Alam ng matatalinong marketers ang potential ng social media activities sa pag-abot ng business goals. Dahil bilyong tao ang gumagamit ng social media araw-araw, lahat ay kasalukuyan o potential na customers ng mga produkto at serbisyo. Hindi na nakagugulat na ang social media advertising ang pangalawang pinaka-dominanteng format sa digital advertising (nangunguna ang search ads) at lumalago pa ito, ayon sa research team ng Statista.
Ano ang paid social media?
Ito ay isang uri ng advertising sa social media platforms na binabayaran ng mga business. Kasama sa options ang pay per click, influencer marketing, video ads kung saan binabayaran ang placement, etc. Kasama sa benepisyo ng paid social media ang mataas na exposure, bilis, at dalas ng pag-abot sa mas malawak o mas partikular na audience.
Social media budget
Puwedeng mag-iba ang presyo ng advertising sa social media. Puwede itong magsimula sa ilang sentimo bawat araw pero walang upper limit. Samakatwid, ang pag-strategize ng paid social media ng inyong brand ay nangangailangan ng business decisions at goals. Ang isang mabisang social media advertising campaign ay kailangan ng financial plan na pinag-isipang mabuti dahil kung maubos ang social media budget sa kalagitnaan ng campaign, puwede itong magkaroon ng masamang epekto sa buong investment.
Pagpili ng social media platform
Bawat social media platform ay may kanya-kanyang audience. Samakatwid, mahalaga ang tamang pagpili ng platform para sa inyong pakay. Puwedeng umabot sa halos tatlong bilyong users ang Facebook Ads, pero kung pipiliin ninyong mag-focus sa pay-for-click na uri ng ads, dapat ay batid ninyo na ang LinkedIn ang may pinkamataas na CPC habang ang Twitter naman ang may pinakmababa. (November 2021, Statista)
Kailangan maging attractive ang visual content ng inyong social media campaign, siyempre, hindi lang dahil may reward na may kasamang pricing benefits ang Facebook Ads.
Pag-target ng audience sa social media
Para makamit ang inyong goals, dapat tailored sa isang partikular na target audience ang social media advertising ninyo. Mahalangang isipin ang audience segments kapag nagpaplano ng social media advertising campaign dahil ang interes sa mga produkto at brands ay nag-iiba pagdating sa trabaho, edad, lugar, etc. Halimbawa, hindi ninyo gugustuhing magbenta ng snow shovel sa disyerto. Ang pinaka-ideyal na audience ay pareho sa inyong kasalukuyang customers. Batay sa ideal customers, puwede kayong gumawa ng kamukhang audience kapag tumitingin sa bagong teritoryo na maraming social media users.
Sa paid social media, nakakukuha kayo ng bilis, pag-target, at frequency, pero magandang ipagsama ito sa organic social media.
Siguraduhing namo-monitor ninyo ang social media activities ng inyong business at brand at nakatutugon kayo nang sapat.
Social media management under one roof
Social media support by LiveAgent is quick, efficient and cost-effective. Try it today.
Frequently Asked Questions
Kailan ang tamang oras sa pagsisimula ng paid social media?
Ito ay kapag naiplano na ninyo ang inyong social media advertising strategy at nagdesisyon na sa budget. Maganda rin ang masanay sa organic social media.
Paano mag-integrate ng paid social media strategy?
Una sa lahat, maging malinaw sa inyong advertising objectives at kung ano ang papel ng organic at paid social media advertising dito. Gamitin pareho kung saan sila magagamit nang husto.
Aling social media platform ang pinakamahusay para sa paid social media?
Depende ito sa inyong brand at business. Ang Facebook ang may pinakamaraming users, ang Instagram ay mas focused sa visuals, ang LinkedIn ay naka-focus sa professional networking, at ang Twitter ay nakatutulong na patuloy ninyong malaman ang mga balita at trends.
Kung interesado ka sa mas malalim na pag-unawa sa pagkakaiba ng organic vs paid social media, basahin ang artikulong ito. Makakatulong ito sa iyo na malaman kung alin sa dalawang uri ang mas angkop para sa iyong negosyo.
Alamin ang kahalagahan ng online na suporta—isang serbisyo sa kustomer na magagamit 24/7 sa pamamagitan ng email, social media, at live chat. Tuklasin kung paano makakatulong ang LiveAgent software sa pamamahala ng iyong mga komunikasyon at pagpapalakas ng relasyon sa kustomer. Simulan ang iyong libreng account ngayon at pahusayin ang iyong customer service gamit ang aming top-rated help desk solution!
Discover the LiveAgent Help Center, a comprehensive resource for customer support. Find answers to frequently asked questions, access a knowledge base, report issues, engage with live support chat, and explore informative articles. Enhance your customer support with LiveAgent's easy-to-use help center, trusted by top companies. Start your free trial today—no credit card required!