Interesado ba kayo sa VoIP at kung paano ito makapagbibigay ng abilidad para gumawa ng abot-kayang mga tawag? Ituloy ang pagbabasa para malaman kung paano gumagana ang VoIP.
Ano ang VoIP?
Ang VoIP ay abbreviation ng voice over Internet protocol. Kinokonekta kayo ng isang traditional telephone system sa ibang taong gumagamit ng network ng mga copper wire at ibang mga sistema. Sa pagkukumpara, ang VoIP calls ay ipinadadala sa pamamagitan ng Internet. Ang bawat parte ng pag-uusap ay pinadadala bilang packet ng data sa kausap ninyo at pagkatapos ay iko-convert pabalik sa tunog.
Ang VoIP calls ay ginagamit ng milyon-milyong katao araw-araw. Kung nakapagtrabaho na kayo sa isang modernong gusali ng opisina, may malaking pagkakataong nakagawa at nakatanggap na kayo ng VoIP calls gamit ang sistemang ito.
Ngayon, tingnan nating mabuti kung paano gumagana ang VoIP systems para panatilihin kayong konektado.
Paano gumagana ang VoIP?
Para makagawa at makatanggap ng calls sa pamamagitan ng VoIP technology, hindi ninyo kailangang malaman kung paano gumagana ang sistema nang detalyado. Gayunman, ang mataas na level ng pang-unawa ng mechanics ng VoIP service ay makatutulong.
Para ilarawan kung paano gumagana ang VoIP technology, ipagpalagay nating meron kayong VoIP solution ngayon at tinawagan kayo ng matalik ninyong kaibigan. Ang sumusunod na hakbang ay magpapaliwanag kung paano gumagana ang call.
- Magda-dial ang kaibigan ninyo ng phone number. Ang call na ito ay magkokonekta sa VoIP service ninyo provider at sa IP network nila.
- Ipadadala ng VoIP service provider ang call sa inyong VoIP phone gamit ang Internet connection.
- Maririnig ninyo ang tunog ng incoming call at sasagutin ninyo ang phone. Sa sandaling magsabi ng “Hello” ang kaibigan ninyo, magsalita na rin kayo.
- Habang umuusad ang tawag, bawat tunog ng pag-uusap ninyo ay ipinadadala nang pabalik-balik sa pamamagitan ng IP network. Ang VoIP technology ay madalas nagpapadala ng digital information at iko-convert ito pabalik sa audio habang nagpapatuloy ang call.
Paano mag-optimize ng Internet connection para sa VoIP?
Ang high-speed Internet connection ay mahalaga para makagawa ng VoIP calls. Meron lang isang challenge: kapag meron kayong maraming gadget sa bahay at opisina na sabay-sabay nakakonekta sa broadband Internet connection. Kapag napakaraming nakakabit sa broadband Internet connection, magkakaroon ng masamang epekto ito sa inyong VoIP connection.
Para hindi mabigo, gamitin ang sumusunod na tips para ma-optimize ang inyong Internet connection.
- Distansiya sa wireless router. Ang computer o mobile device ay malamang na nakakonekta sa Internet sa pamamagitan ng wi-fi. Makakukuha kayo ng mas mabilis na connection kung lalapit kayo sa router kapag may calls.
- Patayin ang ibang gadget at program na gumagamit ng Internet connection. Bago mag-VoIP call, patayin ang apps na naka-stream ng audio at video (halimbawa, video streaming services gaya ng Netflix at Internet-connected na video games). Kapag na-disconnect ang ibang gadget at services, malamang na magkaroon ng mas magandang quality ang VoIP call.
- Kung hindi nakatulong ang tips na ito para ma-optimize ang broadband Internet connection ninyo, ang pagtawag sa inyong Internet service provider (ISP) ang mabuting susunod na hakbang. Baka meron silang karagdagang suhestiyong teknikal kung paano mapabibilis ang inyong Internet connection.
Ano ang pros at cons ng VoIP?
Gaya ng anumang technology, may pros at cons sa paggamit ng VoIP. Kaya bago magpalit sa isang business VoIP provider at ikansela ang inyong traditional phone systems, maglaan ng ilang minuto para maintindihan ang pros at cons.
Advantages ng VoIP
Mas tipid sa gastos kumpara sa traditional na phone lines. At saka ang VoIP service providers ay madalas nagbibigay ng mas malaking flexibility (halimbawa, makagagawa kayo ng VoIP calls gamit ang PC, smartphone, o tablet). Ang isa pang advantage ng VoIP kumpara sa analog ay bilis. Kaya ninyong i-set up ang VoIP phone systems sa loob ng ilang minuto o oras habang puwedeng mas matagal pa ang pag-sign up para sa analog phone o cellphone.
