Ano ang organic social media?
Ang social media platforms ay nagpa-facilitate ng palitan ng impormasyon. Kapag ang palitan ng impormasyong ito ay kusa o natural, kinokonsidera itong organic at ang participants ay ang organic audience. Ang ginawa at ibinahaging palitan ang bumubuo ng organic social media. Sa konteksto ng social media marketing, ang organic ay nangangahulugan ding libre ito.
Organic social media para sa marketing
Kahit na kadalasang ginagamit sa mga pribadong pakay, ang social media platforms ay nakatutulong din sa mga may kinalaman sa trabaho at marketing activities. Bilang resulta, isinasama ng maraming brands at kompanya ang social media marketing strategies sa kanilang marketing efforts para sa sigurado at posibleng pagpapalaki ng growth rate nila. Ang magaling na pag-target at quality social media content ay puwedeng makapagpataas ng conversion rates.
Social media presence
Meron man kayong bagong brand o matagal na kayo sa industriya, kinakailangan ang pag-maintain ng social media presence. Gusto ng kasalukuyang audience at loyal followers ninyo na patuloy na may malaman tungkol sa improvements ninyo. Dagdag pa, puwede nilang mapahusay ang brand engagement rates ninyo sa pamamagitan ng organic na pag-interact sa social media, pakikipag-usap tungkol sa produkto o brand ninyo. Batay sa conversion rates, puwede ninyong suriin at i-adjust ang inyong social media content. Ang social media algorithms ay puwede ring gumawa ng customized feeds para sa customers ninyo.
Organic content
Mataas ang quality ng organic posts kung nakapabibigay ito ng mahahalagang content.
Relevance
Ang sobrang mahahabang social media posts tungkol sa produkto at serbisyo ay puwedeng makawala ng gana. Ang blog posts na nasa punto at may kasamang images at videos ay higit na mas mainam lalo na kung may pinupunto kayong target audience sa umpisa.
Timing
Kung may ilo-launch na bagong produkto o serbisyo, mag-post kayo nang regular para laging nakikita ng inyong audience. Puwede silang magbigay agad ng reaksiyon at gumawa ng tunay na organic user-generated na content.
Consistency
Ang literal na kahulugan ng pagbuo ng tiwala ay ang pagbuo at pagpapanatili ng relasyon sa inyong target at malawak na audience sa pamamagitan ng organic content. Gusto ninyong malaman kung ano ang sinasabi nila tungkol sa inyo sa social media channels at makapagbigay ng reaksiyon dito. Ang relasyong may tiwala ay batay sa mutual benefits kung saan ang inyong customers ay makaaasa sa patuloy na suporta ninyo.
Organic social media at customer care
Ginagamit natin ang social media platforms para sa professional pati na rin sa personal na mga pakay. At oo, ang work-life balance ay malaking challenge. Samakatwid, napakapraktikal na magkaroon ng ticketed na social media messages. Para ito sa focus ninyo sa trabaho at di maistorbo.
Try LiveAgent Today
LiveAgent is the best-rated and most reviewed all-in-one help desk software.
Frequently Asked Questions
Patay na ba ang organic social media?
Hindi. Pero malaki ang pinagbago nito. Para magamit ang potential nito, importanteng umayon sa mga pagbabagong ito. Hangga’t nakikipag-ugnayan ang mga tao sa social media, magkakaroon ng organic na aspekto rito.
Bakit kailangang mag-post ng organic social content?
Para mapanatili ang social presence ng inyong brand, makipag-ugnayan at suportahan ang kasalukuyang customers, balitaan sila at pagandahin ang relasyon ninyo pati na rin ang pag-extend sa mas malawak na audience. Mas maganda kung gagamitin nang sabay ang organic at paid social media.
Aling social media ang pinakamahusay sa organic reach?
Ang social media na pinakamagaling sa organic reach na madalas bisitahin ay ang Facebook, Twitter, Instragram, at Viber, at iba pa.
Kung interesado ka sa pagkakaiba ng organic at paid social media, magandang basahin ang artikulong ito. Malalaman mo kung alin sa dalawa ang mas epektibo para sa iyong marketing strategy.
Alamin ang kahalagahan ng online na suporta—isang serbisyo sa kustomer na magagamit 24/7 sa pamamagitan ng email, social media, at live chat. Tuklasin kung paano makakatulong ang LiveAgent software sa pamamahala ng iyong mga komunikasyon at pagpapalakas ng relasyon sa kustomer. Simulan ang iyong libreng account ngayon at pahusayin ang iyong customer service gamit ang aming top-rated help desk solution!
Discover the LiveAgent Help Center, a comprehensive resource for customer support. Find answers to frequently asked questions, access a knowledge base, report issues, engage with live support chat, and explore informative articles. Enhance your customer support with LiveAgent's easy-to-use help center, trusted by top companies. Start your free trial today—no credit card required!
Tuklasin ang kapangyarihan ng paid social media advertising para sa inyong negosyo. Alamin ang mga benepisyo ng mataas na exposure at mabilis na pag-abot sa tamang audience. Planuhin nang husto ang inyong budget at pumili ng angkop na social media platform para sa mas epektibong kampanya. Subukan ang LiveAgent para sa mabilis at cost-effective na social media support. Alamin pa dito!