Ano ang VoIP calling?
Ang VoIP (Voice over Internet Protocol) calling ay tumutukoy sa paggawa ng phone calls sa pamamagitan ng internet connection. Ito ay mas kapaki-pakinabang kaysa sa tradisyonal na phone systems dahil hindi ito nangangailangan ng hardware installation. Dagdag pa, tinitiyak ng VoIP ang mobility at flexibility, ang pag-encrypt ng inyong communications, at may offer na unli calling na ang gastos ay mas maliit kaysa sa mga tradisyonal na phone line.
Ang cloud VoIP providers ay may offer na mas maraming posibilidad lang na makagawa at makatanggap ng VoIP calls. Puwede ninyong i-record ang mga ito, paganahin ang call waiting at forwarding, i-customize ang inyong caller IDs, at gamitin ang inyong VoIP dialer para magpadala ng voicemails sa emails. Isinasama pa nga ng maraming hosted VoIP services ang messaging network para sa group chats at instant messages.
Paano gumagana ang VoIP call?
Kino-convert ng VoIP technology ang analog signals sa digital audio signals. Tina-transfer nito ang data packets sa pamamagitan ng internet, na nakatutulong sa inyong kumonekta sa anumang destination gadget tulad ng regular ninyong ginagawa, wala nga lang phone company.
Narito kung paano ito gumagana:
- Tuwing ginagamit ninyo ang inyong VoIP dialer, nagno-notify ang system sa inyong hosted VoIP provider na siyang tumatanggap ng impormasyon tungkol sa tao o kompanyang gusto ninyong tawagan.
- Tatawag ang provider at ipadadala ang data packets sa destination gadget mula sa inyong phone.
- Magpapadala naman ng data packets ang system sa inyong phone, at ginagawang digital audio signal ang mga ito.
- Niruruta ng inyong VoIP provider ang incoming calls sa parehong paraan, at ang inyong incoming call interface ay nagpapakita ng caller ID.
Puwede rin ninyong gamitin ang Voice over Internet Protocol sa kahit na anong gadget at traditional na phone. Ang huli ay nangangailangan ng connection trunk networks na nakatutulong sa standard phone equipment na gumagana sa pamamagitan ng VoIP protocol.
Anuman ang gadget, magbibigay ang inyong provider ng device token para sa authentication, na nangangailangan ng regular na updates.
Bakit dapat gumamit ng VoIP para sa mga conference call?
Sa cloud VoIP service, puwede kayong makagawa at makatanggap ng phone calls anumang oras at kahit saan. Ibig sabihin, wala kayong makaliligtaang conference call kahit wala kayo sa office. Hindi iyon ang kaso kung kayo ay aasa sa on-site na enterprise networks. Kung naka-work from home kayo, VoIP ang dapat piliin.
Kahit ano pang uri ng network at internet connection (DSL, cable, o fiber) ang ginagamit ninyo, makagagawa at makatatanggap kayo ng mga tawag na magaganda ang daloy. Makakatipid din kayo sa phone bills, na napakahalaga kung kasama sa inyong business ang maraming international calling dahil ang mga international calling plan sa VoIP ay sulit sa presyo.
May offer na encryption at call recording ang VoIP, kaya lahat ng inyong communication ay magiging secure, at ise-save para maging reference sa ibang pagkakataon.
Magagamit rin ninyo ang inyong Ethernet interface para maikonekta ang inyong mobile phone sa inyong kasalukuyang software para sa VoIP communication. Hinahayaan kayo nitong makasali sa conference calls habang nasa labas gamit ang isang mobile app o sa bahay gamit ang desktop software. Puwede ninyong pakinabangan ang messaging network ng system ng VoIP para makapagpadala ng voicemails at instant messages.
Puwedeng matuklasan ang bagong features na ilalabas ng software sa hinaharap, pero sapat na ito para sa streamlined na business communication.
Ano ang kailangan para makagawa ng VoIP calls?