Disadvantages ng VoIP
Dapat ay meron kayong gumaganang broadband connection para magamit ang VoIP. Ang isa pang potential na downside ay ang oras na kailangan para magamit nang lubos ang VoIP kung kayo ay sanay nang mag-calls gamit ang tradisyonal na phone lines. At saka ang pagkawala ng kuryente ay puwedeng magdulot ng challenge para ma-access ang VoIP na gumagamit ng PC, pero puwede pa ring gumamit ng mobile app.
Ang tradisyonal na phone systems ay meron ding pros at cons na dapat ikonsidera. Ang pangunahing advantage ng tradisyonal na phone systems ay gumagana pa rin ang mga ito kahit walang kuryente. Isa pa, ang analog phone ay hindi kailangan ng Internet connection para gumawa ng calls. Sa kabilang dako, ang downside sa paggawa ng telephone calls sa analog phone ay ang mas mataas na gastos at kakulangan ng flexibility.
Ano ang pinagkaiba ng VoIP at unified communications?
Bago gumawa ng pagbabago sa inyong network infrastructure at bumili ng IP phone para sa bawat empleyado, puwede ninyong ikonsidera kung mas pipiliin ninyo ang unified communication. May mga mahalagang pagkakaiba na dapat isaisip.
- Business communications focus. Ipinagsasama ng unified communications system ang maraming kakayahan tulad ng video conferencing, audio conferencing, ang mobile app, at business phone service. Sa kabilang dako, ang VoIP phone ay magagamit ng isang indibidwal o business.
- Pagkakaiba sa presyo. Ang pag-unawa sa business communications tools ninyo ay mahalaga. Sa karamihan ng mga kaso, ang isang business VoIP provider ay malamang na mas mura kaysa sa unified communications, lalo na kung ang kailangan lang ninyo ay ang paggawa ng calls.
- Professional na serbisyo. Dahil sa pagiging komplikado at pagkakaroon ng maraming pagpipilian na kasangkot sa unified communications, baka kailangan ninyong magbayad ng professional na serbisyo (halimbawa, mga consultant) para mag-set up ng system. Sa kabilang dako, ang VoIP implementations ay puwedeng mas deretsahan na.
Paano ninyo pipiliin ang pinakamagaling na VoIP provider?
Bilang isang may-ari ng business, ang ilang desisyon sa pagbili ay mas binibigyang halaga kaysa sa iba. Kapag pumipili ng VoIP service provider, tandaan na gagamitin ang sistema araw-araw. Kaya makabuluhang gamitin ang oras para ikumpara ang iba’t ibang VoIP providers bago magdesisyon. Para gawing simple ang proseso, umpisahang gamitin ang sumusunod na criteria sa pagpili.
- Reputasyon ng VoIP service provider – Humingi ng suhestiyon sa mga kaibigan at colleagues kung ano ang ginagamit nilang VoIP service provider. At saka magbasa ng online reviews na nagbibigay ng pros at cons ng iba-ibang providers (halimbawa, voice quality) para makagawa ng shortlist.
- international calling – Iba-iba ang diskarte ng VoIP vendors sa international calling. May ibang nagbibigay ng unli international calling sa ilang bansa, habang ang iba ay nag-offer ng international calling sa dose-dosenang lokasyon.
- mga kapasidad sa seguridad – Kapag kinausap kayo ng customers, posibleng magbahagi sila ng kumpidensiyal na impormasyon gaya ng detalye ng pagbabayad (halimbawa, numero ng credit card). Isang rason ito kung bakit ang seguridad ay isang kritikal na feature kapag pumili ng VoIP service provider.
- service quality – Kayo ba ay nakaranas nang maputulan ng connection habang nasa importanteng call? Sobrang frustrating ito. Pagdating sa service quality, bigyang-pansin ang audio quality na ino-offer ng VoIP service provider. At saka suriin ang uri ng customer support (halimbawa, email, phone, o chat) na ino-offer nila.
- cost – Huwag mag-assume na ang bawat monthly plan ay magkakapareho. Ang ilan ay puwedeng may kasamang karagdagang features gaya ng video calls, SMS, at ang abilidad na kumonekta sa customer relationship management (CRM) system ninyo.
Maglista ng pangunahing features (halimbawa, dapat kasama ang international long-distance at voice mail) bago tingnan ang presyo.
