Ano ang Voice over IP phone number?
Ang Voice over Internet Protocol o VoIP phone number ay nagbibigay-daan para makagawa ng regular na phone calls gamit ang isang matatag na internet connection.
Ang mga business ay umaasa sa VoIP phone numbers para gumawa o tumanggap ng incoming calls. Hindi kayang gampanan ng customer service team ang kanilang araw-araw na gawain kung walang VoIP technology para makipag-usap sa customers at panatilihing tumatakbo ang business.
Saan ginagamit ang VoIP number?
Ang mga numero na ito ay puwedeng gamitin para tawagan ang potential customers at i-convert ang leads para mapanatili ang malakas na customer base.
Ang mga business ay gumagamit ng VoIP number para mapanatiling top-notch ang kanilang customer service at para pahintulutan ang customers na mag-reach out sa kanila sakaling may isyu o reklamo. Ginagamit din ang mga ito para sa intracompany communications.
Bakit kailangang gumamit ng mga business ng VoIP phone numbers?
Sa VoIP network, ang user ay nakagagawa ng calls sa mas mababang rates kumpara sa rates na ino-offer ng mga kompanya ng telepono. Ito ay magandang advantage para sa mga business sa paglipas ng panahon.
Maliban doon, kailangan ng mga kompanyang magkaroon ng maramihang linya ng telepono para maisagawa ang business nila, na posibleng malaki ang presyo. At saka sa pamamagitan ng VoIP number, makagagawa ng maramihang tawag nang sabay-sabay, di tulad sa tipikal na telephone network.
Ang isang all-digital VoIP network ay magagamit kasama ng iba-ibang internet-connected na gadgets. Nagbebenepisyo ang mga business dito kasi hindi na nila kailangang gumamit ng corded phones.
Paano makakakuha ng VoIP number?
Makakakuha ng VoIP number mula sa VoIP service providers katulad ng pagkuha ng landline sa conventional na phone number provider.
Sa kabilang dako, ang paraan para makakuha ng VoIP phone numbers ay mas pinasimple kaysa sa nakasanayang paraan ng pagkuha nito.
Habang ginagamit ang VoIP phone numbers para makatanggap at makagawa ng phone calls, magdedepende kayo sa IP address ng VoIP provider para mag-establish ng connection. Narito ang ilang mga dapat tandaan kapag naghahanap ng VoIP provider.
- Pagtuunan ng pansin ang pricing ng packages na ino-offer ng provider.
- Siguraduhing mataas ang quality ng connection para hindi kayo mag-alala tungkol sa quality ng audio sa paglaon.
- Tingnan kung ang provider ay maaasahan (tingnan ang reviews)
Paano malalaman kung ang isang numero ay VoIP?
May mga Internet websites na nagpapahintulot na magsagawa ng LRN lookups (location routing number). Puwedeng gamitin ang mga ito para malaman kung ang numero ay VoIP kasi sinasabi nito kung sino ang carrier. Puwedeng hanapin ang pangalan ng carrier at tingnan kung ito ay VoIP provider. Puwede ring gumamit ng reverse phone lookup websites.
Ang mga pagkakaiba ng VoIP at regular na phone numbers
Pagpepresyo
Ang pinakamalaki at pinakamakabuluhang pagkakaiba ng dalawa ay ang pagpepresyo. Bagama’t ang pagtawag ng international ay gumagana sa conventional phone numbers, ang karagdagang bayad ay ubod ng taas. Sa kabilang banda, ang VoIP devices ay mabuting option kasi nagbibigay sila ng magandang calling experience sa pamamagitan ng matatag na Internet connection. May offer itong mas murang rates para sa unli na pagtawag sa international phones. Sa pangkalahatan, ang VoIP ay mas mura kaysa sa regular phones.
Technology
Ang regular phone numbers ay nakatali sa tradisyonal na landline; gayunman, ang VoIP number ay magagamit ng kahit anong internet-connected na device. Ang VoIP ay gumagamit ng Internet connection o LANs para gumana habang ang landlines ay niruruta pa sa pamamagitan ng phone line.
Mode of Transmission
Ang paraan ng paghahatid na ginagamit ng regular phones at ng VoIP ay napakalayo. Ang VoIP phone numbers ay hindi nakatali sa iisang lugar. Ang area code ay walang saysay sa VoIP network services, ibig sabihin ay location-independent ang mga ito. Sa kabilang banda, kailangan ng conventional phone number ang area code para gumana kasi nakatali ang mga ito sa geographical na lokasyon.
Ang mga kaibahan ng fixed at non-fixed na VoIP phone numbers
Ang pisikal na lokasyon ay kaakibat ng fixed VoIP phone number. May tunay itong address at actual na taong nagmamay-ari nito. Nakadaragdag ito sa credibility at acceptance ng fixed VoIP numbers. Dahil mas mahirap itago ang kanilang mga identidad, malabo itong magagamit ng scammers at cybercriminals. Habang ang non-fixed VoIP phone numbers ay hindi nauugnay sa lokasyong pisikal, puwedeng konektado ang mga ito sa kahit na anong geographic na lokasyon kasi hindi nito kailangan ng permanenteng address. Ang ibig sabihin nito ay magandang choice ang mga ito kung magtatrabaho nang remote.
