Ano ang ROI?
Ang return on investment (ROI) ay isang kilalang batayang nagsusuri ng profitability at efficiency ng isang investment. Ang metric na ito ay mahalaga kapag nagkukumpara ng profitability ng iba’t ibang investment.
Ang return on investment metric ay nagbibigay ng foresight para matukoy kung ang investment ay makapagdadala ng positive return. Samakatwid, hinahayaan kayo nitong gumawa ng financial decisions na mas malamang na magiging matagumpay.
Paano ikalkula ang ROI?
Kasama sa basic ROI calculation ang sumusunod:
- Pag-subtract ng initial investment mula sa final value ng investment (na net return din).
- Pag-divide ng net return sa presyo ng investment.
- I-multiply ito sa 100 (para ma-express ang value bilang isang percentage).
Ang final investment value – Initial investment value
ROI = ⸻⸻⸻⸻⸻⸻⸻⸻⸻ X 100%
Presyo ng investment
Net return ng investment
= ⸻⸻⸻⸻⸻ X 100%
Presyo ng investment
Ang problema sa average ROI formula ay hindi nito isinasaalang-alang ang time periods.
Halimbawa, ikonsidera ang isang business ng nag-set up ng ROI call center solution gamit ang LiveAgent software at nakagawa ng return on investment na 20% sa 3 taon. Minumungkahi ng formula na ang returns matapos ang 10 araw ng pag-set up at ang returns matapos ang 3 taon ay pareho lang. Sa realidad, ang return na 20% sa 10 araw ay mas mainam kaysa sa 3 taon.
Para malampasan ang ganitong problema, puwede ninyong gamitin ang annualized ROI formula para makakuha ng annual return.
Ang formula para sa pagkalkula ng annualized returns ay ang sumusunod:
Annualized ROI = [(1 + ROI)1/n — 1] X 100
Kunwari ang isang investment ay nakapagbigay ng return on investment ratio na 60% sa loob ng 6 na taon. Puwedeng akalain ng isang baguhang investor na ang simpleng average ROI ay 10% sa pamamagitan ng pag-divide ng returns sa holding period.
Pero ito ay rough approximation lang ng annual return dahil hindi nito pinapansin ang epekto ng compounding sa investment (na puwedeng makagawa ng makabuluhang pagkakaiba sa paglipas ng panahon). Kapag mas mahaba ang period, mas malaki ang pagkakaiba.
Ang annual rate sa kasong ito, mula sa tamang formula, ay:
Annual ROI = [(1 + 0.60)1/6 — 1] X100 = 8.15%
Ang pinakamagandang bahagi ng annualized formula?
Puwede ninyong gamitin ito para sa mga holding period na wala pang isang taon sa pamamagitan ng pag-convert ng holding period sa fraction ng isang taon.
Ang positibong return on investment ay nangangahulugan ng net profit dahil ang returns ay lumampas sa anumang kaugnay na gastos.
Ang negatibong ROI ay nagpapakita na kawalan sa value ng investment sa loob ng isang partikular na panahon. Ito ay tumutukoy sa isang loss sa investment, sa business performance, o sa invested project.
Magagamit ninyo ang ROI formula para sa sumusunod:
- Pagsukat ng profitability ng isang stock
- Pag-assess ng performance ng real estate transactions
Ano ang mga limitasyon ng ROI formula?
Kahit na madaling kalkulahin ang return on investment, may mga limitasyon ito:
Hindi nito pinapansin ang oras
Hindi pinapansin ng return on investment formula ang time value ng pera at hindi masyadong tumpak kapag nag-evaluate ng long-term investments. Hindi nito kinokonsidera ang mas malawak na time value ng pera o ng holding period ng investment. Ibig sabihin, puwede itong hindi masyadong tumpak kapag nag-assess kayo ng long-term investments na nangangailangan ng mas maraming oras para maging profit.
Hindi ito naa-adjust para sa risk
Ang risk at returns ay laging magkaugnay. Kung mas mataas ang potential return ng isang investment, mas malaki ang katumbas na risk. Ang projections ng ROI ay hindi nae-evaluate ang kaugnay na investment risks kundi ang final at initial cost lang.
Puwede nitong sobrang simplehan ang comparative process
Ikinukumpara lang ng formula ang cost of investment sa final cost. Dapat ay sumusunod ang bawat firm na inyong pinagkukumpara sa parehong accounting practices para mapanatili ang consistency. Kapag nag-assess kayo ng asset value o profit ng isang kompanya sa ibang paraan, baka hindi maging tumpak and diretsong pagkukumpara ng return on investment.
Para malampasan ang nabanggit na mga limitasyon, kinokonsidera ng investors ang annualized return on investment para i-assess ang profitability ng isang investment.
Puwedeng matalo kung ang returns lang ang kakalkulahin. Sinusukat nito ang efficiency, na mabuti at kapaki-pakinabang.
Kung ang kompanya ay nagbawas ng kanilang budget para mabawasan ang investments at maintenance costs, baka mauwi ito sa maling kalkulasyon.
Bagama’t kritikal ang pagpapanatiling mababa ang maintenance cost, ang pagbabawas ng marketing campaigns at iba pang marketing investment ay puwedeng makapinsala sa antas ng mga kikitain.
Ang isang business ay puwede pa ring magkaroon ng positibong ROI calculation sa ganoong kaso, pero hindi nila mamamalayan ang full earning rate potential nito dahil nasa short-term results lang ang focus nila.
Ano ang magandang ROI para sa isang business?
