Ano ang pagkakaiba ng personalization at customization?
Ang pagkakaiba ay nasa method ng pagpapa-individualize ng customer experience. Pareho silang nakatutulong na ihatid ang mga serbisyo sa isang unique na paraan pero iba ang diskarte nila.
Ito ay parehong…
…parang iisa ang ibig sabihin. Kadalasang puwedeng pagpalitin ang paggamit ng personalization at customization kasi may overlap sa kahulugan nila. At tiyak, sa level ng pangunahing kahulugan, pareho nilang ginagawang individualized ang customer experience, kaya pareho silang ginagamit na strategies sa customer engagement. Pareho nilang ibinabatay ang kanilang individualization sa mga kagustuhan ng consumers, at ang kanilang common goal ay lumikha ng mga pasadyang mga message.
Pero ang mga ito ay…
…magkaiba ng teknolohiya. Parehong gumagamit ng natatanging teknolohikal na mekanismo ang mga ito para makamit ang magkaparehong goal. Samakatuwid, sa digital technology, ang personalization at customization ay hindi puwedeng pagpalitin.
Magkaiba sila sa kinakailangang aksiyon. Ang personalization ay ginagawa para sa user, at ang customization naman ay ginagawa ng user. Sa madaling salita, nagkakaiba ang mga ito sa level ng involvement ng user. Halimbawa, sa unang kaso (personalization), hinainan kayo ng masarap na sandwich na hindi pinagsikapang gawin. Habang sa pangalawang kaso (customization), makagagawa kayo nito sa paraang gusto ninyo.
Hindi versus, kundi personalization at customization
Ang strategies ng customer engagement na ito ay hindi laban sa isa’t isa. Sa katunayan, hindi kailangang mamili sa dalawang ito kasi sa bandang huli, pareho naman ang goal nila sa mga marketing campaign. Nagkaiba lang sila sa iba’t ibang tools na ginagamit para makamit ito. Ang mahalaga, may humigit-kumulang na detalyadong automation.
Kapag gumagamit ng personalization, ang harvested data ay nafi-filter ng mga algorithm para magpalagay o manghula. Samantala, ang proseso ng customization ay gumagamit ng partikular na data na pinapasok ng user, na nangangailangan ng gagawin selections. Nagkataon lang na ang huli ay isang mas “personal” na proseso, na nagiging dahilan ng pagkalito sa mga termino.
Personalization
Ang epektibong personalization ay gumagamit ng pinagsama-samang data ng customer sa isang pamamaraang lubos na makaaapekto sa user experience. Ang epekto ay kapansin-pansin kasi ang user ay hindi sadyang kasali sa proseso.
Sinusuri ng smart algorithms ang mga katangian ng users at ang kanilang online behavior. Batay sa data, ang ino-offer ay mga relevant na produkto, serbisyo, o nilalaman. Ang isang halimbawa ng personalization ay kapag nakatanggap kayo ng mga mensahe sa advertising na mukhang nasa punto o sablay. Gaya nang kapag nakakuha kayo ng isang katakam-takam na sandwich na hindi ninyo pala alam na gusto ninyo, o isang vegan burger sa kabila ng inyong pagiging omnivore. Puwedeng magkamali rin ang algorithms.
Ang hakbang na teknolohikal mula customization patungo sa personalization ay maitutulad sa isang bangin. Kailangan ninyo ng malakas na algorithms para magawang mabuti ang personalization. Pagkatapos ng lahat, hindi ninyo nanaising mag-offer ng isang sponge cake sa mga customer ninyo.
Customized services
Isang indibidwal na approach ba ang gusto ninyong ipakita at tangkilikin? Mag-customize. Pahusayin ang customer experience sa pamamagitan ng paggawa ng selections at pag-offer ng mga indibidwal na serbisyo. Kayo mismo ang maghanda ng sandwich.
Ang future ng personalization at customization ay narito, sa pamamagitan ng pag-offer ng kakaibang pangangalaga at hindi makalilimutang karanasan, sa pagbabagay ng user experience sa indibidwal na pangangailangan.
Halimbawa: Isipin nating nagtatrabaho kayo sa isang customer service team at na-assign ng task na wala kang kaalam-alam. Mag-aaksaya ka ng oras sa kakahanap ng optimal solution habang puwedeng tapusin ng katabi mong colleague ang parehong task nang ilang minuto lang o kaya sinabi sa iyo ang solusyon.
