mga isahang solong solusyon, habang ang iba ay bahagi ng mas komplikadong solusyon tulad ng software sa help desk.
Ang aming mungkahi ay bawasan ang bilang ng mga tool at software na iyong ginagamit. Bakit? Dahil sa tatlong dahilan.
- 1. Mas maraming nagagawang gastos.
- 2. Mas maraming tool = mas maraming login, na ibig sabihin ay mas malaking panganib sa seguridad..
- 3. Mas maraming tool = mas madalas na pagpapalit sa pagitan ng mga app, kaya nagiging hindi mahusay at hindi produktibo.
Kung kaya ang aming mungkahi ay pumili ng software sa chat na bahagi ng software sa helpdesk, gayumpaman, nasa desisyon mo iyan.
Magsaliksik online sa iba’t ibang mga tool
Kapag naisulat mo na ang iyong mga kailangan, maaari ka nang magsaliksik sa iba’t ibang mga software online. Gamitin ang iba’t ibang mga website sa pag-rebyu (G2, Capterra, Software Advice, Trustpilot, GetApp) at portal (Product Hunt) upang magkaroon ng ideya kung paano gumana ang bawat software.
Irebyu ang mga testimonya ng mga user, madaling unawain, customer support, presyo, dali ng paggamit at functionality.
Humiling ng isang demo o sumubok ng libreng trial
Kapag napili mo na sa ilang software ang iyong gustong gamitin, oras na para mag-book ng isang demo o humiling ng isang libreng trial.
Bakit pareho? Depende iyan sa iyong estilo ng pagkatuto. Kung gusto mo na malaman ang mga bagay-bagay sa iyong sarili, ang isang trial ay isang mas mahusay na opsyon para sa iyo. Kung gusto mo na magabayan sa kabuuang setup at paggana, mas mahusay ang demo.
Kung pinili mo ang isang libreng trial, i-set up ang live chat sa iyong website at tingnan kung paano ito gumana. Subukan na ikustomisa ang mga buton sa chat, offline na form, at proactive na imbitasyon sa chat. Kugn ikaw ay may ibang solusyon sa ticketing na ginagamit, subukan itong isama sa iyong trial na software. Masisigurado mo na maaari mong makita ang mga transript ng chat at irebyu itu sa ibang panahon kung kailangan.
Kung ang libreng trial period ay napakaiski sa iyo para makapagdesisyon ka, huling ng pagpapahaba. Marami sa mga tagapagbigay ng software ay masaya na pahabain ang iyong trial sa pag-asa na mai-convert ka bilang isang nagbabayad na kustomer.
Kung pinili mo ang isang demo, gumawa ng mga tala at bigyan ng lubos na atensyon sa mga kaso ng paggamit na ipinepresenta ng kinatawan sa pagbebenta. Kung hindi ito ayon sa iyong mga layunin, tanong sila kung paano sila makakatulong sa iyong mga puntos ng kahirapan.
Kung ikaw ay nasiyaham sa kanilang mga tugon, sa presentasyon, at sa serbisyo, dapat mong subukan ang libreng trial. Ito ay magbibigay ng pagkakataon na maging pamilyar sa software kung ito ay isang mainam na tugma.
Kapag natapos na ang iyong libreng trial maaari mong hilingin na pahabain ito o i-upgrade sa isang may bayad na plano.
Mga termino kaugnay sa live chat
Chat Support Chat Service Chatting Apps Customer Service Tools Canned Response Chat Button Chat Software Chat Tool Conversation Free Web Chat Free Chat Client Free Online Chat Instant Chat
Try LiveAgent Today
LiveAgent is the leanest and fastest live chat software on the market.
Frequently Asked Questions
Ano ang isang live chat?
Ang live chat ay isang tipo ng online customer service na nagpapahintulot sa mga kustomer na makipag-usap sa isang ahente nang real time. Nagbibigay daan ito para sa mabilis na paglutas ng problem at customer support. Dinadala nito ang customer service sa susunod na lebel at sinisiguro ang kasiyahan ng kustomer.
