Ano ang progressive dialer?
Ang progressive dialer ay isang auto dialer system na ginagamit nang malawakan sa outbound call centers. Ino-automate ng progressive auto dialing technique ang proseso ng paggawa ng outbound phone calls para hindi na kailangang i-dial nang manual ng mga call center agent ang bawat number sa contact list. Kinokonsiderang middle-ground sa pagitan ng manual dialing at predictive dialing solutions ang progressive dialers.
Ang malaking pinagkaiba lang na naghihiwalay sa progressive dialers mula sa predictive dialers ay ang progressive dialing system ay naghihintay sa agent na matapos ang kasalukuyan nilang tawag bago mag-dial ng susunod na number. At saka nagda-dial lang naman ito ng isang number para sa bawat available na contact center agent. Halimbawa, kung may 10 available agents, ang ginagawa ng dialer ay 10 calls. Sa progressive dialing mode, sinusuri muna ng system ang calling statistics tulad ng rate of connection at abandonment rate para matukoy ang pace ng pag-dial nito.
Sa pinagsamang automatic answering machine detection at ang abilidad nitong ma-screen out ang busy signals at disconnected numbers, tinitiyak ng progressive dialer software na ikinokonekta lang ang agent kapag may tunay na tao sa linya. Dahil available agad ang agents para makipag-ugnayan sa tawag kapag may sumagot na, inaalis nito ang call abandonment. Sa kabilang banda, ang paggamit ng progressive dialers ay puwedeng magresulta sa pagtaas ng idle time ng agent na nangangahulugan ng mas mababang agent productivity kumpara sa power dialers at predictive dialers.
Puwedeng gamitin ang progressive dialers sa iba-ibang industriya para sa maraming gawain, kasama ang outbound sales, telemarketing, collections, customer service follow-up calls, etc. Dahil mas mababa ang dialing rate ng progressive dialers kumpara sa predictive dialers, kinokonsidera ang dialing mode nito na mas mababa ang pagiging epektibo at hindi nirerekomendang gamitin sa mga kaso kung saan kailangan ng agents na mag-outbound calls nang daan-daan o libo-libong contacts.
Mga benepisyo ng progressive dialers:
Tumaas na agent efficiency
Dahil automatic na dina-dial ng progressive dialers ang numbers at fini-filter out ang busy lines, answering machines, at disconnected numbers, hindi na kailangang magsayang ng oras ng agents sa manual dialing at failed calls.
Mas kaunting hang-ups
Dahil tinitiyak ng progressive dialers ang agent availability (laging may available na agent na handang mag-asikaso ng tawag kapag konektado na ito), binabawasan nito ang wait times at nagreresulta sa mas kaunting dropped calls kumpara sa predictive dialers.
Mas magandang goal conversion
Ang mababang call abandonment ay nangangahulugan ng mas pinahusay ng call connection ratio at mas mataas na agent talk time na puwedeng magresulta sa mataas na goal conversion rates (sales, collections, etc.) at mas mataas na customer satisfaction.
Start your free trial today
Learn all about LiveAgent and how it can help you improve your call center customer service.
Frequently Asked Questions
Paano gumagana ang progressive dialer?
Automatic na dina-dial ng progressive dialer ang phone numbers mula sa database at kinokonekta ang agents sa mga tawag kapag may live contact lang sa linya at bina-bypass ang busy lines, answering machines, at walang sumasagot na tawag. Sa progressive outbound dialing mode, naghihintay muna ang system na matapos ang kasalukuyang tawag ng isang call center agent bago nito i-dial ang susunod na number (at isang number lang ang dina-dial nito sa bawat agent).
Kailan ginagamit ang progressive dialers sa halip na predictive dialers para sa contact center solution ninyo?
Habang ang predictive dialers ang pinakamagaling para sa malalaking outbound call center teams at aktibong outbound calling campaigns para sa telemarketing, sales, market research, at collections, puwedeng maging mas mainam na option ang progressive dialers para sa teams na maliliit at katamtaman ang laki na mas kaunti ang agents na available para mapanatili ang predictive dialing mode. Mas angkop din ang progressive dialers para sa B2B outbound calling dahil ang mga ganitong uri ng tawag ay karaniwang may mas mataas na success ratio dahil sa mas kakaunting hang-ups at mas mataas na answer rates (lampas 80%).
Puwede bang gumamit ng progressive dialer sa LiveAgent?
Kahit na kasama sa call center solution ng LiveAgent ang parehong inbound call center at outbound calling capabilities, sa kasalukuyan ay hindi nito ino-offer ang progressive outbound dialer. Sa halip, ang web-based version nito ang nagbibigay ng abilidad na tumawag sa kahit na anong number sa web. Gamit ang click-to-call option, puwedeng mag-initiate ng outbound calls ang agents mula sa LiveAgent dashboard habang nagba-browse sa website ng inyong potential customers.
Matapos mong malaman ang tungkol sa progressive dialer, baka gusto mong basahin ang tungkol sa predictive dialer. Ang predictive dialer ay gumagamit ng algorithm upang mas mapabilis ang pagtawag at mapabuti ang efficiency ng mga agent. Alamin din ang mga pagkakaiba ng predictive at progressive dialers upang matukoy kung alin ang pinaka-angkop para sa iyong negosyo.
Alamin ang tungkol sa predictive dialers—isang awtomatikong sistema na nagpapataas ng productivity ng call center agents sa pamamagitan ng pag-dial ng mga numero mula sa listahan ng contacts at pag-reruta sa available agents. Tuklasin ang mga pangunahing features at benepisyo nito, kabilang ang mas mataas na agent utilization, mas maraming talk time, at mas mababang gastos bawat call. Subukan ito nang libre at palaguin ang inyong negosyo gamit ang LiveAgent.
Discover how a preview dialer can enhance your call center's efficiency and customer satisfaction. This auto dialing system empowers agents to prescreen contact records, allowing for better-informed calls and improved engagement. Ideal for complex sales campaigns, preview dialers reduce dropped calls and boost agent performance. Learn more about its benefits and start your free trial today!