Para makapagsimula sa paggamit ng VoIP, kakailanganin ninyo ang sumusunod:
- Isang stable na broadband internet connection — Hindi importante kung anong network ang gamit ninyo basta’t may offer itong high-speed connection.
- Isang VoIP o IP phone — Ang VoIP dialer ay merong lahat ng features ng isang regular na landline phone, pero kumokonekta ito sa internet gamit ang Ethernet cables o Wi-Fi.
- VoIP software para sa desktop o mobile gadgets — Kailangan ninyo ang solution na ito para magamit ang hosted VoIP services sa inyong desktop, laptop, tablet, o cellphone. Magbibigay ang VoIP service provider ninyo ng access sa isang dedicated na mobile phone app para magamit ninyo ang inyong business phone number sa halip na personal ninyong number. Kakailanganin din ninyo ng headset o isang quality microphone na may speakers para maikonekta ang inyong gadget sa VoIP phone service.
- Isang VoIP adapter — Kailangan ninyo ng ATA (Analog Telephone Adapter) kung gusto ninyong ituloy ang paggamit ng inyong analog phone. Ginagawa ng ATAs ang analog phones na maging VoIP-enabled na gadget, pero hindi nila napapagana ang iba pang features tulad ng recordings o conference calls. Puwedeng gumana ang traditional phones tulad ng IP phones kung ang tanging gagawin ay makagawa ng calls gamit ang internet.
Paano malalaman kung meron kaming VoIP phone call?
Hindi ninyo malalaman. Makatatanggap kayo ng mga tawag tulad ng dati kahit gamit ninyo ang isang VoIP phone o isang ATA man. Kung isang desktop o mobile app mula sa inyong cloud VoIP provider ang inyong ginagamit, matatanggap ninyo ang lahat ng incoming calls na pumapasok sa app.
Iba-iba man ang VoIP implementations, maii-streamline ninyo ang lahat ng outgoing at incoming calls at mas mapabababa pa ang inyong phone bills.
Libre ba ang VoIP calls?
Maraming providers ang may offer na libreng VoIP services; ang ilan pa ay may offer na libreng international calling plans para sa ilang partikular na bansa. Gayunman, kadalasan, hindi nila sinasama ang advanced features tulad ng call waiting at recording, IVR (Interactive Voice Response) o auto attendants, messaging, voicemail-to-email capabilities, at integration sa mga third-party solution tulad ng live chat software.
Kasama ang mga ito at marami pang ibang features sa paid VoIP, na karaniwang makukuha sa di mamahaling mga presyo. Dagdag pa, puwede ninyo silang isama sa marami pang solution, kasama ang help desk software tulad ng LiveAgent para ma-streamline ang customer service.
Bukod dito, ang may bayad na VoIP solutions ay may offer na mas maaasahan, may seguridad, mas maayos na performance, at sinisigurado ang mas mababang latency dahil karaniwan silang may nangungunang networks at mas maraming bandwidth. Mahahalagang factors ito sa pagpili ng isang VoIP provider.
Ayon sa Spearline, Cisco, at marami pang ibang industry experts, ang katanggap-tanggap na one-way latency para sa VoIP telephone calls ay 20 ms. Ang network delay na 150 ms ay katanggap-tanggap pa rin basta hindi halos mahahalata ang pagkakaiba. Anuman ang higit doon ay puwedeng maging makabuluhang kabawasan sa call quality.
Kung meron kaming VoIP service, sino ang puwede naming tawagan?
Depende sa inyong provider, puwede ninyong tawagan ang kahit sino, nasaan man sila naroroon, o isa pang VoIP user kung gumagamit sila ng parehong serbisyo. Kung ang napili ninyong serbisyo ay hind naglilimita sa inyo sa users nito, puwede kayong gumawa ng local, long-distance, at international calls.
Ready to choose your VoiP provider?
LiveAgent offers integrations with various providers, so you can choose the right one for you.
Frequently Asked Questions
Ano ang VoIP calling?