Bakit nakakatulong ang live chat?
Ang live chat ay nagpapahintulot sa mabilis na tugon sa mga kailangan ng kustomer. Sa paglutas sa problema ng kustomer nang real time, pinatataas natin ang tiyansan ng conversion, at nagbubuo rin ng kasiyahan ng kustomer na may kontak sa kompanya. Dagdag pa, nagpapahintulot ito sa iyo na iawtomisa ang mga gawain ng grupo sa customer service, ay mapataas ang kahusayan at ginhawa sa trabaho ng mga ahente.
Paano gumagana ang live chat sa LiveAgent?
Ang live chat ay isa sa mga pangunahing tampok ng LiveAgent. Nagpapahintulot ito na makipag-usap sa mga kliyente nang real time, ang buton sa chat ay labis nakukustomisa at madaling ipatupad, kaya madaling mag-imbita sa ng bisita sa website na makipag-chat. Ang chat ay maaaring makustomisa ayon sa iyong mga kailangan at ang mga buton ay maaaring may animasyon. Salamat sa chat, ang mga ahente ay may akses sa impormasyon kung saan ang mga pahina na tiningnan ng tumatanggap at kung gaano katagal, at maing ang pagkolekta ng kasaysayan ng chat, na maaaring isang pagmumulan ng impormasyon at sagot sa tanong kung paano lutasin ang kaso.
Paano magdagdag ng live char sa isang website?
Simple lamang ang pag-setup ng live chat sa iyong website. Ang kailangan mo lang gawin ay pumili ng tagapagbigay at mag-sign up sa kanilang serbisyo. Pagkatapos mag-sign up, pumili ng buton ng chat na iyong gusto mula sa gallery ng template at i-copy-paste ang HTML code nito sa katawan ng iyong website. Kapag nagawa mo na ito, maaari mong makustomisa ang iyong buton, gumawa ng mga forms, batas, at pahintulutan ang mga chatbot upang mapataas ang iyong kahusayan sa live chat.
Ano ang support sa live chat?
Ang support sa live chat ay real-time support na ibinibigay ng mga ahente sa customer support agents. Ang mga kustomer ay maaaring makipag-chat sa mga ahente sa isang website ng negosyo nang hindi umaalis sa kanilang browser. Imbes na tumawag o mag-email sa negosyo, ang mga kustomer ay maaaring mag-chat, magpadala ng mga file, litrato, at GIF.
Paano iawtomisa ang live chat?
Kung gusto mo iawtomisa ang live chat maaari mo itong gawin gamit ang mga: 1. Pre-chat form. Ang mga pre-chat form ay nagpapahintulot sa iyo na makakuha ng importanteng impormasyon mula sa iyong mga kustomer bago magsimula ang chat. Nagbbibigay daan ito sa iyo na iruta ang chat sa pinakanaaayong ahente. 2. Nakahandang mensahe. Ang mga nakahandang mensahe ay sinasagot ang mga madalas na mga katanungan. Kapag may kustomer na nagtanong, pindutin lamang ang nakahandang mensahe na iyong gustong gamitin. Nakakatipid ito ng oras ng ahente at nababawasan ang gastos sa operasyon. 3. Mga Chatbot. Ang mga chatbot ay programang AI (artificial intelligence) na maaaring makipag-chat sa mga kustomer at magsagawa ng mga simpleng hiling.
Ano ang mga pangunahing tampok ng software sa live chat?
