Ano ang VoIP software?
Ang kahulugan ng VoIP ay Voice Over Internet Protocol. Hinahayaan ng VoIP software na pakinabangan ng mga caller ang VoIP technology para makatawag online. Ito ay isang bukod-tanging alternatibo sa paggamit ng regular na telephone line pagdating sa pagiging abot-presyo at sa productivity. Pinagagana ng VoIP software ang VoIP phone service.
Ang tungkulin ng VoIP solutions ay ang maisaayos ang komunikasyon, i-standardize ang workflow para sa inyong customer service teams, at hayaan silang makamit ang mga magagandang resulta sa pamamagitan ng isang centralized na solution. Binabawasan nito ang holding times at samakatwid ay nakaaapekto sa level ng customer satisfaction.
Paano gumagana ang VoIP software?
Ang VoIP software ay gumagamit ng Internet at standards para sa voice at video communication, tulad ng H.323 at Session Initiation Protocol. Pinapakinabangan nito ang mga technology para dalhin ang inyong analog voice signals. Pagkatapos, pinapalitan nito ang mga signal sa digital na signals nang walang ginagawang voice quality trade-offs. Ipadadala naman ng VoIP services ang inyong data sa pamamagitan ng Internet.
Pinapalitan ng VoIP ang digital signal sa isang regular na phone signal na magpapahintulot sa inyong business na makagawa at makatanggap ng tradisyonal na phone calls, sila man ay galing sa mobile phones o fixed-line telephony users.
Halimbawa ay ang Interactive Voice Responses (IVR), na isang standard feature sa mga cutting-edge na VoIP software solution. Sa pamamagitan nito, magkakaroon kayo ng automated business phone system na kayang makipag-ugnayan at makalakap ng impormasyon mula sa customers.
Mga benepisyo ng paggamit ng VoIP software sa mga tradisyonal na telepono
Una sa lahat, magkakaroon kayo ng isang centralized na voice communication system na magagamit ng inyong call center agents sa lahat ng gadget. Puwede kayong makatawag sa mga tradisyonal na landline phones, analog devices, at mobile devices.
Kinokonsidera ring mas murang solution ang VoIP software kaysa sa gumagamit ng regular na phone lines. Depende sa inyong budget plans, puwede ninyong alisin ang ilang malalaking gastos, kasama ang gastos sa long-distance call at gastos sa mobile calls pati na rin ang mamahaling hardware.
Puwede ring isaayos ng VoIP software ang video conference calls na magpapahintulot sa inyong maorganisa ang online meetings kahit hybrid ang inyong workforce.
Ang pinakamahusay ng business VoIP providers
Libo-libo ang VoIP providers sa buong mundo. Puwedeng maging mahirap makapili para sa inyong business. Narito ang ilan sa mga sikat na VoIP platforms na puwede ninyong tingnan at piliin ang nagpapakita ng communication needs ng inyong business.
- Ooma
- CloudTalk
- SolarWinds VoIP
- Actio
- Avoxi
- Benemen
- Didlogic
- Modulus
- Nexmo
- TelcaVoIP
Bago ninyo gawin ang pagpili, kailangan ninyong malaman kung anong features at services ang bumubuo sa isang mabuting VoIP provider.
Mga bagay na ikokonsidera kapag naghahanap ng bagong VoIP software
Una, kailangan ninyong tingnan ang presyo. Puwede itong makabuti o makasira ng deal. Ang nangungunang cloud-based phone company ay may malinaw na VoIP pricing policy. Kailangan ninyong pagdesisyunan ang inyong budget para sa bagong VoIP software at bawasan ang inyong pagpipilian.
May papel ding ginagampanan ang laki ng inyong kompanya. Mas partikular, ang bilang ng tao sa inyong customer service teams at laki ng market na inyong pinagsisilbihan ay makatutulong na mas makatukoy ng VoIP provider. Panghuli, humanap ng demo video para makita kung paano gumagana ang software.
