Ano ang preview dialer?
Ang preview dialer ay isa sa mga sistema ng auto dialing na ginagamit sa outbound call centers kasama ng iba pang uri ng automated dialers. Kusang pumipili ang preview dialer system ng contact record mula sa listahan ng call batay sa inyong outbound campaign settings at ipinadadala ito sa agent na nagsusuri ng mga detalye ng contact, kasama ng contact history at ibang magagamit na contextual na impormasyon bago tumawag. Pagkatapos ma-preview ang customer record, puwede nang magdesisyon ang agent ng call center kung tatawag o tatangggihan ito at lumipat sa susunod na numero sa contact list.
Hindi katulad ng progressive at predictive dialers na hindi io-offer na ituloy o hindi ng agent ang call, ang mga preview dialer ay nagbibigay-daan sa mga agent na magkaroon ng kumpletong kontrol sa proseso ng pag-dial at puwedeng i-manage ang contact review time. Dahil puwedeng mag-prescreen ang mga agent ng tamang impormasyon sa mga lead o customer para mas maging handa sa pakikipag-ugnayan bago tumawag, ang resulta ng mga call ay ang pagkakaroon ng positibong epekto sa business at mas malakas na koneksiyon sa customer.
Habang ang lahat ng business (maliit, mid-sized, at malaki) ay puwedeng makinabang sa paggamit ng preview dialers, nakatutulong ang mga ito sa outbound contact centers na may komplikadong sales campaigns kung saan ang customer research ay kailangan bago gumawa ng phone calls.
Mga benepisyo ng preview dialers
Mas kaunti ang dropped calls
Walang mga delay sa pagkonekta ng calls na medyo karaniwan kapag gumagamit ng iba pang mga uri ng auto dialer (hal. predictive dialer at progressive dialer). Agad na nakapag-uusap ang mga prospect o customer at agent sa sandaling makonekta na ang tawag. Nangangahulugan ito ng mas kaunting dropped calls.
Mas mataas na performance at efficiency ng agent
Ang pag-empower sa mga call center agent na makakuha ng kritikal na impormasyon sa background ng prospect o kliyente bago sila tawagan ay nagreresulta sa mas makabuluhang pag-uusap, nakatutulong na palakasin ang performance at productivity ng agent, at sa huli ay magsasara ng mas maraming deals.
Mas napabuting customer engagement
Dahil armado ang mga agent ng komprehensibong impormasyon tungkol sa bawat contact bago tumawag, mas personalized ang pagharap nila sa mga prospect o customer na nakatutulong na pag-ibayuhin ang cusotmer engagement.
Start your free trial today
Learn all about LiveAgent and how it can help you improve your call center customer service.
Frequently Asked Questions
Paano gumagana ang preview dialer sa isang call center?
Sa preview outbound na dialing mode, ang outbound campaign call request ay kusang pinipili mula sa file ng contacts batay sa calling campaign settings at niruruta sa screen ng agent. Puwedeng i-preview ng agent ang lead record at desisyunan kung tatawag sa pamamagitan ng pag-click sa phone icon o laktawan ito at magpatuloy sa susunod na numero sa campaign call list. Kapag nakumpleto na ng agent ang kasalukuyang call, niruruta ng preview dialing software ang susunod na call request sa screen ng agent.
Ano ang mga benepisyo ng preview dialers?
Kapag gumagamit ng preview auto dialer software, ang mga prospect o customer ay agad kinokonekta sa mga agent, na nag-aalis ng potential na mahabang oras ng paghihintay at nagreresulta sa mas kaunting dropped calls. Sa karagdagan, dahil binibigyan ang mga agent ng insights sa bawat contact bago tumawag, nagbibigay-daan ito sa mas mahusay na pakikipag-ugnayan at ng efficiency ng agent.
Ang preview dialer ba ay bahagi ng LiveAgent?
Bilang isang complex na contact center software solution, ang LiveAgent ay may kasamang built-in na inbound call center at outbound call center na kapasidad. Kahit na ang preview dialer ay hindi bahagi ng system ng LiveAgent, may offer itong click-to-call dialing mode na nagpapahintulot sa mga agent na gumawa ng outbound calls habang binibisita nila ang mga website ng inyong mga prospect.
Kung nais mong mas maintindihan ang iba't ibang uri ng dialers, maaari mong basahin ang tungkol sa predictive dialer. Dito, malalaman mo kung ano ang mga benepisyo, limitasyon, at pagkakaiba nito sa progressive dialer.
Para naman sa mas detalyadong impormasyon tungkol sa progressive dialer, alamin kung paano nito pinapataas ang efficiency ng mga agents at nagreresulta sa mas magandang customer engagement.