Sino ang VoIP service provider?
Ang Voice Over Internet Protocol o VoIP service providers ay agents na may offer na mga VoIP service. Karaniwang nagbibigay sila ng VoIP devices at equipment sa customers at buwanang sumisingil. Ang service provider ay may offer na VoIP system sa customers na nangangailangan ng commercial o residential na VoIP.
Ang VoIP service ay mainam para sa mga business kasi tumutulong itong mag-maintain ng unified communications sa kanilang customers at mga kliyente. Ang VoIP calls ay mas sulit pa sa presyo kumpara sa nakasanayang mga sistema ng telepono. Pinahihintulutan ng advanced features nito ang unlimited call options sa pamamagitan ng matatag na Internet connection. Dahil dito, ang VoIP option ay mas favorable piliin.
Kailangan ba ng service provider para sa VoIP?
Oo, kailangan ng service provider para mag-set-up ng inyong VoIP system. Piliin ang provider na nag-offer ng pinakamahusay na halaga para sa pera na umaayon sa inyong pangangailangan.
Ang VoIP phone devices ay hindi lang nagbibigay ng option para tumawag at tumanggap ng calls sa pamamagitan ng broadband Internet connection. Pinahihintulutan din nito ang kompanya na magpadala ng fax kahit online at kasama pa ang text messaging, pag-handle at pagruta ng lahat ng phone calls. At saka pinahihintulutan kayong gumawa ng audio at video meetings kahit nasaang lugar kayo.
Paano pumili ng VoIP service provider?
1. Ano ang requirements ninyo?
Bago maghanap ng mabuting VoIP service provider para sa inyong business, mag-outline ng inyong pangangailangan. Makatutulong ito para makagawa kayo ng edukadong desisyon. Mula sa pag-alam kung anong uri ng numero (toll-free, international, o lokal na number) ang kailangan ng inyong business hanggang sa dami ng inbound o outbound calls, kailangan ninyong magkaroon ng ideya ng mga kailangan ng kompanya.
Kapag na-establish na ang mga pangangailangan ng organisasyon, puwede nang maghanap ng VoIP service providers na makatutupad sa mga ito.
2. Client reviews
Isa sa mga maaasahang paraan ng pagpili ng isang service provider ay ang pagsusuri ng kanilang reviews at customer testimonials. Naiintindihan natin na ang ilang reviews ay puwedeng hindi mapagkakatiwalaan, pero madalas, makapagbibigay ang mga ito ng insight para makagawa ng desisyon.
3. Pricing plans
Ang isa pang makabuluhang aspekto ng pagpili ng VoIP provider ay ang affordability. Magkano ang buwanang sinisingil ng provider sa bawa’t user? Ilang minuto kada buwan ang ino-offer nila, at lahat ba ito ay kasama sa inyong budget? Higit pa sa puwede mong isipin, ang pricing ay may mahalagang papel sa pagpili ng VoIP service provider.
5. Quality ng serbisyo
Ang quality ng serbisyo ay isang “given” sa pagpili ng provider. Ano ang pangkalahatang quality ng package at sapat ba ang serbisyong ino-offer para sa inyong business?
Paano mag-set up ng VoIP phone sa bahay?
Kapag nakapag-subscribe na kayo sa isang VoIP service provider, medyo simple na ang pag-set up ng VoIP device at contact number. Karamihan, ang kailangan lang ninyo ay isang VoIP telephone adaptor at ilang pagbabago sa inyong home equipment.
Ang partikular na modelo ang tutukoy kung paano ikokonekta ang adapter. Ang ilan sa kanila ay kumokonekta sa inyong PC o modem. Ang iba naman ay kailangang kumonekta direkta sa modem. Bago ikonekta ang VoIP phone, siguraduhing nakapatay ang lahat ng supported devices ninyo.
Ikonekta ang headset na gagamitin para sa VoIP calls sa adapter. Mahalagang i-link ito sa tamang port. Susunod, isaksak ang adapter at buksan ito. Tandaan na ang adapter at router ay dapat konektado at nakabukas para tumakbo ang VoIP phone service.