Ang isang mahusay na software sa live chat ay dapat na may mga sumusunod na mga tampok: 1. Isang real-time na typing view, na nagpapahintulot sa iyo na makita kung ano ang sinusulat ng iyong mga kustomer bago nila ipadala ang kanilang mensahe. 2. Mga nakahandang mensahe na nagpapabilis ng oras ng pagtugon. 3. Pagbabahagi ng file kasama ang mga litrato, dokumento, bidyo, link, at GIF. 4. Paglilipat ng chat at pagruruta sa naaayong ahente sa support. 5. Kasaysayan ng chat at arkibo na nagpapahintulot sa iyo na rebyuhin ang nasabi sa bawat chat. 6. Mga pre-chat form na nagpapahintulot sa iyo na makakuha ng importanteng impormasyon mula sa iyong mga kustomer bago magsimula ang chat. 7. Mga offline form na nagbibigay daan sa mga user na magmensahe sa iyo sa live chat sa labas ng oras ng negosyo. 8. Pro-active na imbitasyon sa chat na lumilitaw sa mga screen ng user at mag-udyok sa kanila na makipag-chat sa iyo.
Paano mahanap ang nakaraang live chat?
Kung nais mo na magkaroon ng akses sa mga lumang transcript ng chat at kasaysayan ng chat, siguraduhin na ang iyong software ay nag-aalok rin ng sistema ng ticketing. Kung ganito nga, ang lahat ng iyong mga nakaraang chat ay mase-save sa porma ng ticket at maaaring makita anumang oras sa loob ng dashboard ng iyong software.
Gaano kabilis ka dapat tumugon sa isang live chat?
Kung gusto mong magbigay ng mahusay na customer service dapat kang tumugon sa mga live chat nang hindi bababa sa 3 minuto. Sa karaniwan, ang mga kompanya ay inaabot ng 2 minuto at 40 segundo upang tumugon sa isang unang mensahe sa chat.
Paano mag-sey up ng support sa WP live chat?
Ang unang hakbang sa pag-set up ng live chat na support sa iyong WordPress site ay ang paghanap ng isang tagapagbigay ng software sa live chat. Kapag nakapili ka na ng tagapagbigay, idownload ang WordPress plugin nito sa loob ng WordPress. Upang magawa ito, mag-login sa iyong WordPress site at pindutin ang mga Plugins sa iyong admin panel. Pindutin ang Mag-Install ng bagong plugin, at hanapin ang iyong tagapagbigay ng chat. Kapag nahanap mo ito, pindutin ang I-install Ngayon at Paganahin ang Plugin. Mag-log in sa iyong software sa chat, piliin ang buton sa chat na iyong gusto, at kopyahin ang HTML code nito sa clipboard (Ctrl + C). Bumalik sa WordPress. Pindutin ang pligin ng iyong tagapagbigay at i-paste (Ctrl + V) ang code ng buton sa chat sa kahon ng Code ng Butt. Pindutin ang save, i-refresh ang iyong website, at ang iyong live chat ay handa nang gamitin.
Pagkatapos mong basahin ang tungkol sa "live chat," maaari mong tuklasin kung paano ito mapapabuti ng mga live chat agents. Alamin kung sino sila at anong kasanayan ang kailangan nila upang makapagbigay ng mahusay na serbisyo sa customer. Dagdag pa rito, matutunan mo rin kung gaano ka bilis dapat silang tumugon sa mga kustomer at ilang bonus tips para mapahusay ang kanilang kakayahan.
Live chat para sa industriya ng travel at akomodasyon
Discover how live chat transforms the travel and accommodation industry by providing efficient, real-time communication between clients and customer service. Enhance booking experiences, reduce costs, and boost sales with this essential tool. Explore its benefits and features today!
Tuklasin ang kahalagahan ng customer experience (CX) at kung paano ito nagpapataas ng loyalty at revenue ng kompanya. Alamin ang benepisyo ng magaling na CX at paano ito mapapahusay gamit ang LiveAgent customer service software. Subukan ang mga tampok na magpapahusay sa kasiyahan ng customer, tulad ng omnichannel support, automated ticketing, at analytics. Simulan ang iyong libreng trial ngayon at gawing mas epektibo ang bawat interaksyon sa customer!