Ang kinokonsiderang magandang ROI ay nakadepende sa uri ng investment. Halimbawa:
Uri ng investment | Halimbawa ng Magandang ROI |
---|---|
Isang marketing campaign | Pag-multiply ng inyong investment nang 5x |
Social media marketing effort | Paglago ng bilang ng followers o post impressions |
Pag-invest sa customer relationship management | 140% na dagdag sa expenditure ng produkto |
Venture capitalism | Sobrang taas na potential returns dahil 4/10 na startups lang ang nagkakaroon ng profit |
Pag-set up ng ROI call center solutions | Pagtaas ng customer retention rate at lifetime value |
Hindi lahat ng investments ay pantay-pantay – tingnan ang risk-adjusted returns bilang performance measure.
Batay sa conventional wisdom, ang annual ROI na higit sa 7% ay maganda para sa stock investment. Ito ang average annual return ng S&P 500, naka-account para sa inflation.
Gayunman, baka ang S&P ROI figure ay hindi bagay sa inyong asset class o risk level na gusto ninyong gawin. Nag-iiba-iba ito sa iba-ibang investments, kaya baka gusto ninyong ikonsidera ang sumusunod:
- Ang risk level na gusto ninyong kunin
- Puwedeng mangyari kapag nawala ang perang inyong in-invest
- Halaga ng kita na kailangan ninyo mula sa investment opportunity
Sa pangkalahatan, kung mas mataas ng return, mas mainam. Gayunman, mahirap makahanap ng business na may tumataas na investment returns na walang mas mataas na risk sa tunay na buhay.
Ang risk ay napakahalaga sa pag-assess ng rate o return. Ang mataas na potensiyal sa return ay may kasamang mas malaking risk.
Sa pangkalahatan, ang magandang ROI ay positibo – nilalampasan ng net returns ang net costs. Ang masamang ROI ay negatibo – nilalampasan ng returns ang net cost.
Invest efficiently
LiveAgent's omnichannel help desk software offers over 130 features that will make sure your investment was right. Want to learn more?
Frequently Asked Questions
Ano ang ROI?
Ang return on investment (ROI) ay isang simpleng ratio na nagdi-divide ng net profit (o loss) mula sa isang investment sa halaga nito.
Paano ikalkula ang return on investment?
Para kalkulahin ang return on investment, i-divide ang net profit (kasalukuyang value – initial investment) sa halaga ng investment at i-multiply ito sa 100.
Ano ang mga limitasyon ng ROI formula?
Hindi isinasaalang-alang ng return on investment formula ang oras. Kaya hindi nito pinapansin ang compounding returns. Hindi rin naa-adjust ang formula para sa risks, kaya ito ay isang bagay na dapat kinokonsidera kapag nagdedesisyong mag-invest.
Ano ang magandang ROI para sa isang business?
Depende ito sa sitwasyon. Walang one-size-fits-all na definition na puwedeng mag-apply sa lahat pagkakataon. Gayunman, mapagkakasunduan na kapag mas mataas ang ROI, mas mainam.
Kapag natapos mo nang basahin ang tungkol sa return on investment, maaaring interesado kang malaman pa ang tungkol sa Ano ang ROI?. Nililinaw nito ang kahalagahan ng ROI sa pagsusuri ng kita sa negosyo. Kung gusto mong malaman ang tamang paraan ng pagkalkula, basahin ang Paano ikalkula ang ROI?. Madali lang itong sundan upang makuha ang tamang resulta. Para sa mas malalim na kaalaman, tuklasin ang mga limitasyon ng ROI formula. Mahalaga itong malaman para maiwasan ang mga karaniwang pagkakamali sa paggamit ng ROI.
Alamin ang kahalagahan ng online na suporta—isang serbisyo sa kustomer na magagamit 24/7 sa pamamagitan ng email, social media, at live chat. Tuklasin kung paano makakatulong ang LiveAgent software sa pamamahala ng iyong mga komunikasyon at pagpapalakas ng relasyon sa kustomer. Simulan ang iyong libreng account ngayon at pahusayin ang iyong customer service gamit ang aming top-rated help desk solution!
Alamin ang conversion rate sa LiveAgent! Tuklasin kung paano ito sinusukat, kalkulahin, at pagbutihin para sa mas magandang customer experience at dagdag na leads. Alamin ang iba't ibang tipo ng conversion rates at kung paano ito naaapektuhan ng industriya, bansa, at gadget. Dagdagan ang inyong kaalaman sa mga estratehiya para mapataas ang inyong conversion rate at makamit ang matagumpay na marketing campaigns. Bisitahin ang aming pahina para sa detalyadong impormasyon at simulang i-optimize ang inyong conversion rates ngayon!
Discover the LiveAgent Help Center, a comprehensive resource for customer support. Find answers to frequently asked questions, access a knowledge base, report issues, engage with live support chat, and explore informative articles. Enhance your customer support with LiveAgent's easy-to-use help center, trusted by top companies. Start your free trial today—no credit card required!
Alamin kung paano mapahusay ang katapatan ng kustomer sa LiveAgent! Ang katapatan ay susi sa pagtaas ng kita at pagbuo ng tiwala sa pagitan ng brand at mga kliyente. Tuklasin ang mga estratehiya para sa mas mahusay na karanasan ng kustomer at alamin kung paano makakabuo ng matagumpay na loyalty program. Mag-sign up para sa isang libreng account ngayon at simulan ang iyong paglalakbay sa masayang kustomer!