Mga pangunahing feature ng VoIP software
Lahat ng VoIP softphones ay may kasamang basic functionalities tulad ng caller ID at call holding. Dapat sa mga advanced feature at dagdag na functionality kayo maging interesado. Mabilisan nating pag-usapan ang mga pangunahing feature na dapat ninyong tingnan sa inyong magiging VoIP system:
automated calls — pinagagana nito ang system para automatic na mag-transfer ng incoming calls sa tamang extension
call queuing — puwedeng automatic na ilagay ng system ang inbound callers sa tamang queue
screen sharing — ang advanced systems ay magkakaroon ng kapasidad na paganahin ang screen sharing, para mas mabilis na makalutas ng mga problema ng inyong support team
advanced calling features — sa pamamagitan ng call monitoring, whispering, at barging, magkakaroon kayo ng buong kontrol sa voice communication at abilidad para mapahusay ang inyong operations
mobile apps — magandang bonus ang magkaroon ng access sa VoIP software mobile apps, at ito ay dahan-dahang nagiging isa sa basic features ng VoIP software offer
Paano sulitin ang VoIP software
Para matiyak ang tagumpay ng pagsasakatuparan ng inyong communication platform, kailangan ninyong tukuyin ang inyong goals. Puwedeng gusto ninyong gamitin ito bilang engagement platform o idagdag ito sa inyong collaboration platforms stack.
Sa alin mang kaso, para masulit ang inyong VoIP software, dapat ninyong:
- Tukuyin ang your business goals.
- Ibahagi ang mga benepisyo ng VoIP system sa lahat ng nasa team.
- Iorganisa ang onboarding training.
- Ibigay ang ongoing support sa mga empleyadong nangangailangan ng tulong sa VoIP software features.
Gumagana ba ang VoIP kung walang Internet?
Ang Voice Over Internet Protocol, gaya ng sinasabi ng pangalan, ay isang protocol na gumagamit ng Internet. Kapag walang ang Internet, ang inyong VoIP system ang mawawala rin. Hindi kayo magkakaroon ng kakayahang makatawag habang wala kayong connection sa Internet.
Looking for a VoIP software for you?
LiveAgent offers wide range of useful features and integrations. Your only responsibility will be to choose the best features for you.
Frequently Asked Questions
Kailangan ba ang VoIP software sa business?
Ini-enable ng VoIP software na lumago ang business communications sa panahon ng Internet. Hinahayaan nito ang mga business na makatawag online habang gumagamit ng iisang solution para sa lahat ng kanilang pangangailangan sa voice communication.
Ano ang VoIP software?
Ang VoIP software ay isang application na ginagawang posible ang mga online call. Sa VoIP software, ang inyong customer service teams ay makatatawag at makatatanggap ng tawag online gumagamit man ang recipient ng landline, mobile gadget, o VoIP phone.
Paano gumagana ang VoIP software?
Pinapalitan ng VoIP software ang analog signal ng digital signal at pinadadala ito sa pamamagitan ng Internet. Pinakikinabangan ng modernong telecommunication system ang internet sa pagsasaayos ng internal at external business communications.
Ano ang mga benepisyo ng paggamit ng VoIP software sa tradisyonal na mga phone?
Maraming ino-offer na benepisyo ang VoIP software. Ito ay isang solusyong sulit ang presyo na hinahayaan ang mga business na makagawa ng abot-kayang international calls. May offer itong tools na madaling gamitin sa pagtawag at pagtanggap ng mga tawag at dinadala ang landline, mobile, at online communication sa iisang lugar.
Anong business VoIP provider ang pinakamahusay?
Maraming VoIP service providers ang nandiyan. Ilan sa pinakamahuhusay ay ang Ooma, CloudTalk, SolarWinds VoIP, Actio, Avoxi, Benemen, Didlogic, Modulus, at Nexmo.
Ano ang kailangang ikonsidera sa paghahanap ng bagong VoIP software?
Kapag naghahanap ng bagong VoIP software, kailangan ninyong ikonsidera ang presyo nito, ang budget ng inyong kompanya, laki, bilang ng customers, goals ng business, at ano-anong features ang naibibigay ng VoIP software para sa mga partikular na presyo.
