Ano ang VoIP dialer?
Ang VoIP dialer ay isang dialer software na gumagamit ng VoIP (Voice over Internet Protocol) para makagawa ng outbound voice calls. Sa halip na gumamit ng tradisyonal na phone service, ginagamit ng VoIP dialers ang Internet connection at ang VoIP service provider, inaalis ang pangangailangan sa isang phone line o kahit cell phone. Karaniwang ginagamit ng agents ang kanilang browser at headset para makagawa ng murang outbound VoIP calls sa kahit anong destinasyon hangga’t meron silang matatag na Internet connection.
Di gaya ng inbound call centers kung saan ang agents ang tumatanggap ng tawag, ang outbound call centers ngayon ay gumagamit na ng VoIP dialers. Hinahayaan nito ang agents na mag-automate ng telephone dialing process at madaling makagawa ng maramihang outgoing calls para mag-connect sa leads, prospects, at customers. Ang VoIP dialers ay puwedeng epektibong magamit ng sales team para sa paggawa ng malalaking volume ng sales calls na hindi na kinakailangang mag-dial nang mano-mano pati na rin sa customer service teams para sa proactive customer support.
Kahit na ang VoIP-based calling ay kinokonsiderang maaasahan gaya sa tradisyonal na voice calling technologies, ang Internet connection quality at speed ay maaaring magkaroon ng aktuwal na epekto sa quality ng mga tawag kapag ginagamit ang VoIP dialers.
May ilang uri ng VoIP dialers na magkakaiba sa paraan ng pag-operate:
Predictive dialers: Ang mga ganitong uri ng VoIP dialer ay pangunahing ginagamit sa mass outgoing calls, e.g., sa telemarketing, market research, customer service follow-ups, at paniningil ng utang. Ang proseso ng predictive dialing ay kinabibilangan ng pagtawag sa maraming numero nang sabay-sabay batay sa hinulaang availability ng agent habang nilalaktawan ang mga diskonektadong numero, busy signal, at voicemail.
Power dialers: Ang power dialers (kilala din bilang rapid dialers) ay tumatawag sa isang number kada agent at sinisiguradong ang tawag ay magsisimula lang kapag ang agent ay handa nang magsalita. Kung sakaling ang number ay busy, disconnected, o unattended, agad itong lumilipat sa susunod na nasa contact list.
Preview dialers: Hinahayaan ng preview dialers ang agents na makita ang detalyadong contact profiles, kasama ng history ng mga nakaraang interaksiyon, kaya puwede nilang masuri ang impormasyon at magdesisyon kung kailangang mag-initiate ng call o laktawan na lang ito. Iyan ang nagpapahintulot sa mas personal, context-driven na interaksiyon sa mga customer at prospect.
Robo dialers: Ang robo dialers ay may kapasidad n tumawag sa daang libong tao nang sabay-sabay ng hindi kailangang maghintay sa libreng phone lines. Sa oras na makuha ang isang contact, tutunog na ang inyong pre-recorded message o ikokonek ang tawas sa isang live agent. Ito ay pangunahing ginagamit para sa mass messaging campaigns.
Progressive dialers: Ang progressive dialers ay tumitingin sa inyong calling lists at magsisimula lang ng tawag kung ang agent ay tapos na sa kasalukuyang call at available nang kunin ang susunod. Kinokonekta lang ng progressive dialer ang agents sa mga tawag na sinagot ng aktuwal na tao at isang number lang ang dina-dial kada agent.
Try LiveAgent Today
LiveAgent is the most reviewed and #1 rated call center software for SMB.
Frequently Asked Questions
Ano ang pakinabang ng VoIP dialers?
Ang VoIP dialers ay nagpataas nang husto sa bilang ng live connections sa pamamagitan ng pag-filter out ng non-connected calls, pag-reduce ng oras ng paghihintay sa pagitan ng mga tawag at kawalan ng ginagawa ng agent. Ibig sabihin nito na sa paggamit ng VoIP dialers, mas maraming naaabot na prospects at customers ang mga call center employees sa mas kaunting oras. Magreresulta ito sa mahuhusay na agent performance at pagtaas sa pangkalahatang productivity ng business, pati na rin ang pagbabawas ng mga gastos sa labor ng call center.
Paano gumagana ang VoIP dialer?
Ang VoIP dialer ay gumagamit ng Voice over Internet Protocol (VoIP) para i-manage ang maraming outbound calls sa call centers. Nabawasan na ang pangangailangan sa mano-manong pag-dial dahil na-automate na ng VoIP dialer ang dialing process. Puwede nilang i-filter out ang busy signals, disconnected numbers, at voicemails, at ikokonek lang ang agents kapag ang tawag ay sinagot ng isang tao.
Ang VoIP dialer ba ay bahagi ng LiveAgent?
Kahit na sinusuportahan ng LiveAgent call center software ang parehong inbound at outbound calling, ang outbound call center functionality sa ngayon ay hindi sinusuportahan ang VoIP dialing. Gayunman, puwede pa ring gumawa ng outbound call sa inyong leads, prospects, o customers gamit ang isang click-to-call capability. Ibig sabihin nito, puwedeng mag-initiate ang agents ng outbound calls mula sa LiveAgent dashboard habang binibisita ang websites ng inyong prospect.
Pagkatapos mong basahin ang tungkol sa VoIP dialer, baka gusto mong alamin ang tungkol sa phone dialers. Matututuhan mo kung ano ito at paano ito makakatulong sa iyong negosyo. Kung interesado ka naman sa mga benepisyo ng paggamit ng VoIP software, maaari kang magbasa kung paano ito naiiba sa tradisyonal na mga telepono at kung paano mo ito masusulit.
Discover the benefits of a hosted call center with LiveAgent's cost-effective, web-based solution that enhances customer satisfaction, speeds up response times, and boosts agent efficiency. Enjoy features like IVR, automatic callbacks, and multichannel ticketing while saving on hardware costs. Experience improved flexibility and efficiency with easy setup and no hidden fees. Try it free—no obligation!
Magbigay ng mahusay na customer service.
Subukan ang LiveAgent: All-in-one help desk software na may 30 araw na libreng pagsubok. Walang setup fee, 24/7 support, at madaling gamitin!"
Ang contact center bilang isang serbisyo
Alamin kung paano ang cloud-based CCaaS ay nagpapababa ng gastos at nagpapabuti ng serbisyo gamit ang advanced na teknolohiya. Subukan ang LiveAgent!"