Sa kasamaang-palad, palaging may mga pampagulong tawag. At dahil nakaaapekto sila sa inyong workflow at nakababawas ng productivity, ang pinakamabisang paraan para bawasan ito ay ang i-block sila. Applicable ito sa mga regular na istorbong tawag. Sakaling makatanggap kayo ng mga tawag na may kasamang pagbabanta o pangha-harass, dapat ninyong i-report ito sa kinauukulan.
Puwede bang i-block ang mga VoIP call?
Ang maikling sagot sa tanong ay – puwedeng i-block ang VoIP calls sa pamamagitan ng ilang simpleng hakbang, sa software man na naka-install sa station ng agent at sa mobile gadget. Ang praktis na ito ay napatunayang mahusay para maagapan ang mga agent bago sila tumawag sa consumer nang walang pahintulot dahil puwedeng idagdag lang ang number sa reject list at umasa sa Do-Not-Call List laws sa inyong estado o bansa.
Ano ang mga dahilan para mag-block ng VoIP calls?
Maraming dahilan para mag-block ng VoIP calls. Kung kayo man ay napapaisip kung dapat ninyong i-block ang partikular na caller o hindi, makatutulong sa paggawa ng tamang desisyong ang pag-alam sa mga tamang dahilan para i-block ang tawag. Kinokonsidera ng maraming tao ang ganitong uri ng tawag bilang istorbong tawag. Ang ganitong nuisance calls ay tinatawag ding unwanted calls at unsolicited calls.
Gayunman, sinasakop ng malawak na kategoryang ito ang iba’t ibang uri ng mga tawag. Umpisahan natin sa mga ilegal na tawag, halimbawa. Mula ito sa mga ilegal na call center. Hindi lang kinukuha ng mga tawag na ito ang malaking bahagi ng inyong productivity pero puwede ring maloko kayo ng isang scam. Puwedeng mahawa ng mga virus ang inyong mga computer, at baka mag-leak ang sensitibo ninyong business data.
Hindi gaanong nakapipinsala pero ubos-oras ang mga telemarketing call. Ang pag-block sa mga VoIP call na ito ay makatutulong sa pagpapatakbo ninyo ng isang productive na operation. Puwede rin ninyong gawin ito sa mga spam caller na nakakainis at makulit.
Paano mag-block ng unwanted calls sa VoIP
Kapag gumagamit kayo ng VoIP, may kumpletong kontrol kayo sa mga incoming na VoIP call. Dahil may ino-offer na kakaibang mga serbisyo ang bawat VoIP provider, imposibleng makapagbigay sa inyo ng step-by-step guide. Ang susunod na pinakamabuting gawin ay magbigay sa inyo ng general information.
Scam calls man o anonymous call ang gusto ninyong i-block, pareho lang ang proseso. Maraming iba-ibang call-blocking service ang makikita ninyo. Ang mga serbisyong ito ay makatutulong sa inyong i-automate ang pag-block sa mga unwanted call. Dadaanan ng automated script ang listahan ng lahat ng kilalang numbers na ginagamit sa mga unwanted call, kasama ang scams at telemarketing.
Ang script ay isang walang kahirap-hirap na paraan para makapag-block ng VoIP calls. Gumagana ito nang real-time at depende sa ginagamit ninyong serbisyo, puwede kayong pumili kung iba-block ninyo sila nang buong-buo o magpapadala sa kanila ng voicemail.
Puwede rin kayong mag-block ng unwanted calls nang manual. Nagkakaiba-iba ang proseso sa bawat provider pero sa pangkalahatan, iisang method ang sinusundan nito. Kailangan ninyong i-save ang number na gusto ninyong i-block mula sa “Received Calls” list sa inyong phone directory.
Kapag natapos na ninyong gawin iyon, i-acces ang inyong phone directory at i-delete ang “First Name” at “Last Name” entries para phone number lang ang maiiwan. Hanapin ang reject option at i-enable ito para sa contact. I-save ang inyong phone directory, at mula sa puntong iyon, hindi na magri-ring ang inyong phone kapag may tumawag gamit ang number na iyon.
Paano mag-set up ng app para mag-filter at mag-detect ng spam calls
Ang pag-block ng VoIP call ay hindi naman kailangang maging nakatatakot na gawain. Gamit ang tamang uri ng tool at kung gugustuhin ninyo, puwede ninyong patahimikin ang unknown callers tulad ng third-party analytics companies na patuloy na sinusubukang makakuha ng mas maraming data.
Kapag pumipili ng app, kailangang makita kung meron itong feature para mag-filter at mag-detect ng spam calls. Praktikal ang ganitong apps at gumagana ang mga ito nang auto-pilot. Halimbawa, puwedeng awtomatikong i-block ng app ang mga unwanted caller sa pamamagitan ng pagtingin sa blacklist ng lahat ng kilalang scammers.
Sa anumang kaso, kung may auto-reject list option at pinagana ninyo ito, bahala na ang app dito at babawasan na ang problemang maabala kayo ng unwanted call.
May option kayong mag-set up ng filters nang manual. Kapag ginamit ninyo ang filter, laging titingnan ng app ang caller ID na idadaan sa filter. Kapag tumugma ang caller ID na nasa filter, hindi makapapasok ang tawag. Para sa ibang callers, walang nagbago – makatatanggap pa rin kayo ng tawag mula sa kanila nang walang isyu.