Ano ang features ng VoIP software?
Pinapagana ng features ng VoIP software ang functionality nito. Dapat ninyong tiyaking ang inyong bagong VoIP software ay may features na magpapakita na mga pangangailangan at goals ng inyong business. Kasama sa VoIP software features ang automated calls, video calls, call queuing, screen sharing, call monitoring, whispering, barging, at dedicated smartphone apps.
Paano masusulit ang VoIP software?
Para masulit ang VoIP software, kailangan ninyong tiyaking lahat sa inyong team ay kasali sa proseso ng pagpili ng software. Gawin itong pangunahing communication platform at magbigay ng onboarding training sa inyong staff.
Gumagana ba ang VoIP kung walang Internet?
Hindi, ang VoIP ay hindi gumagana kapag walang Internet. Ang VoIP ay gumagamit ng Internet sa paghahatid ng messages, at habang walang Internet, ang inyong system ay pansamantalang hindi gagana.
Kung nais mong mas maunawaan ang pag-andar ng VoIP software, maaaring interesado kang basahin ang tungkol sa paano gumagana ang VoIP software. Ang artikulong ito ay nagbibigay ng detalyadong impormasyon kung paano ito naaangkop sa iyong negosyo.
Para sa mga naghahanap ng pinakamahusay na mga provider ng VoIP para sa negosyo, basahin ang tungkol sa ang pinakamahusay ng business VoIP providers. Makakatulong ito sa iyo na pumili ng tamang provider na angkop sa iyong pangangailangan.
Kung nais mong malaman ang mga pangunahing feature na dapat hanapin, tingnan ang mga pangunahing feature ng VoIP software. Makakatulong itong matukoy kung aling mga tampok ang pinaka-kapaki-pakinabang para sa iyo.
Sa kabilang banda, kung interesado kang malaman ang tungkol sa software ng pagsubaybay sa tawag, basahin ang ano ang software ng pagsubaybay sa tawag. Malalaman mo kung paano ito makakatulong sa iyong negosyo.
Para sa mga naghahanap ng pinakamahusay na solusyon sa serbisyong kustomer, basahin ang tungkol sa software ng serbisyong kustomer. Alamin kung paano ito makakapagpabuti sa iyong customer service at makapagbibigay ng mas mahusay na karanasan sa iyong mga kustomer.
Alamin kung paano ang VoIP ay nagbibigay-daan sa abot-kayang tawag at mas malaking flexibility para sa iyong negosyo. Tuklasin ang mga pros at cons, at alamin kung paano pumili ng tamang VoIP provider. Mag-subscribe para sa demo at newsletter ng LiveAgent upang mas palawakin ang iyong kaalaman sa VoIP.
Alamin kung paano makakatulong ang VoIP numbers sa iyong negosyo sa pamamagitan ng mas murang calls at mas mahusay na customer service gamit ang internet connection. Tuklasin ang pagkakaiba ng fixed at non-fixed VoIP numbers at kung paano makakakuha ng VoIP number. Pasimplehin ang iyong communication strategy at bawasan ang gastos sa pagtawag ngayon. Subukan ang LiveAgent para sa mabilis na VoIP setup at pagbutihin ang iyong customer interactions.
Tuklasin ang kahalagahan ng VoIP calling sa inyong negosyo. Alamin kung paano ito nagbibigay ng mas murang, flexible, at secure na paraan ng pagtawag gamit ang internet, at kung bakit ito ang pinakamahusay na opsyon para sa mga conference call. Simulan ang paggamit ng VoIP nang libre at walang obligasyon.
Discover the power of telemarketing software, a tool designed to streamline customer contact for your campaigns. Explore features like call center automation, CRM integration, and adjustable dial modes to enhance your outreach. Learn about the advantages and limitations of these tools and how to effectively implement them in your business strategy. Start with a pilot test to ensure a seamless integration and boost your sales team's performance. Visit our page to find out more and kickstart your telemarketing journey with confidence.