Ano ang telemarketing software?
Ito ay isang tool na magsasaayos ng telemarketing. Nagbibigay ito ng kakayahan sa inyong makakontak ng malaking bilang ng tao sa sandaling panahon lang.
Ang inyong telemarketing software solution ay nangangailangan ng isang ultra-reliable, easily-automated na calling system. Kung hindi ito maaasahan, puwedeng maubos lang ang oras ng mga sales rep sa paghingi ng tulong sa IT kaysa nakikipag-interaksiyon sila sa mga potensiyal na customer. Pangalawa, mahalagang-mahalaga ang mobile-first technology dahil kailangan ng inyong mga sales rep na magtrabaho sa kanilang bahay at bumisita ng mga customer.
Ano ang pangunahing features ng telemarketing software?
Turuan ang inyong sarili tungkol sa mga ino-offer na pangunahing features. Kung meron kayong mas malaking team na kailangang gumawa ng mas maraming telemarketing call, subukan ninyo ang call center software ng LiveAgent. Puwede na itong magamit sa loob ng 5 minuto pagka-set up ninyo at wala kayong kailangang bilhin na special hardware.
Pangunahing features sa telemarketing tools
- dialer – May iba-ibang pangalan pang tumutukoy sa feature na ito tulad ng power dialer, predictive dialers, auto dialer, at progressive dialer. Pinabibilis nito ang outbound calling process. Makaka-focus ang inyong mga sales agent sa pakikipag-interaksiyon sa mga prospective customer kaysa sa pumipindot lang sila lagi ng mga phone number.
- dialing process – Kapag sinabing magandang dialing process, ang ibig sabihin ay puwede kayong mag-load sa isang contact list at magsimulang makagawa ng mga outgoing call agad.
- adjustable dial modes – Nawawalan kayo ng mga potential sale sa bawat delay sa telemarketing sa isang outbound call center. Samakatwid, piliin ninyo ang telemarketing software solution na sumusuporta sa mga dial mode na adjustable. Ang pagkakaroon ng kakayahang ito ay paraan para mabilis na malaktawan ang mga hindi sinasagot at mga busy tone para diretso na sa kasunod sa inyong contact list.
- mga voice message – Ang mga busy signal at paglaban sa pagsagot sa mga outbound call ay laging maituturing na challenge ng lahat ng telemarketing operation. Kaya naman dapat mapadali ang pagsi-script at pag-iiwan ng mga voice message sa pamamagitan ng inyong telemarketing software solution.
- IVR – Pag-isipan ninyong gumamit ng isang interactive voice response system para mapunta ang mga customer sa inyong mga sales agent.
- voice broadcasting – Puwedeng humingi ang sales agents ninyo ng abilidad sa sabay-sabay na pagkontak ng maraming prospective customers. Para matugunan ito, pumili ng system na may voice broadcasting.
Ano ang advantages at limitations ng telemarketing software?
Walang software na matatawag na infallible, walang perpekto kahit napapalago ang inyong telemarketing business ng epektibong telemarketing software. Tingnan natin ang ilan sa mga pakinabang at limitasyon ng telemarketing software:
- customer journey – Puwedeng maging epektibo sa pagsisimula ng calls ang isang outbound telemarketing software. Kung makabenta ang sales team sa iisang call, nababagay sa inyo ang isang basic na software application. Gayunman, karamihan ng mga customer ay magkakaroon ng mas komplikadong customer journey. Halimbawa, aasa ang mga customer sa inyong industriya ng serbisyong mas personalized. Sa kasong ito, kailangan ninyong pumili ng software sa telemarketing na kayang pangasiwaan ang maraming tawag.
- mga customer interaction – Para maiwasang mawalan ng customers, kailangan makapag-integrate ng inyong software sa isang cloud-based CRM tulad ng SugarCRM, Vtiger CRM, Agile CRM, o Pipedrive. Kapag nasusundan ang lahat ng mga interaksiyon sa inyong mga customer, makakapag-reference sa mga lumang interaksiyon ang inyong mga sales agent. Ang ibang telemarketing software ay hindi nakakapag-integrate ng CRM, na ang ibig sabihin ay puwedeng magdusa ang sales team performance ninyo.
