Axigen integration
Partner website
Partner Privacy Policy
Axigen Privacy policy
Ano ang Axigen?
Ang Axigen ay isang email server at groupware na may maraming collaboration features na kasama sa kanilang plans. Magagawa ng mga user na mag-share ng calendars, files, at contacts at pati mag-check ng user availability at pag-access sa software mula sa maraming uri ng gadget. Ang Axigen ay may multi-layered security at may offer na walang kahirap-hirap na administration, na talagang ideyal para sa mga kompanyang may maliit na IT team.
Paano ginagamit ang Axigen?
Ang Axigen ay puwedeng gamitin bilang parehong office collaboration solution at email server. Madali itong ma-maintain kaya ideyal ito sa mga kompanyang naghahanap ng simple pero maaasahang email solution na may groupware functionalities. Mainam din ang seguridad nito para sa naghahanap ng proteksiyong extra. Nagbibigay ang Axigen ng 24/7 customer support sa bawat kliyente kaya di kailangang mag-alala sa troubleshooting. Puwede itong ma-integrate sa LiveAgent. Ideyal ito para sa mga kompanyang nais pagbutihin ang kanilang help desk gamit ang dedicated customer support solution.
Magdagdag ng protektadong email communication sa ticketing system ng LiveAgent, at magbigay ng pinakamahusay na customer support. Pakinabangan ang email archiving at ticket history para masundan ang customer communication. Maraming offer ang LiveAgent na higit pa sa email messaging dahil kaya ng ticketing system na ito na pangasiwaan ang live chat, call center, social media, at customer portal. Suportado ang lahat ng advanced features na mas mapapadali ang trabaho ninyo.
Isang universal inbox na may hybrid ticket stream ang tutulong sa organisasyon ng komunikasyon ninyo. Mag-reply sa mga contact gamit ang canned messages o predefined answers para makapagbigay ng mabilis na customer support. Mag-set up ng rules para makagawa ng automations na mag-aasikaso sa mga pangkaraniwan at paulit-ulit na tasks. Tingnan ang kabuuang listahan ng ticketing features at tingnan kung paano sila makatutulong sa inyong help desk.
Ano ang mga benepisyo ng integration sa Axigen?
- Madali ang maintenance
- 24/7 na customer support
- Mataas ang seguridad
- May collaboration features
Enhance your help desk with ticketing
Add your email to LiveAgent ticketing system and provide the best customer support
Paano ang integration ng Axigen sa LiveAgent?
Ang Axigen ay puwedeng ma-integrate sa LiveAgent ticketing platform gamit ang IMAP/POP3. Madaling makita ang option na ito sa LiveAgent configuration options. Tingnan ang step-by-step guide sa ibaba kung paano ang integration ng Axigen sa inyong ticketing system.
- Kailangan bang mag-set up muna ng Axigen? Puntahan ang Axigen website at pumili ng plan na gusto ninyong simulan. May nakatutulong silang documentation section na may installation guide at ibang resources na kailangan ninyo. Kapag may access na kayo sa Axigen at na-set up na, pumunta sa LiveAgent at ituloy ang susunod na hakbang.
- Kapag handa na ang Axigen, puntahan ang LiveAgent account ninyo. Magsimula ng libreng trial kung wala pa kayong account. Pumunta sa Configuration > Email > Mail Accounts at i-click ang orange na Create button sa itaas. May listahan ng email providers na lalabas. Piliin sa baba ang Other at i-click ang IMAP/POP3 sa susunod na window.
- Ngayon ay kailangang ilagay ninyo ang detalye ng inyong Axigen sa LiveAgent para matapos ang integration. Ilagay ang username, password, at email address. Piliin ang fetching method, pati na ang server information at port. Huwag kalimutang piliin ang department na magiging responsable sa pangangasiwa ng tickets mula sa email address na ito. Kapag kuntento na kayo sa configuration, tapusin sa pag-click ng Save button sa ibaba ng window.
Tapos na kayo. Kukunin na ng LiveAgent ang mga Axigen email papunta sa inyong ticketing system. Panoorin ang video sa ibaba para makita ang ibang magagawa ng LiveAgent. Tingnan din ang features page para sa karagdagang options o tingnan ang aming Academy page nang matutuhan apa ng tungkol sa customer support.
Frequently Asked Questions
Ano ang Axigen?
Para sa kanilang plans, may offer ang Axigen na email servers at groupware na maraming collaboration features. Ang users ng software ay makakapag-share ng calendars, files, at contacts, at makaka-check ng user availability habang maa-access din ito mula sa iba't ibang uri ng gadget. Ang seguridad ay multi-layered at madali ang administration ng Axigen, kaya perpekto ito para sa mga kompanyang may maliit na IT department.
Paano ginagamit ang Axigen?
Dagdag sa pagiging email server, magagamit din ang Axigen bilang office collaboration solution. Dahil simple lang itong i-maintain, ideyal ito sa mga kompanyang naghahanap ng madaling gamitin pero maaasahang email solution na may groupware capabilities. Sobrang secure din ito para sa mga naghahanap ng proteksiyong extra. Nagbibigay ang Axigen team ng 24/7 customer support sa bawat kliyente kaya di na kailangang mag-alala sa troubleshooting. Available din ang LiveAgent integration. Para sa mga kompanyang gusto ng dedicated na customer support solution para sa kanilang help desk, ideyal ang ganitong uri ng solution.
Ano ang mga benepisyo sa integration ng Axigen?
Madali ang maintenance 24/7 na customer support Mataas ang seguridad May collaboration features
Paano gawin ang integration ng Axigen sa LiveAgent?
Pumunta sa LiveAgent at buksan ang Configuration > Email > Mail Accounts Gumawa ng bagong email at piliin ang Other Piliin ang IMAP/POP3, ilagay ang mga detalye, at i-click ang Save
Discover the power of IceWarp Mail Server, a versatile collaboration and email solution with custom domains, document editing, calendar sharing, and more. Seamlessly integrate with LiveAgent for enhanced customer support and communication management. Try it free and elevate your business efficiency today!
Discover seamless email, calendar, and collaboration solutions with Microsoft Exchange Server's integration into LiveAgent. Enhance your customer support and streamline workflows with a fully-featured ticketing system that handles emails, live chat, social media, and more. Perfect for businesses of all sizes. Start your free trial now!