Ano ang service software?
Ang service software ay tools na ginagamit ng mga business para iresolba ang iba’t ibang isyu. Ginagamit ito para i-streamline ang mga management process ng customer relationship, i-track ang employee progress, at makapagbigay ng magagamit na mga report, at iba pa. Kadalasang on-demand software (SaaS) ang mga ito na ginagamit sa iba’t ibang industriya, mula sa field service na mga kompanya hanggang sa retail.
Kailan ninyo kailangan ang service software?
Dahil sa flexible na aspekto ng service software at ang bilang ng isyung kaya nilang maresolba, masasabi na ang bawat business ay puwedeng makinabang sa mga platform na ito. Kahit kayo ay maliit na business na nagnanais magpalaki o isang malaking enterprise na nangangailangan ng naka-streamline na solution sa dagsa ng customer requests, ang service software ay ang tamang paraan na magagamit.
Sa ngayon, may ilang bagay na mas mahalaga sa customers kaysa sa customer service. Puwede nitong mapaganda o masira ang customer relationships, at puwede itong maging pinaka-importanteng factor sa pag-consolidate ng customer loyalty. Mahalaga ito lalo sa maliliit na mga business dahil ang pagkakaroon ng magandang reputasyon sa customer service ay puwedeng makapagparami ng inyong customers.
Maganda ring tandaan na kapag mas maraming customers, mas maraming request. Isa ito sa dahilan kung bakit gugustuhin ninyong mag-invest sa customer service solutions. Ito ay dahil magagamit ninyo ang human resources ng call center ninyo nang mas mahusay at makaka-scale up kung kinakailangan.
Ang kadalasang misconception ay ang pag-iisip na ang customer service ay post-sale satisfaction survey. Ang totoo, sakop ng customer relationships ang bawat aspekto ng customer interaction sa loob ng kompanya. Mula ito sa pakikipag-ugnayan sa puwedeng maging customer hanggang sa pag-alalay sa kanila sa kanilang pagbili at sa post-sale support. Kayang punan ng service software ang lahat ng aspektong ito.
Kung naiintindihan ninyo ang halaga ng customer support para gawing bahagi ito ng inyong business model, puwedeng masabing kailangan ninyo ng magandang service software solution. Sa pagbibigay ng mahalagang tool na ito sa inyong human resources, makasisiguro kayong magiging sabay na huhusay ang inyong customer relationships at employee satisfaction.
Ano ang mga benepisyo ng service software?
Gaya ng nasabi na, ang service software ay sobrang adaptable. Ibig sabihin, maraming paraan na magbebenepisyo kayo rito. Kung malinaw ang inyong goals at naka-setup ang inyong software tool nang naaayon, kaya na ninyong gawin ang kahit ano, mula sa pagpapaganda ng customer experience hanggang sa pagpapataas ng brand loyalty.
Isa sa maraming benepisyo ng software program na ito ay ang pagpapahusay ng communication. Ang pagiging mas madali para sa inyong customers na maabot kayo kung kailangan nila ay malayo ang mararating sa pagsisiguro ng customer satisfaction at tiwala sa inyong business. Ngayon higit kailanman, gusto ng users na maramdamang naaalagaan sila at binibigyan ng halaga, at ang pagkakaroon ng mahusay na customer service ay isa sa haligi ng customer loyalty.
Ito ay pinadadali ng tools na may omnichannel approach sa communication. Ang kakayanang makipag-ugnayan sa customers sa kahit anong social media app na gamit nila ay pinadadali para sa agent at sa user ng application, dagdag pa sa pagbibigay ng mas mabilis na response time.
Mula sa naunang punto, puwede kayong magbenepisyo mula sa service tools ng LiveAgent na kayang i-track lahat ng requests kahit anong platform pa ang pinagmulan, at organisahin ang mga ito bilang tickets na puwedeng ma-access sa service software. Ang pagkakaroon ng calls, emails, Facebook Messenger, at kahit WhatsApp sa isang platform ay makatutulong na ma-track ang requests at maiwasan makaligtaan ang mga ito.
Isa pang benepisyo ng customer service platforms ay ang kanilang kapasidad na ma-integrate sa ibang software para makakuha ng importanteng insights sa customer behavior. Pabor ito sa mga maliliit na business na kailangan ma-maximize ang bawat customer interaction.
At hindi lang customer behavior ang kayang ma-analyze; ang pagkakaroon ng reports sa inyong customer service representatives ay magbibigay ng mahahalagang insights kung ano ang gumagana o hindi. Mabibigay ng service software ang ganitong impormasyon, na binibigyan kayo ng kakayahang ibahin ang mga proseso at pahusayin pa ang inyong service model.
Ang pagpili ng software solution na may built-in CRM ay makapagbabago ng inyong buong customer service workflow. Ang ganitong tipo ng business application ay makatutulong sa mga agent na ma-access ang mahahalagang customer information sa parehong cloud platform kung saan inaayos ang requests. Ang CRM ay puwede ring i-customize para makapagbigay ng dagdag na data tungkol sa kung anong klase ng produkto ang kanilang binili, kahit ginawa nila ito sa third-party vendor.
Ang ilang service ay nagbibigay ng option na makagawa ng knowledge base para sa inyong customers na may magagamit na information tungkol sa produkto at karaniwang isyung kinahaharap ng tao. Tinutulungan nito ang customers na mas mabilis makahanap ng solution at nalilibre ang inyong agents na harapin ang mga mas komplikadong kaso.
