Ang Quality of Service (QoS) ay isa sa powerful na paraan para mapaganda ang quality ng VoIP calls. Alamin kung paano gumagana ang technology na ito at kung paano ito gagawing mas reliable.
Ano ang QoS VoIP?
Ang kahuugan ng terminong QoS VoIP ay “Quality of Service for Voice over IP.” Ang Quality of Service technology ay ginawa para lutasin ang mga common na problema sa VoIP. Kung minsan, puwedeng may limitadong Internet bandwidth kapag ang ibang tao sa inyong business o bahay ay gumgamit ng Internet. Kapag nakikipag-agawan ang VoIP calls ninyo sa ibang user, puwedeng mag-stall, makaranas ng jitter effect, at pangkalahatang pagkasira ng voice quality. Ang paggamit ng Quality of Service technology ay makababawas ng jitter at makaka-optimize ng inyong bandwidth.
Kailangan ba ang QoS para sa VoIP?
Ang QoS ay hindi tiyak na kailangan sa paggawa ng VoIP calls. Ang QoS para sa VoIP ay paraan para pagandahin ang voice quality hanggang sa katanggap-tanggap na level. Kung wala ang technology na ito, baka magkaproblema ang inyong call dahil sa packet loss, lalo na kung ginagamit ng iba ang video conferencing. Habang nagsasalita kayo sa isang VoIP call, ang pag-uusap ninyo ay nako-convert sa digital information at madaliang ipinadadala bilang isang serye ng “VoIP packets.” Kung ang ilan sa VoIP packets ay mawala habang nakikipag-usap sa pagitan ng devices, puwedeng pumangit ang inyong call.
Kung gusto ninyong magbigay ng magandang impression sa mga customer na tumatawag sa mga branch at pangunahing opisina ninyo, makabubuting piliin ang VoIP QoS technology.
QoS requirement para sa VoIP calls
Para makagawa ng high-quality phone calls gamit ang VoIP network, ang paggamit ng QoS Policy ay isang intelihenteng option. May ilang requirements para sa epektibong paggamit ng QoS.
- Service provider support. Tanungin ang VoIP provider ninyo kung may offer silang QoS para sa phone calls. Kung hindi, baka kailangan ninyong gumamit ng ibang service provider.
- Bandwidth requirements. Ang QoS ay nakaka-optimize ng VoIP traffic sa kabuuan ng Internet connection ninyo. Kung ang inyong Internet connection ay may minimal bandwidth, ang QoS ay hindi gaanong makatutulong. Bilang guideline, ang Federal Communication Commission (FCC) sa USA ay nagbibigay ng rekomendasyon para sa minimum bandwidth: 25 megabits bawat segundo. Kung maraming tao ang gumagamit sa bahay or business ninyo, mas makabubuti kung bumili ng maximum bandwidth na abot-kaya ninyo.
- I-check ang Internet router ninyo. Suriin ang settings ng router para makita kung ito ay handa para sa QoS VoIP. Halimbawa, puwedeng may bandwidth management limits na nakatakda sa router ninyo. Kung ganoon, kailangang palitan ang settings na ito para masuportahan ang QoS.
Ang pag-set up ng VoIP quality of service
Gamitin ang mga sumusunod na hakbang para maumpisahan ang QoS setup para sa VoIP phone ninyo. Isaisip na ang paglutas ng problema, tulad ng network jitter at mababang voice quality, ay kinakailangang gamitan ng eksperimento. Kung kailangan ninyo ng paunang tulong, tumawag sa network engineers at sa VoIP service provider ninyo.
- I-check ang limitasyon ng bandwidth. Ang router o Internet service provider ninyo ay puwedeng may limitasyon sa bandwidth o itinatag na bandwidth limits. Ginagamit ng network engineers ang mga ito para masigurong lahat ng users ay makagagamit ng Internet sa mabisang paraan, kahit na sila ay gumagamit ng mobile gadget o computers.
- Pag-usapan ang bandwidth-saving techniques. Makiusap sa ibang users sa business o bahay ninyo na gawing katamtaman ang paggamit ng streaming services at gaming tuwing oras ng trabaho. Madalas, ang pagbabagong ito ay nakapagpapalakas ng quality ng voice calls ninyo sa katanggap-tanggap na level.
