Ano ang outbound calls?
Ang outgoing o outbound call ay isang uri ng phone interaction na sinisimulan ng call center agent. Kadalasan, ang mga tawag na ito sa customers ay ginagawa ng mga miyembro ng sales team o customer service representatives.
Ang sales team ay posibleng mag-umpisa ng cold calls sa bagong leads na wala pang nakaraang relasyon sa anumang kompanya. Ang mga outbound call na ito ay kapaki-pakinabang pagdating sa pag-generate ng leads at pagpapalawak ng contact lists ng mga business.
Mga strategy para sa matagumpay na outbound call
Makikita ninyo sa ibaba ang ilang strategies na makatutulong sa inyong dalhin ang inyong outbound calling sa mas mataas na level.
Laging sumunod sa batas
Ang iba’t ibang lugar ay may iba-ibang requirements sa pagpapatakbo ng isang contact center. Siguraduhing naiintindihan ninyo nang husto ang mga batas at regulations sa inyong lugar.
Kung wala kayong company lawyer, puwede kayong mag-hire ng isang third-party company para mapag-aralan ang mga naaangkop na batas. Mag-ingat nang husto sa pag-aasikaso at pagtatago ng customer information at data. Ang leak ay puwedeng makasira sa reputasyon ninyo, pati na rin ang sa kabuuan ng inyong business.
Mag-implement ng outbound call center management software
Huwag niyong maliitin ang kahalagahan ng maaasahang call center software na may mahusay na outbound calling capabilities.
Ginagawang posible ng helpdesk software tulad ng LiveAgent ang mag-set up ng isang outbound call center bilang bahagi ng inyong pangunahing business operations. Hindi lang ito nagbibigay-daan sa inyong outbound agents na maabot ang potensiyal na customers, pero hinahayaan din kayo nitong mapag-aralan ang mga customer interaction at mapahusay pa ang inyong KPIs.
Dagdag pa, puwede ninyong i-log ang lahat ng mahahalagang customer data sa isang integrated CRM para laging makapagbigay ang inyong agents na isang mahusay na customer experience.
I-train ang inyong mga empleyado
Walang gustong makakuha ng tawag mula sa isang taong ninenerbiyos o naiirita at, higit sa lahat, mahirap kausap. Siguraduhing lahat ng miyembro ng inyong contact center team ay na-train nang husto at naihanda sa pakikipag-usap sa customers anuman ang sitwasyon.
Maraming paraan para kayo makapagbigay ng training sa inyong staff. Nakadepende ang inyong pipiliin sa laki ng inyong contact center, bilang ng inyong agents, at uri ng mga kliyenteng kinakausap nila.
Narito ang ilang paraan para ma-train ninyo ang inyong call center staff:
mag-set up ng regular na training sessions – Puwede silang pangunahan ng mga propesyonal na tagalabas o ng mga empleyado sa inyong kompanya na mas may kakayahan.
magsagawa ng seminars – Panatilihing updated ang inyong agents sa mga bagong practice at technology.
suriin ang call recordings – Sa helpdesk software, puwede ninyong pag-aralan ang recordings ng mga nakaraang tawag ng customer. Puwede ninyong magamit ang mga ito para ituro sa inyong mga empleyado kung ano ang tama at maling customer service practice.
gumamit ng call scripts – Dapat maingat na gawin ang mga ito. Ayaw ninyong maging hindi natural ang dating ng inyong customer support agents.
Suriin at paghusayin ang inyong KPIs
Dapat ninyong patuloy na subaybayan at i-update ang inyong KPIs at ang goals na naka-set para sa inyong business. Kasama sa ilang KPIs na dapat ninyong tutukan ay ang sumusunod:
- connection rate
- average handle time
- first call resolution
- conversion rate
- occupancy time
- quality scores
- abandon rate
Ito ang KPIs kung saan ninyo puwedeng sukatin ang success rate ng inyong outbound call center. Magbibigay din ang mga ito sa inyo ng data na puwede ninyong gamitin para i-adjust ang inyong business operations. Halimbawa, puwede ninyong malaman na ang call center ninyo ay hindi nakikinabang sa automatic dialer o predictive dialers, pero nagagamit nang husto ang features tulad ng IVR at automatic callback. Samakatwid, mas mahusay ninyong mailalaan ang inyong budget at mapananatiling tumatakbo nang maayos ang mga bagay.
Make outbound calls with LiveAgent
LiveAgent is a fully-featured call center software with both inbound and outbound capabilities. Get started with our free trial and set up your digital call center today!
Frequently Asked Questions
Ano ang outbound calls?
Ang outbound calls ay ang phone interactions na sinisimulan ng mga outbound call center agent sa mga customer. Kasama sa mga uri ng outbound calls ang telemarketing at cold calling, fundraisers, customer service calls, marketing research, marketing calls, customers surveys, post-sale follow-up calls, etc.
Ibig sabihin ba ng outgoing call ay ikaw ang tumawag?
Ginagawa nito. Sa isang outgoing call, ang caller ang nag-uumpisa ng contact sa recipient.
Paano mag-handle ng outbound calls sa LiveAgent?
Hinahayaan kayo ng LiveAgent helpdesk software na mag-set up ng inyong outbound call center. Kung interesado kayong makapagbigay ng magaling ng customer service, puwede na kayong mag-umpisa sa pag-sign up sa libreng 14-araw na libreng trial ng LiveAgent, o puwede kayong magpa-schedule ng demo call sa isang miyembro ng sales team.
Paano gawing epektibo ang outbound call?
Puwede ninyong gawin ito sa pamamagitan ng pagtiyak na ang inyong outbound call center agents ay makapagbibigay ng mahusay na customer communication – dapat sila ay magalang, may respeto sa oras ng customer at naipararamdam nila sa mga client na sila ay pinahahalagahan. Dagdag pa, laging mag-set up ng follow-up call sakaling ang customer ay may tanong pa, hindi sigurado sa ilang bagay, etc. Hinahayaan kayo nitong makagawa ng matatag at pangmatagalang customer relationships.
Pagkatapos mong basahin ang tungkol sa mga outbound calls, baka gusto mong alamin kung ano ang pagkakaiba nito sa mga inbound calls. Ang kaalaman sa inbound calls ay makakatulong para sa mas epektibong pamamahala ng inyong contact center.
Mahalaga rin na matutunan ang proseso ng outbound sales, na maaaring magbigay ng mas malalim na pag-unawa sa mga hakbang sa pag-engage ng mga potensyal na kliyente. Sa pamamagitan nito, maaari mong ma-develop ang inyong sales strategy para mapalago ang business.
Alamin ang kahalagahan ng call time sa call centers at kung paano ito sinusukat upang mapabuti ang performance ng mga agent. Tuklasin ang pagkakaiba ng average call time at average handle time, at kung paano ito makakatulong sa pag-optimize ng customer service efforts. Subukan ang LiveAgent nang libre para sa mas mahusay na customer interaction at productivity.
Tuklasin ang kahalagahan ng VoIP calling sa inyong negosyo. Alamin kung paano ito nagbibigay ng mas murang, flexible, at secure na paraan ng pagtawag gamit ang internet, at kung bakit ito ang pinakamahusay na opsyon para sa mga conference call. Simulan ang paggamit ng VoIP nang libre at walang obligasyon.
Tuklasin ang mga benepisyo ng papalabas na call center sa pagpapataas ng benta at pagpapabuti ng serbisyo sa kustomer. Matutunan kung paano ang LiveAgent ay makakatulong sa iyong negosyo sa pamamagitan ng advanced na call center software. Subukan ito nang libre at simulan ang pag-level up ng iyong customer outreach!