- management tools – Kailangang magbigay ng coaching sa inyong mga rep. Kakailanganin siguro ninyong sundan ang mahahalagang mga numero tulad ng contact ratio, outbound call, at inbound call. Pumili ng software na merong advanced reporting.
- video support – Baka mas bukas ang ibang mga customer ninyo sa mga video customer engagement strategy tulad ng personalized videos.
- mag-maximize ng hourly workers – Umaasa ang ilang kompanya sa mga nagtatrabaho kada oras para patakbuhin ang outbound campaigns nila.
Mga Limitasyon
Hindi masasagot ng software lang ang pagtatagumpay ng mga outbound campaign. Ang maraming non-software factors ay makakaapekto sa resulta ng inyong mga telemarketing campaign.
- sales training – Para sa pinakamagandang resulta, magbigay ng training sa telemarketing team gaya ng pag-script para sa pagkamit ng goals. Kung ito lang, ang telemarketing software ay hindi puwedeng substitute ng mga well-designed training sa mga telemarketing technique. Ang hindi mahusay na training ay nangangahulugan ding ang turnover ng empleyado ay magiging mataas.
- customer support – Ang trabaho ng outbound sales team ay titigil kung bagsak ang inyong system. Ang pagpili ng enterprise contact center ay magpapaliit sa epekto ng limitasyong ito sa pangangasiwa ng mga call.
- email marketing – Iilan sa mga telemarketing system ang may offer na mga email template at kumpletong email marketing feature. Kung nakasentro ang inyong business strategy sa direct marketing email, kailangan ng isang software platform para pangasiwaan ang mga inbound call.
- laki ng business – Merong isang mahalagang pagkakaiba ang isang kompanya na merong limang sales agent sa isang malaking organisasyon. Ang mas malalaking mga kompanyang nagpapatakbo ng mga telemarketing campaign sa buong bansa ay mangangailangan ng ibang software.
Paano mag-implement ng telemarketing software?
Ang partikular na proseso ng implementasyon ng telemarketing software ay iba-iba sa bawat kompanya. Sa halimbawang ito, ipagpalagay nating merong dalawang outbound sales team ang inyong kompanya. Magaling ang inyong mga sales executive sa pagsasara ng mga deal, pero kailangan ninyo ng mas maraming leads. Para resolbahin ang problemang ito, magdesisyon kayong maglunsad ng dedicated na marketing team.
Ang unang hakbang ninyo ay ang pag-isipan nang maigi ang buong proseso ng sales ninyo.
- contact rate – Alamin mula sa inyong mga sales agent kung tagumpay sila sa pagkontak ng mga prospect gamit ang phone.
- inbound leads– Kumpirmahin ninyo ang bilang ng mga inbound lead na pumasok sa kompanya sa nakalipas na buwan. Mga Phone Call. Mag-ipon ng impormasyon tungkol sa bilang ng mga outbound call at inbound call. Kapag nasa inyo na ang data, ikumpara ninyo ang inyong kompanya sa ibang kompanya sa industriya ng telemarketing. Halimbawa, ang average call duration ay 4 na minuto ayon sa data na ni-report ng Finances Online. Ibig sabihin ,ang inyong mga empleyado ay nakagagawa ng 10 hanggang 15 conversations kada oras.
- powerful sales tools – Gumawa ng listahan ng ibang mga sales tool na available sa telemarketing team. Magsimula sa mga technology tulad ng customer relationship management (CRM), mga mobile phone, at ang inyong cloud phone system. Dagdag pa rito, pag-isipan ninyo kung paano magiging kapaki-pakinabang ang mga technique ng mga empleyado sa inyong business. Halimbawa puwede ninyong tukuyin ang pinakamahusay na email signature at hikayatin ang ibang empleyado na mag-update ng kanilang signature.
Mag-launch ng pilot project kasama ang telemarketing team
Kapag nakapili na kayo ng telemarketing software, pag-isipan din ninyong gumamit ng isang trial version. Narito ang ilang features na aabangan ninyo.
- phone dialer -Tanungin ang inyong sales team kung epektibo ang phone dialer.