- Gumamit ng priority queue. Para makamit o malampasan ang katanggap-tanggap na level ng voice calls, buksan ang “priority queue” setting. Ibig sabihin ng capability na ito ay priority lagi ang voice calls para masusulit ninyo ang bandwidth limitations ninyo.
Pinababagal ba ng QoS ang Internet?
Ilang tao ang nababahala sa paggamit ng quality of service technology kasi may nabalitaan silang hindi kanais-nais na epekto nito sa ibang tao. Para maunawaan ang alalahaning ito, isaalang-alang natin ang isang halimbawa.
Itinuturing ng FCC ang epektibong minimum bandwidth standard na bilang ay 25 megabits para sa download at 3 megabits para sa upload.
Puwedeng maiba ang inyong sitwasyon. Halimbawa, tingnan ang mga branch office kung saan sabay-sabay gumagamit ng maraming mobile gadgets, video conferencing, at voice calls. Sa kasong ito, ang bandwidth limitation ay mas malamang na mangyari. Gayunman, sa isang business setting, kapag kausap ang mga customer, ang masamang voice quality ng calls ay hindi katanggap-tanggap. Kaya sulit ang paggamit ng quality of service (QoS) settings para may dedicated na bandwidth sa voice traffic.
Bago paganahin ang QoS, ipahayag ang pagbabago. Ang paunang pagpapahayag ay nakatutulong na iwasan ang mga reklamo kapag tinamaan ang ibang network devices. Naiintindihan ng karamihan sa mga business user na kailangang unahin ang voice traffic kaysa sa ibang uri ng traffic. Halimbawa, ang panonood ng videos sa You Tube ay kailangang itigil para mapanatili ang VoIP voice quality.
Ano ang traffic class sa QoS?
Dahil nangangailangan ng direksiyon ang Quality of Service technology, magdesisyon kung anong mga serbisyo ang mauuna. Inaayos ng traffic classes ang paggamit ninyo ng Internet sa magkakatulad na grupo. Halimbawa, puwedeng may isa kayong traffic class para sa voice calls at video conferencing. Ang email ay puwedeng may sariling traffic class, at ang web browsing ay puwedeng may sarili ring traffic class.
- I-set ang inyong traffic priorities. Maglaan ng oras para pag-usapan ang inyong traffic priorities sa ibang tao sa bahay o business ninyo. Halimbawa, gumawa ng listahan ng lahat ng naka-network na gadgets: laptops, mobile devices, at listahan ng lahat ng VoIP phone. Sa isang mas malaking kompanya, hingin ang pananaw ng network engineers ninyo. Kapag nabuo na ang inyong listahan, puwede nang unahin ito.
- Paano haharapin ang voice traffic priority. Para mabawasan ang epekto ng network congestion sa voice calls, dapat ay merong bandwith guarantees para sa voice traffic ang inyong mga QoS profile. Kung walang bandwidth guarantees, unahin ang class VoIP traffic bilang pangunahing priority ninyo.
Tip: Isaisip na may mga panahon ng congestion sa isang araw. Napag-alaman ng Verizon, isang American wireless network operator, na ang weeknights ng 7-11 ng gabi ay kadalasang “Internet peak hours.” Sa mga oras na ito, ang VoIP traffic at video conferencing ay puwedeng hindi gumana nang maayos. Kung walang VoIP QoS, ang mga problema gaya ng network jitter ay makapagpapabagal ng inyong VoIP packets at makasisira ng inyong voice calls.
Cover all means of communication with one solution
Stand up from your competitors with strong customer service culture. Resolve all your calls, chats and emails from one place.
Frequently Asked Questions
Ano ang QoS VoIP?
Ang QoS VoIP ay isang teknolohiyang nagsisiguro na ang VoIP calls ay maayos na tumatakbo. Ang QoS para sa VoIP ay nangangahulugang ang voice calls ninyo ay may epektibong dedicated na bandwidth.
Kailangan ba ang QoS para sa VoIP?
Ito ay depende sa sitwasyon ng partikular na bandwidth ninyo. Kung ang kompanya ninyo ay gumagamit ng video conferencing at ibang bandwidth-intensive na mga aktibidad, baka hindi magkaroon ng minimum na bandwidth ang VoIP calls ninyo para gumana nang maayos. Kung ang VoIP calls ay mahalaga sa inyo, gumamit ng isang QoS policy. Kapag walang QoS policy na magkokontrol ng traffic, puwedeng magdusa ang voice quality.