Ang automation at AI ay ilan sa pinakabagong features na dinadagdag sa service platforms, at hulog ng langit ang mga ito. Kahit ang pinakamaliliit na business ay kailangang harapin ang paulit-ulit na trabaho at may ilang customer requests na paulit-ulit lumalabas. Hinahayaan kayo ng automation na mag-handle ng paulit-ulit na tasks at padaliin ang proseso sa pagresolba ng pare-parehong isyu, na siyang nagpapahusay pa ng inyong enterprise resource planning.
Para malubos ang benepisyo ng service software, siguraduhing i-check ang software license para makita kung anong functionalities meron ang bawat subscription tier. Kahit nirerekomenda namin ang LiveAgent, sa totoo lang, kahit anong platform ay mas maganda kaysa sa wala.
Paano gumagana ang service software?
Ang mundo ng service software ay napakalawak, at ang bawat individual program ay may kanya-kanyang pasikot-sikot. Pero karamihan ay may pagkakapareho pagdating sa functions na kanilang binibigay at kung paano nila ito binibigay.
Ang service software ay isang cloud computing software product na nangongolekta ng lahat ng inyong communication at inaayos ang mga ito bilang tickets. Ibig sabihin, ang emails, live chat, at kahit social media messages ay puwedeng makita sa isang malawakang dashboard. Isipin ninyo ang Google Workspace bilang halimbawa.
Dagdag pa sa pag-organisa ng communication, itong tools ay puwedeng mag-assign ng tickets sa iba’t ibang agents, at na-filter ang mga ito batay sa expertise ng agent para maiwasan ang agent collision. Pinahuhusay nito ang human resource management at pinadadali ang workflow. Dahil ang mabagal na pagtugon at napabayaang message ay ilan sa pinakamalalaking dahilan ng customer dissatisfaction, ang features na ito ay mahalaga sa bawat service application.
Ang reporting ay isa ring mahalagang feature ng service software, na nakatutulong i-track at i-manage ang workload at efficiency ng agents. Ang karamihan sa application service providers ay nagbibigay-halaga sa feature na ito dahil nakapagbibigay ito ng mahahalagang data para mas mapaganda pa ang customer service at agent performance.
Karamihan sa service platforms ay puwede ang integration sa third-party software sa pamamagitan ng application programming interface. Dinadagdagan nito ang service capabilities at convenience; di kailangang lumipat-lipat sa iba-ibang tabs at apps, at nilalagay ang lahat ng kinakailangang information sa iisang lugar.
Sa panahon ngayon, makahahanap kayo ng service software na may AI tools sa kanilang source code. Sa isang larangang puno ng paulit-ulit na tasks at maraming magkakaparehong requests, ang automation ay makakatipid ng mahalagang oras at resources.
Looking to improve your customer service?
Get started with LiveAgent and unify your communication tools in one dedicated help desk solution that can help you solve queries efficiently.
Lahat-lahat, ang software services ay mahalagang bahagi ng bawat service model ng kompanya, at ginagamit sila para ma-streamline at mapadali ang service processes. Kahit kayo ay isang cloud service provider o nagtitinda ng physical goods, malamang makahahanap kayo ng service software na angkop sa inyo.
Frequently Asked Questions
Ano ang definition ng service software?
Ang service software ay isang software na ginagamit para makagawa ng interaction sa pagitan ng customers at customer service. Nakadepende ang customer satisfaction sa mataas na quality ng service software. Umaalalay ito sa pagresolba ng mga problema at pag-manage ng business.
Anong features ang dapat maibigay ng bawat service software?
Kailangang matugunan ng service software ang ilang criteria. Una, kailangan intuitive ito at dapat sinisigurado ang komportableng paggamit nito. Kailangan ding siguraduhin nito ang data protection at application security. Panghuli, dapat ay may process automation ito.
Bakit kailangan ninyo ng service software?
Hinahayaan ng service software ang mataas na level ng customer service. Meron itong impact sa user satisfaction, pati na rin sa employee satisfaction.
Kapag tapos ka nang magbasa tungkol sa service software, maaari mong tuklasin kung ano ang sistema ng ticketing at paano ito makatutulong sa iyong negosyo. Ang pag-unawa sa mga frequently asked questions tungkol dito ay makatutulong sa pagpapabuti ng iyong customer service.
Isa pang magandang basahin ay ang tungkol sa suporta sa software, para sa mas malalim na pag-intindi kung paano ito makapagbibigay ng dagdag na tulong sa iyong mga customer. Huwag palampasin ang mga frequently asked questions para sa mas malinaw na pag-unawa.
Kung naghahanap ka ng mas mainam na opsyon sa helpdesk, alamin kung bakit ang LiveAgent ang pinakamahusay na alternatibo sa Desk.com. Ang kakayahan nitong mag-improve ng customer service ay talagang kahanga-hanga.
Panghuli, alamin ang tungkol sa Software as a Service (SaaS), at kung paano ito makatutulong sa inyong negosyo. Ang pag-intindi sa mga benepisyo ng SaaS ay makapagbibigay sa iyo ng kumpiyansa sa pagpili ng tamang teknolohiya para sa iyong kumpanya.
Discover the power of telemarketing software, a tool designed to streamline customer contact for your campaigns. Explore features like call center automation, CRM integration, and adjustable dial modes to enhance your outreach. Learn about the advantages and limitations of these tools and how to effectively implement them in your business strategy. Start with a pilot test to ensure a seamless integration and boost your sales team's performance. Visit our page to find out more and kickstart your telemarketing journey with confidence.