Ang pagtatalaga sa inyo ng personalized tasks ay nakagaganda ng pakiramdam sa trabaho. Sa totoo lang, hindi ninyo kailangan ng malakas na algorithms at hiwalay na mga development team para diyan. Makaka-set up kayo ng automation rules para magawa ang selection para sa inyo. Sa ganitong paraan, na-assign kayo ng mga custom-made task para mahusay na magawa ng lahat ang kani-kanilang gawain.
Customized Experience
Sa panahon ng information overload at labis na trabaho, malugod nating tinatanggap ang focused communication. Ang bawat customer, nagmula man sila inyong customer base o hindi kilalang mga user, ay gustong magkaroon ng positibong user experience. At gusto ng mga business na ibigay ito. Gusto ninyong gumamit ng iba-ibang marketing channels para maka-offer ng mga may katuturang produkto, kasama ng customer support kapag kinailangan nila ito at sa kanilang ginustong platform.
Customizing sa ngayon
Technically speaking, while personalization can only be done with powerful algorithms, you can start individualization by customizing right now with real-time personalized marketing.
customer service culture
Puwedeng mag-apply ng real-time na personalized na serbisyo sa pamamagitan ng live chat o email marketing. Kung ini-inform man ninyo gamit ang newsletter, nagpo-promote ng bagong content sa mga customer, o nagpapadala ng mga naka-target na email sa pag-survey, gusto ninyong maging individualized ang mga ito. Tulad ito ng kung paano binabagay ng inyong kompanya ang mga imahe para mapanatili ang isang malinaw na online presence, para puwede nitong ma-individualize ang mga written text, email, at app messages sa mga segmented na audience.
To increase speed and ease your workload, you can use email templates, complete pre-written messages, or app messages. If you target your audience with infographics, you can also follow up with omnichannel support and emails. How you utilize customization depends on your marketing experience, budget, brand image, vision, and the company direction you intend to take.
Design your own templates
LiveAgent gives you the power to design your own customer email templates, thus helping you to improve the customer service. Curious about all the opportunities?
Frequently Asked Questions
Paano nakatutulong ang personalization at customization sa pagpabubuti ng customer service ng kompanya?
Nagpabubuti ang mga ito sa customer service sa pamamagitan ng pagbibigay ng mas mahusay, mas naka-focus, at mas mabilis na suporta. Ang individualization ng customer service ay nagpapahusay sa customer experience, at dahil dito, pinaiinam ang customer journey. Ang qualitative improvement ng customer service ay nagpapataas ng mga pagkakataong ma-convert ang mga prospect at tumaas ang customer retention.
Ano ang pagkakaiba ng personalization at customization kapag ginamit sa e-commerce technology?
Sa teknikal na usapan, ang personalization sa e-commerce ay kinabibilangan ng mga algorithm na may mga nakaprogramang instructions para sa mga partikular na tasks. Kailangan nitong maging powerful para maka-target at maka-individualize nang maayos. Nagbibigay-daan ang customization sa mga business at customer na mag-set up ng mga automation, iyon ay, sa pag-individualize ng customer support para sa iba pang mga business at/o mga customer.
Bakit pinapalitan ng personalization ang customization?
Palibhasa ang pagkolekta at pagsusuri ng data ay nagiging mas lalong sophisticated at magagamit sa mga business. Puwedeng mahirapan din ang mga user na gumawa ng kumpletong desisyon sa kung ano ang pipiliin o kung ano ang kanilang gusto, kaya puwede nilang tanggapin ang sophisticated individualization.
Kung gusto mong mas maunawaan ang pagkakaiba ng personalization at customization, basahin ang artikulong Personalization vs Customization. Dito, matutuklasan mo kung paano ang dalawang ito ay hindi dapat ituring na magkalaban kundi magkatulong na aspeto sa pagbibigay ng mas mahusay na serbisyo sa customer.
Alamin ang kahalagahan ng online na serbisyong kustomer gamit ang LiveAgent! Tuklasin kung paano magbigay ng mabilis, isinapersonal na suporta sa pamamagitan ng live chat, telepono, email, at social media para mapabuti ang karanasan ng kustomer at mapabilis ang komunikasyon. Subukan ito nang libre upang i-maximize ang iyong serbisyong kustomer at palakasin ang iyong negosyo.
Tuklasin ang kahalagahan ng customer experience (CX) at kung paano ito nagpapataas ng loyalty at revenue ng kompanya. Alamin ang benepisyo ng magaling na CX at paano ito mapapahusay gamit ang LiveAgent customer service software. Subukan ang mga tampok na magpapahusay sa kasiyahan ng customer, tulad ng omnichannel support, automated ticketing, at analytics. Simulan ang iyong libreng trial ngayon at gawing mas epektibo ang bawat interaksyon sa customer!