Ano ang QoS requirement para sa VoIP calls?
Ginawa ng network engineers ang QoS para mabawasan ang mahinang voice quality ng VoIP. Ang mga kailangan para sa QoS ay ang VoIP service, isang sophisticated na Internet service provider, at ang pagnanais na i-maximize ang voice quality. Sa isang malaking organisasyon, ang pagtatag ng service level agreement ay kailangan para i-set nang maayos ang mga dapat mauna sa traffic.
Paano mag-set up ng VoIP quality of service?
Ang mga hakbang para i-set up ang isang VoIP policy ay depende sa inyong VoIP provider at sitwasyon ng network (halimbawa, malawak na area ng network, kahit na gumamit ng Ethernet interface o Wi-Fi). Sa isang maliit na kompanya, makagagamit kayo ng rules sa paggabay ng traffic para masigurado ang VoIP call quality. Sa mas komplikadong setting, baka kailangan ninyong mag-set up ng ilang klase ng bandwidth para bawat uri ng serbisyo ay may nararapat na garantiya ng bandwidth. Kapag may settings na nasa lugar na, mag-test gamit ang ilang voice calls para mapatunayang uunahin ang mga ito. Kausapin ang app vendor ninyo para mabigyan kayo ng tips kung paano masusulit ang kanilang technology.
Pinababagal ba ng QoS ang Internet?
Sa ilang mga sitwasyon, ang Quality of Service ay puwedeng magpabagal sa Internet access. Baka makapansin ang mga user ng mga problema tuwing panahon ng congestion. Puwedeng may ilang pag-test para malaman ang katanggap-tanggap na level para mapanatili ang VoIP quality. Huwag ipagpalagay na ang standard ng mga profile at klase ng bandwidth ng QoS ay awtomatikong valid para sa sitwasyon ninyo. Sa paglipas ng panahon, mahahanap ninyo ang tamang VoIP para sa voice traffic settings na kailangan ninyo.
Ano ang traffic class sa QoS?
Ang traffic classes, na kilala rin bilang bandwidth classes, ay isang paraan para i-set kung ano ang uunahin sa network. Halimbawa, ang policy map ay puwedeng magtalaga ng numero unong “klase ng serbisyo” sa voice calls. Samantala, puwedeng mai-assign ang mobile gadgets sa mas mababang klase ng serbisyo. Tuwing nagkakaroon ng network congestion, puwedeng bawasan ang dedicated bandwidth sa mobile gadgets kasi napagdesisyunan ninyong unahin ang voice calls.
Pagkatapos basahin ang tungkol sa QoS VoIP, baka gusto mong matuto pa tungkol sa VoIP service provider. Alamin kung paano pumili ng tamang provider para sa iyong mga pangangailangan at kung bakit mas mabuti ang VoIP service kumpara sa traditional na landlines.
Isa pang kapaki-pakinabang na artikulo ay tungkol sa VoIP phone service. Dito, matutuklasan mo kung paano gumagana ang VoIP at kung anong equipment ang kailangan mo para magsimula.
Alamin kung paano ang VoIP ay nagbibigay-daan sa abot-kayang tawag at mas malaking flexibility para sa iyong negosyo. Tuklasin ang mga pros at cons, at alamin kung paano pumili ng tamang VoIP provider. Mag-subscribe para sa demo at newsletter ng LiveAgent upang mas palawakin ang iyong kaalaman sa VoIP.
Alamin kung paano makakatulong ang VoIP numbers sa iyong negosyo sa pamamagitan ng mas murang calls at mas mahusay na customer service gamit ang internet connection. Tuklasin ang pagkakaiba ng fixed at non-fixed VoIP numbers at kung paano makakakuha ng VoIP number. Pasimplehin ang iyong communication strategy at bawasan ang gastos sa pagtawag ngayon. Subukan ang LiveAgent para sa mabilis na VoIP setup at pagbutihin ang iyong customer interactions.
Tuklasin ang kahalagahan ng VoIP calling sa inyong negosyo. Alamin kung paano ito nagbibigay ng mas murang, flexible, at secure na paraan ng pagtawag gamit ang internet, at kung bakit ito ang pinakamahusay na opsyon para sa mga conference call. Simulan ang paggamit ng VoIP nang libre at walang obligasyon.