Ang VoIP numbers ay magagamit lang ng users na nakatira sa bansa ng provider. Habang posibleng i-employ ang mga ito sa kahit na anong device, dapat magbigay ng pisikal na lokasyon para sa pagpaparehistro.
Puwede bang hanapin ang may-ari ng phone number kung ito ay VoIP?
Oo, puwedeng gawin ito. Narito ang mga paraan kung paano hahaanapin ang may-ari ng VoIP phone number:
- CNAM Lookup
- reverse phone lookup
- pag-employ ng VoIP service provider
- paggamit ng hardphone o softphone packets
- pagpalit ng setting para makita ang caller ID
- paghanap sa IP address
Paano hahanapin ang non-fixed VoIP number?
Bagaman mahirap hanapin ang isang non-fixed VoIP number, puwedeng gumamit ng specialized packet sniffer tool para i-track kung anong mga Internet network ang ina-access. Sa kasamaang palad, hindi nito makikilala ang eksaktong lokasyon o makikilala ang host device. Kung may seryosong mangyari, puwedeng tawagan ang mga awtoridad.
Set up your VoIP system in few minutes with LiveAgent.
Curious about VoIP and how it can give you the ability to make affordable calls?
Frequently Asked Questions
Ano ang Voice over IP phone number?
Ang VoIP phone number ay assigned sa inyo kapag nagpalista kayo para sa VoIP service. Pinahihintulutan ng service na ito ang paghahatid ng voice communications at multimedia sessions sa pamamagitan ng Internet Protocol networks.
Saan ginagamit ang VoIP number?
Ginagamit ng mga kompanya ang VoIP phone numbers para panatilihing top-notch ang customer service nila. Ang numbers ay puwedeng gamitin para tawagan ang potential customers at i-convert ang leads at saka tanggapin ang mga request ng customers.
Bakit kailangang gumamit ng mga business ng VoIP phone numbers?
Ang pinakamalaking dahilan ay nagpapahintulot ang VoIP network na tumawag ang mga gumagamit nito na bawas-gastos kumpara sa mga kompanya ng telepono. Ang mga business ay nagbebenepisyo sa isang all-digital VoIP network na magagamit kasama ng iba-ibang internet-connected gadgets na hindi na nag-aalala pa sa landlines.
Paano makakakuha ng VoIP number?
Ibinibigay na ang mga ito ng VoIP service providers.
Paano malalaman kung ang isang numero ay VoIP?
Puwedeng gumamit ng LRN lookup o ibang paraan ng pag-track sa isang numero, pagkatapos ay hanapin ang pangalan ng carrier at tingnan kung ito ay isang VoIP service provider o hindi.
Ano ang pinagkaiba ng VoIP numbers at regular na phone numbers?
Para tumawag gamit ang isang standard phone, kailangan ninyo ng phone service. Ang inyong audio ay nagiging vibrations na ipinadadala sa kabilang panig gamit ang fiber-optic connections. Sa pagkukumpara, ang VoIP calls ay gumagana sa pag-convert ng auditory signals sa information packet collections at ipinadadala sa pamamagitan ng web. Ang VoIP calls ay ginagawa gamit ang computers o ibang devices na nakakonekta sa Internet.
Ano ang pinagkaiba ng fixed at non-fixed na VoIP phone numbers?
Ang fixed VoIP phone number ay merong isang address at actual na may-ari na kaugnay nito. Malabo itong gamitin ng scammers at cybercriminals. Ang non-fixed VoIP numbers ay puwedeng ikonekta sa anumang pisikal na lokasyon kaya hindi nito kailangan ng specific address.
Puwede bang hanapin ang may-ari ng phone number kung ito ay VoIP?
Oo, sa pamamagitan ng paggamit ng reverse phone lookup, VoIP service provider, softphone, at iba pang mga paraan.
Paano hahanapin ang non-fixed VoIP number?
Makagagamit kayo ng isang specialized packet sniffer tool para i-track kung anong Internet pathways ang na-access. Sa kasamaang palad, ang pagkilala ng lokasyon o host device ay hindi garantisado.
Kung natapos mo nang basahin ang tungkol sa VoIP number, baka gusto mong basahin ang tungkol sa fixed VoIP. Alamin ang mga pagkakaiba ng fixed at non-fixed VoIP numbers at ang kanilang mga benepisyo tulad ng pinahusay na seguridad at transparency.
Para mas maintindihan pa ang VoIP, maaari mo ring tingnan ang VoIP phone service. Matutuklasan mo dito kung paano gumagana ang VoIP at kung anong equipment ang kailangan para dito.
Alamin kung paano ang VoIP ay nagbibigay-daan sa abot-kayang tawag at mas malaking flexibility para sa iyong negosyo. Tuklasin ang mga pros at cons, at alamin kung paano pumili ng tamang VoIP provider. Mag-subscribe para sa demo at newsletter ng LiveAgent upang mas palawakin ang iyong kaalaman sa VoIP.
Tuklasin ang kahalagahan ng VoIP calling sa inyong negosyo. Alamin kung paano ito nagbibigay ng mas murang, flexible, at secure na paraan ng pagtawag gamit ang internet, at kung bakit ito ang pinakamahusay na opsyon para sa mga conference call. Simulan ang paggamit ng VoIP nang libre at walang obligasyon.