Parami nang parami ang apps na may ganitong functionality dahil dumarami ang bilang ng telemarketers at umaabuso sa bulk calls. Sa paggamit ng block filters at automatic blocking, makakatipid kayo ng maraming oras at makapagtatrabaho nang tuloy-tuloy.
Paano ihihinto ang pag-block ng VoIP calls
Kung may ilang VoIP calls kayong na-block noon at ngayon ay gusto ninyong tanggapin silang muli, may paraan para i-unblock sila. Pareho rin ng gagawin sa mga di inaasahang sitwasyon kung saan aksidente kayong may na-block. May kailangan kayong tingnang dalawang bagay para makatiyak na napahinto na ninyong ang pagba-block ng VoIP calls.
Una, tingnan ang phone ninyo. Pumunta sa inyong phone directory at puntahan ang entries na walang First Name at Last Name. Tingnan kung naka-enable ang reject o block option. I-disable ito, at makatatanggap na ulit kayo ng tawag mula sa mga number na ito.
Kung gumagamit kayo ng app, kailangan rin ninyong tingnan ito. May dalawang bagay na dapat tingnan sa app. Una, kailangan ninyong tingnan kung may ginawa kayong kahit na anong filters. Kung may filters para mag-block ng VoIP calls, siguraduhing i-disable o i-delete ang mga ito. Pangalawa, tingnan kung pinagana ninyo ang auto-rejecting option at patayin ito. Kung nagawa na ninyo ang lahat ng nasa itaas, hindi na maba-block ang VoIP calls.
Set up your VoIP system in few minutes with LiveAgent.
Curious about VoIP and how it can give you the ability to make affordable calls?
Frequently Asked Questions
Puwede bang i-block ang mga VoIP call?
Oo, puwedeng ma-block ang VoIP calls. Nagdesisyon man kayong gamitin ang settings ng gadget ninyo o gumamit ng app para i-automate ang call blocking at mag-set up ng mga partikular na filter, magagawa ninyong mag-block ng VoIP calls.
Paano mag-block ang unwanted calls sa VoIP?
May ilang mga paraan para makapag-block ng mga unwanted call sa VoIP. Puwede kayong makipag-ugnayan sa inyong provider para ayusin ito para sa inyo. O puwede ninyong gawin ito nang manual sa pamamagitan ng inyong VoIP gadget setting o ng isang app.
Paano i-set up ang app para makapag-filter at maka-detect ng spam calls?
Puwede kayong mag-set up ng app para mag-filter at mag-detect ng spam calls sa pamamagitan ng pagpapagana ng automatic spam call block feature. Awtomatikong ire-reject ng app ang mga tawag kung makikita nitong nasa blocklist ito. Puwede rin kayong gumawa ng sarili ninyong filter para sabihin sa app kung ano ang eksaktong spam call ang iba-block.
Paano mahihinto ang pagba-block ng VoIP calls?
Kung hindi kayo nakatatanggap ng ilang VoIP calls, malamang na na-block ninyo sila. Siguraduhing tingnan ang inyong phone directory para makitang na-block ninyo nang manual ang ilang numbers. Dapat rin ninyong tingnan ang app para i-disable ang anumang filters at auto-block options. Kung may problema pa rin kayo, huwag mag-atubiling makipag-ugnayan sa suporta ng inyong VoIP provider.
Habang natutunan mo na ang tungkol sa VoIP call blocking, magandang basahin din ang tungkol sa VoIP caller. Makikita mo kung paano i-block ang unwanted VoIP calls at ang mga benepisyo ng pagkakaroon ng VoIP caller ID. Isa pang kaugnay na paksa ay ang VoIP service provider. Alamin kung paano pumili ng tamang VoIP service provider at kung bakit mas mabuti ito para sa mga negosyo kumpara sa mga traditional na landlines.
Alamin kung paano ang VoIP ay nagbibigay-daan sa abot-kayang tawag at mas malaking flexibility para sa iyong negosyo. Tuklasin ang mga pros at cons, at alamin kung paano pumili ng tamang VoIP provider. Mag-subscribe para sa demo at newsletter ng LiveAgent upang mas palawakin ang iyong kaalaman sa VoIP.
Discover the benefits of call masking with LiveAgent! Protect your customer privacy and enhance call responsiveness using this VoIP feature that keeps caller identities anonymous. Experience improved customer engagement, reduced communication costs, and seamless call management. Start your free trial today and elevate your call center operations!
Alamin kung paano makakatulong ang VoIP numbers sa iyong negosyo sa pamamagitan ng mas murang calls at mas mahusay na customer service gamit ang internet connection. Tuklasin ang pagkakaiba ng fixed at non-fixed VoIP numbers at kung paano makakakuha ng VoIP number. Pasimplehin ang iyong communication strategy at bawasan ang gastos sa pagtawag ngayon. Subukan ang LiveAgent para sa mabilis na VoIP setup at pagbutihin ang iyong customer interactions.
Tuklasin ang kahalagahan ng VoIP calling sa inyong negosyo. Alamin kung paano ito nagbibigay ng mas murang, flexible, at secure na paraan ng pagtawag gamit ang internet, at kung bakit ito ang pinakamahusay na opsyon para sa mga conference call. Simulan ang paggamit ng VoIP nang libre at walang obligasyon.