- phone hardware – Tanungin ninyo ang mga empleyado tungkol sa phone hardware. Abangan ninyo ang mga system na nagreresulta sa awkward pause. Ang mga delay at mga long pause ay nakaka-discourage ng mga customer.
- daily sales workflow – Mahalagang mag-focus sa outbound dialing at magkaroon ng maraming conversations sa inyong mga customer sa pamamagitan ng cold calling. Halimbawa, kailangang mapadali ng software ang trabaho kung umaasa kayo sa mga empleyadong makagawa ng 100 cold call kada araw.
- suporta para sa mga outbound call campaign – Kailangang masundan ng software ang malaking bilang ng mga simultaneous call. Kapag nasisira ito sa maraming mga call, baka oras nang palitan ninyo ito ng ibang sistema.
Set up your call center in 5 minutes
LiveAgent's call center software solution allows your agents to deal with all customer support calls effectively. Curious about all the opportunities?
Frequently Asked Questions
Ano ang telemarketing software?
Pinahuhusay ng telemarketing software ang mga pagsisikap ninyo sa telemarketing. Sa halip na mga method na napaglumaan, puwedeng gamitin ng inyong sales rep ang telemarketing software para gumawa ng mas mataas na bilang ng mga call at pagtuunan ng mas malaking atensiyon ang pangangailangan ng inyong mga customer. Ang paggamit ng maaasahang telemarketing software ang mag-aalis ng pasanin ng inyong mga sales representative.
Ano ang pangunahing features ng telemarketing software?
Ang mga pangunahing feature ng telemarketing software ay tututok sa inyong mga phone call. Halimbawa, humanap ng isang dialer na nagda-dial ng mga phone number nang mabilis para puwede ninyong ma-boost ang inyong contact rate sa kalaunan. Ang ibang mga mahahalagang feature ay kalakip ang advance reporting at isang intuitive na interface na magpapababa ng turnover ng empleyado.
Ano ang strengths at limitations ng telemarketing software?
Ang katatagan ng telemarketing software ay nakasalalay sa pag-boost nito ng bilang ng mga call kada oras. Ang ibig sabihin, may kakayahan kayong magpatakbo ng mga nationwide na telemarketing campaign sa mas kakaunting mga empleyado kada oras. Bukod dito, ang mga reporting feature ay magpapadali sa manager para masundan ang bilang ng mga outbound at inbound call. Ang mga limitasyon ng telemarketing software ay may ilang puntos. Kung software lang, hindi nito kayang magbigay ng customized training sa telemarketing techniques. Dagdag pa, hindi laging posible ang pag-integrate nang maayos sa ibang tools (halimbawa, mga email marketing tool) ng telemarketing software.
Paano mag-implement ng telemarketing software?
Ang pinakamagandang paraan para makapag-implement ng telemarketing software ay magsimula sa isang maliit na pilot test. Pagkatapos ninyong patakbuhin ang test ng ilang linggo, kumuha kayo ng feedback. Magtanong sa inyong sales team tungkol sa epekto nito sa kanilang daily sales workflow. Kung merong improvement sa contact ratio, baka nakuha na nga ninyo ang tamang telemarketing software na para sa inyo.
Kung interesado ka sa mas malalim na pag-unawa tungkol sa telemarketing software, maaari mong basahin ang mga pangunahing features na makakatulong sa iyong negosyo. Alamin din ang mga advantages at limitations nito para makapaghanda sa mga posibleng challenges.
Para sa mga naghahanap ng solusyon sa call center, basahin ang tungkol sa call center software. Dito, matutunan mo ang mga benepisyo at features na dapat i-consider sa pagpili ng tamang software.
Kung nais mong malaman ang tungkol sa VoIP software, maaari mong tuklasin kung paano ito gumagana at ang mga benepisyo nito kumpara sa mga tradisyonal na telepono. Matutunan din ang mga bagay na dapat ikonsidera kapag naghahanap ng bagong VoIP software.
Gawin itong mangyari gamit ang software sa pakikipag-ugnayan ng customer.
Pinapabuti ng LiveAgent ang kasiyahan ng kustomer gamit ang multi-channel na software sa pakikipag-ugnayang kustomer. Tingnan ang mga benepisyo ng LiveAgent at makita sa sarili mo.