Ngayong naka-link na ang lahat, puwede nang buksan ang equipment. Hayaang mag-synchronize nang ganap ang connection, modem, at bagong adapter. Pagkatapos nito, makaririnig kayo ng dial tone. Nagpapahiwatig ito na ang VoIP ninyo sa bahay ay matagumpay na na-set up.
Bakit mas mabuti para sa business ang VoIP service kumpara sa conventional landlines?
1. Sulit sa presyo
Hindi kailangan ng isang toneladang hardware para mag-set up ng VoIP phone service kumpara sa landline phones. Madali itong i-set up na walang dagdag gastos.
Bukod dito, ang VoIP ay may offer na unli minutes at murang rates, na hindi posible kapag gumagamit ng traditional landline lang.
2. Madaling gamitin ang VoIP
Kailangan ng conventional landlines ng malaking halaga ng paunang labor at equipment. Kailangan din ng maraming oras para mag-set up.
Sa VoIP service, puwedeng makuha ang inyong company phones na fully operational agad sa loob lang ng ilang minuto. Madali ring magpalipat-lipat ng devices, at agad na nasi-synchronize ang data ng kliyente. Dagdag pa, dahil mas mabilis ang VoIP phone networks kaysa sa analog lines, ang calls ay madaling nagkokonekta at maganda pa rin ang quality ng mga ito.
3. May mas magandang quality ng tunog ang VoIP
Ang quality ng tunog ng VoIP ay mas maganda kaysa sa analog phone service; kaya lang, nakasalalay din ito sa Internet connection. Ang mahinang connection ay puwedeng magpababa ng call quality, pero ang matatag na network ay gumagawa ng malinaw at stable na audio.
4. Advanced features
Ang conventional telephone lines ay walang video calling options, pero ang VoIP ay meron. Ang video conferencing ay isa sa malaking features ng VoIP. Kung kailangang kumonekta sa kliyente ng isang business, ang video calls ay maituturing na saving grace. At saka karamihan ng VoIP systems ay may dialer software na nakatutulong na magtipid sa oras.
Ano ang disadvantages ng paggamit ng VoIP service?
1. Gumagana lang kapag may Internet
Ito ang pangunahing feature at pangunahin ding sagabal ng VoIP. Hindi kayo makagagamit ng VoIP kung walang matatag na Internet connection.
2. Seguridad ng sistema
Ang seguridad ay mahalagang isyu ng VoIP, katulad ng ibang digital technology. Ang mga potensiyal na panganib ay ang pagnanakaw ng identity at impormasyon, panloloko, pag-hack, pag-atake ng virus, malware, spamming, pagmamanipula ng tawag, at refusal of service assaults.
3. Emergency calls
Sa isang krisis, ang landline telephone technology ay puwedeng ma-track kung nasaan kayo. Pero kahit na may feature ang VoIP communication na mabisang data transfer sa pagitan ng dalawang IP address sa halip na pisikal na lokasyon, wala pa ring reliable na paraan para masiguro ang pinanggagalingan ng VoIP phone call ninyo.
LiveAgent offers plenty of integrations with various VoIP providers.
Curious about VoIP and how it can give you the ability to make affordable calls?
Frequently Asked Questions
Sino ang VoIP service provider?
Ang Voice Over Internet Protocol o VoIP service providers ay may offer na serbisyo ng VoIP sa mga business o mga indibidwal. Madalas silang sumingil para sa kanilang buwanang serbisyo sa pamamagitan ng subscription fees.
Kailangan ba ng service provider para sa VoIP?
Oo, ang isang service provider ay kailangan sa pag-set-up ng VoIP system ninyo.
Paano pumili ng VoIP service provider?
Nakasalalay ito sa pangangailangan ng inyong business. Kailangang ikonsidera ang customer reviews, quality ng serbisyo, at pagpepresyo.
Paano mag-set up ng VoIP phone sa bahay?
Ang kailangan lang ay isang phone adaptor at kaunting mga pagbabago sa pag-uugnay ng home equipment. Ang adaptor, gaya ng router, ay dapat nakasaksak, konektado, at nakabukas lagi.
