Axialys integration
Ano ang Axialys?
Ang Axialys ay isang technology company na kabilang sa FrenchTech label na nagbibigay sa mga SMEs, ETIs, at mga malalaking corporation ng SaaS software suite para mas mahusay nilang maasikaso ang kanilang telephone system at mga customer relations, intuitively man o nasa cloud. Itinayo noong 1999, nakaranas ang Axialys ng matibay, dire-diretso, at matatag na paglago, bagay na konektado sa quality ng offering nila at tiwalang nilalaan ng kanilang customers. Meron silang L33-1 license na na-isyu ng ARCEP, at 20 taon na silang telecom operator.
Ang Axialys ay nagpu-publish ng isang SaaS software suite na tumutugon sa mga pangangailangan ng telephony sa mga kompanya:
- Centrex VoIP professional telephony para sa lahat ng empleyado
- Call center telephony para sa contact centers
- Telephony para sa inyong sales force
Axialys SIP Trunk Solution Buong description.
Paano ito magagamit?
Kung hanap ninyo’y isang VoIP provider para ikonekta sa inyong LiveAgent call center, magandang piliin ang Axialys. Ang LiveAgent call center ang mag-aasikaso ng tawag at tickets habang ang Axialys ang gagawa ng iba pang kailangang gawin. Kailangan lang ng laptop o smartphone microphones at speakers para makapagtayo ng isang starter call center. Puwedeng magdagdag ng ibang hardware kapag gusto ninyong mag-improve ang inyong call quality sa paglaon.
Paano makakabenepisyo sa LiveAgent call center?
Dahil sa humihina na ang mga tradisyonal na call center at mas dumadalas na ang paggamit sa mga call center software tulad ng LiveAgent, mas madali nang makapagbigay ng ganitong uri ng mga karanasan para sa inyong mga customer nang hindi na kailangang gumastos nang malaki. Mas abot-kaya na ang call center ng iba’t ibang uri ng mga business, malaki man o maliit.
Paano gumagana ang LiveAgent call center?
Ang pinakamahusay na bahagi rito ay ginagawa ng LiveAgent IVR feature ang lahat ng trabaho, at nagiging hassle-free ang karanasan ng mga customer. Kailangan lang nilang pakinggan ang IVR menu at pindutin ang nararapat na dial pad key (tulad ng “pindutin ang 1 para sa sales”) para makonekta sa tamang tao na tutulong sa kanila.
Sa maling department ba aksidenteng kumonekta ang customer? Simple lang ang solusyon dito — gamitin ang call transfer nang iruta ang customer sa isa sa inyong mga katrabaho para makatipid ng oras.
Nakakalimutan ba ninyo ang mga sinasabi ng mga customer? Huwag mag-alala. Nire-record ng LiveAgent ang lahat ng incoming at outgoing call at itinatago itong lahat sa sistema. Kung kailangan mong alalahanin ang anumang detalye, hanapin lang ang ticket at pakinggan ang buong call recording. Puwede ring gamitin ang call recording sa training ng mga bagong agent para maipakita sa kanila ang mga tamang pagsagot sa mga tawag ng customer.
Paano ang integration ng Axialys VoIP sa LiveAgent?
Kung gusto ninyong patakbuhin ang inyong LiveAgent call center gamit ang Axialys bilang inyong VoIP provider, sundin lang ang simpleng guide na ito.
- Buksan ang LiveAgent at pumunta sa Configuration > Call > Numbers. I-click ang orange na Create button sa itaas.
- Piliin ang Axialys sa listahan ng VoIP providers.
- Pangalanan ang number, piliin ang department, ilagay ang mga detalye ng login ninyo, at piliin ang dial-out prefix number ninyo. Puwede ring ilagay o alisin ang check option na magre-record ng lahat ng tawag na makukuha at gagawin mula sa number na ito. Kung tapos ma kayo, i-click ang Add button sa ibaba.
Ang phone number ay nasa LiveAgent na at handa nang gamitin. Kung gusto ninyo, magdagdag pa ng maraming Axialys phone numbers o magdagdag ng ibang numbers mula sa ibang VoIP providers.
Alamin ang karagdagang impormasyon tungkol sa LiveAgent Call Center software
Gusto ba ninyong alamin kung ano pa ang magagawa ng LiveAgent? Panoorin ang video sa ibaba para makita ang kabuuang tour ng aming customer support software.
Discover how Axigen's secure, easy-to-administer email server and groupware can elevate your customer support with seamless integration into LiveAgent. Ideal for businesses seeking reliable email solutions, Axigen offers 24/7 support, robust security, and collaboration features. Explore the benefits and start your free trial today!