Choose the right VoIP provider
LiveAgent offers plenty of integrations with various VoIP providers so you can pick the right one for you. Curious about all the opportunities?
Frequently Asked Questions
Ano ang VoIP?
Ang VoIP ay acronym para sa voice over Internet protocol. Ito ay paraan para gumawa ng phone calls gamit ang Internet sa halip na sa telephone company.
Paano ito gumagana?
Ang Voice over IP ay gumagana sa pagkonekta ng desk phone sa Internet at pag-transmit ng inyong pag-uusap sa IP network. Sa huli, kahit na desk phone o cell phone ang gamit ninyo, hahayaan kayo ng VoIP na gumawa ng calls kahit na kanino.
Paano mag-optimize ng Internet connection para sa VoIP?
Para mapabuti ang quality of service ng VoIP calls, kailangang siguraduhing ang data-intensive services (halimbawa, video streaming) ay hindi gumagamit ng broadband connection kasabay ng calls. Kung nakararanas kayo ng hirap sa connection, subukang lumapit sa network router. Kung hindi pa rin gumagana ang tips na sinubukan, humingi ng dagdag na payo mula sa inyong Internet service provider.
Ano ang advantages at disadvantages ng VoIP?
Ang advantages ng VoIP ay ang abot-kaya at murang phone services at flexibility. Ang disadvantages ng VoIP ay paminsan-minsang problema sa voice quality at pangangailangan ng pagkakaroon ng quality broadband connection.
Ano ang pinagkaiba ng VoIP at unified communications?
Ang VoIP ay isang teknolohiyang ginagamit para makagawa ng phone calls gamit ang Internet sa halip na gumamit ng cellular service o traditional phone. Sa kabilang dako, ang unified communication ay isang suite ng business tools sa komunikasyon na kasama ang fax machine, email, phone calls, video conferencing, at iba pa.
Paano ninyo pipiliin ang pinakamagaling na VoIP provider?
Mag-umpisa sa pagtukoy kung ano ang mahalaga sa inyo. Halimbawa, kung kailangan ninyo ng murang international calling, magpokus sa VoIP providers na may offer ng feature na ito. Sa karamihan ng mga kaso, ang perpektong solusyon ay may offer ng pagtitipid sa gastos, mataas na quality ng serbisyo, customer support, at mahusay na reputasyon ng provider.
Kung interesado ka pang malaman ang tungkol sa VoIP, maaari mong basahin ang paano gumagana ang VoIP, kung saan malalaman mo ang mga pangunahing prinsipyo kung paano ito nag-ooperate. Kung gusto mo namang pag-aralan ang mga iba't ibang uri ng serbisyo, basahin ang tungkol sa VoIP phone service para sa karagdagang impormasyon ukol sa mga benepisyo ng serbisyong ito.
Para sa mas malalim na pag-unawa sa software na ginagamit sa VoIP, tingnan ang VoIP software. Kung ikaw ay laging on-the-go, may mga artikulo rin tungkol sa mobile VoIP na maaaring makatulong sa iyo upang manatiling konektado kahit saan ka man naroroon.
Kung ikaw ay nag-iisip na pumili ng tamang provider para sa iyong VoIP needs, basahin ang tungkol sa VoIP service provider. Malalaman mo dito kung paano pumili ng provider na akma sa iyong mga pangangailangan.
Alamin kung paano mapapabuti ang kalidad ng VoIP calls gamit ang Quality of Service (QoS) technology. Tinutulungan ng QoS na bawasan ang jitter at i-optimize ang bandwidth para maiwasan ang network congestion at mapanatili ang mataas na kalidad ng voice calls. Tuklasin ang mga hakbang sa pag-setup at alamin kung paano ito makakatulong sa inyong negosyo.
Tuklasin ang kahalagahan ng VoIP calling sa inyong negosyo. Alamin kung paano ito nagbibigay ng mas murang, flexible, at secure na paraan ng pagtawag gamit ang internet, at kung bakit ito ang pinakamahusay na opsyon para sa mga conference call. Simulan ang paggamit ng VoIP nang libre at walang obligasyon.
Isama ang VoIPstudio sa LiveAgent nang walang karagdagang bayad! Gamit ang VoIPstudio, makakakuha ka ng award-winning na serbisyong VoIP na perpekto para sa maliit at katamtamang negosyo. Pamahalaan ang mga tawag, ticket, at chat mula sa isang solusyon. Simulan ang iyong libreng account ngayon at gawing madali ang call center management!