Ang VoIP calling ay tumutukoy sa paglulunsad ng audio calls sa pamamagitan ng internet, kaya naba-bypass nito ang mga telephone company.
Paano gumagana ang VoIP call?
Kino-convert ng VoIP ang analog audio signals sa digital, para i-transfer ang data packets sa pamamagitan ng internet at nahahayaan ang users na makagawa at makatanggap ng mga tawag kahit walang phone company.
Bakit dapat gumamit ng VoIP para sa mga conference call?
Hinayaan kayo ng VoIP na makagawa, makatanggap, at mag-record ng encrypted na conference calls – ideyal ito kung kayo ay naka-work from home o kung ayaw ninyong may makaligtaang tawag kapag wala kayo sa office. Kahit gumagamit kayo ng personal na telephone, hinahayaan kayo ng VoIP na gamitin ang inyong business number. Ito ay isang perpektong pagpipilian kung gusto rin ninyong gumawa ng libre o abot-kayang international calls.
Ano ang kailangan para makagawa ng VoIP calls?
Kailangan ninyo ng internet service na may high-speed connection at isang VoIP phone, habang ang VoIP software ay kailangan sa paggamit ng VoIP service sa desktop o mobile gadgets. Kung gusto ninyong patuloy na gumamit ng analog phone, kakailanganin ninyo ng VoIP adapter.
Paano malalaman kung meron kaming VoIP phone call?
Hindi ninyo kailangan. Ang inyong VoIP phone o isang regular lang na may ATA ay magri-ring para sa lahat ng incoming calls. Kung gagamit kayo ng desktop o mobile VoIP app, makatatanggap kayo ng mga tawag sa pamamagitan ng kani-kanilang app/s.
Libre ba ang VoIP calls?
Depende ito sa provider. Ang ilang ay may offer na mga libreng tawag kasama ang international calls sa ilang partikular na bansa, pero karaniwan silang walang advanced features. Ang mga serbisyong may bayad ay nagbibigay ng maraming features na kapaki-pakinabang sa mga business, kasama ang mas mahusay na performance at security.
Kung meron kaming VoIP service, sino ang puwede naming tawagan?
Depende ito sa inyong napiling serbisyo. Ang ilang providers ay maglilimita sa inyo sa kanilang users lang habang ang iba ay hinahayaan kayong gumawa ng local, long-distance, at international calls kahit kanino.
Kung interesado ka sa iba pang aspeto ng VoIP, maaari mong basahin kung paano gumagana ang VoIP para malaman kung paano ito naiiba sa tradisyunal na telepono. Ang pag-unawa sa mga pangunahing kagamitan na kailangan para sa VoIP ay makakatulong upang masulit ang serbisyong ito.
Para sa mga naghahanap ng iba pang VoIP solutions, alamin kung ano ang VoIP software at kung paano ito makakatulong sa pagpapabuti ng iyong business communications. May mga tips din kung paano ito sulitin para sa maximum na benepisyo.
Kung ikaw ay laging on the go, maaaring angkop para sa iyo ang mobile VoIP. Tuklasin mo kung paano gumagana ang teknolohiyang ito at ang mga features na maaari mong magamit mula sa iyong mobile device.
Alamin kung paano ang VoIP ay nagbibigay-daan sa abot-kayang tawag at mas malaking flexibility para sa iyong negosyo. Tuklasin ang mga pros at cons, at alamin kung paano pumili ng tamang VoIP provider. Mag-subscribe para sa demo at newsletter ng LiveAgent upang mas palawakin ang iyong kaalaman sa VoIP.
Alamin kung paano makakatulong ang VoIP numbers sa iyong negosyo sa pamamagitan ng mas murang calls at mas mahusay na customer service gamit ang internet connection. Tuklasin ang pagkakaiba ng fixed at non-fixed VoIP numbers at kung paano makakakuha ng VoIP number. Pasimplehin ang iyong communication strategy at bawasan ang gastos sa pagtawag ngayon. Subukan ang LiveAgent para sa mabilis na VoIP setup at pagbutihin ang iyong customer interactions.