Bakit mas mabuti para sa business ang VoIP service kumpara sa conventional landlines?
Mas sulit sa presyo ang mga ito at walang paunang gastos bukod sa subscription. Mas madaling gamitin ang mga ito kaysa sa conventional landline. Maraming advanced features ang mga ito gaya ng video calling, mas mabuting quality ng audio, bukod sa iba pa.
Ano ang disadvantages ng paggamit ng VoIP service?
Tulad ng iba, ang VoIP ay meron ding disadvantages. Hindi ito ang pinakamahusay na option para sa emergency calls, at imposible ang paggamit nito kung walang Internet. Kaya kung wala kayong Internet access, sira na agad ang araw ninyo.
Kung nais mong mas maunawaan ang mga aspeto ng VoIP service provider, basahin ang Sino ang VoIP service provider?. Naglalaman ito ng impormasyon kung paano gumagana ang mga serbisyong ito at kung sino ang maaring makapagbigay nito sa inyo.
Para malaman kung talagang kailangan mo ng service provider para sa iyong VoIP, tingnan ang artikulong Kailangan ba ng service provider para sa VoIP?. Mahalaga ito para sa mga nagbabalak na i-set up ang kanilang sariling VoIP system.
Kung interesado ka sa mga pamantayan sa pagpili ng tamang VoIP service provider, basahin ang Paano pumili ng VoIP service provider?. Tinutulungan ka nitong malaman ang mga dapat isaalang-alang sa pagpili ng provider, mula sa client reviews hanggang sa pricing plans.
Kung ikaw ay naghahanap ng gabay sa pag-set up ng VoIP phone sa bahay, suriin ang Paano mag-set up ng VoIP phone sa bahay?. Ang artikulong ito ay nagbibigay ng step-by-step na proseso para sa mas madali mong pag-install.
Upang malaman kung bakit mas makabubuti para sa negosyo ang paggamit ng VoIP service kumpara sa mga conventional landlines, basahin ang Bakit mas mabuti para sa business ang VoIP service kumpara sa conventional landlines?. Ito ay nakatuon sa mga benepisyo gaya ng advanced features at mas magandang quality ng tunog.
Sa kabilang banda, kung nais mong malaman ang mga posibleng kahinaan ng paggamit ng VoIP service, tingnan ang Ano ang disadvantages ng paggamit ng VoIP service?. Alamin ang mga isyung maaaring maranasan gaya ng seguridad ng sistema at emergency calls.
Alamin kung paano ang VoIP ay nagbibigay-daan sa abot-kayang tawag at mas malaking flexibility para sa iyong negosyo. Tuklasin ang mga pros at cons, at alamin kung paano pumili ng tamang VoIP provider. Mag-subscribe para sa demo at newsletter ng LiveAgent upang mas palawakin ang iyong kaalaman sa VoIP.
Alamin kung paano mapapabuti ang kalidad ng VoIP calls gamit ang Quality of Service (QoS) technology. Tinutulungan ng QoS na bawasan ang jitter at i-optimize ang bandwidth para maiwasan ang network congestion at mapanatili ang mataas na kalidad ng voice calls. Tuklasin ang mga hakbang sa pag-setup at alamin kung paano ito makakatulong sa inyong negosyo.
Alamin kung paano makakatulong ang VoIP numbers sa iyong negosyo sa pamamagitan ng mas murang calls at mas mahusay na customer service gamit ang internet connection. Tuklasin ang pagkakaiba ng fixed at non-fixed VoIP numbers at kung paano makakakuha ng VoIP number. Pasimplehin ang iyong communication strategy at bawasan ang gastos sa pagtawag ngayon. Subukan ang LiveAgent para sa mabilis na VoIP setup at pagbutihin ang iyong customer interactions.
Tuklasin ang kahalagahan ng VoIP calling sa inyong negosyo. Alamin kung paano ito nagbibigay ng mas murang, flexible, at secure na paraan ng pagtawag gamit ang internet, at kung bakit ito ang pinakamahusay na opsyon para sa mga conference call. Simulan ang paggamit ng VoIP nang libre at walang obligasyon.