Blogger integration
Partner website
Partner Privacy Policy
Ano ang Blogger?
Ang Blogger ay isang libreng online content management system na ginagamit sa paggawa ng user blogs. Ang mga user ay puwedeng gumamit ng sarili nilang custom subdomains. Lahat ng blog posts ay time-stamped at puwedeng ma-edit. Maliban pa sa standard blog features, ang Blogger ay compatible din sa ibang produkto ng Google.
Ang Blogger ay kilala sa dali ng paggamit nito kahit sa mga baguhan, na puwedeng makagawa at makapag-set up ng isang blog nang mas mabilis pa sa 10 minuto. Ito ang dahilan kung bakit ito ang isa sa pinakasikat na pagpipilian pagdating sa blogging CMS.
Paano ginagamit ang Blogger?
Gusto ba ninyong gumawa ng isang personal o business blog? Madaling kayong matutulungan ng Blogger dito. Alamin kung gusto ninyong gumawa ng isang personal, business, niche, o affiliate blog. Pumili ng pangalan at simulang magsulat ng articles, reviews, at marami pa.
Ang paggawa ng custom blog ay puwedeng maging napaka-epektibong paraan para ma-promote ang business ninyo sa kahit anong industriya. Ang mga blog post at reviews ay puwedeng magamit para mapalaganap ang tungkol sa mga produkto at serbisyo ninyo. Puwede rin kayong maglagay ng affiliate links, o makakuha ng sponsors mula sa ibang business para kumita nang extra.
Ang isang purpose-driven blog ay alam agad ang target audience nito at alam din kung ano ang inaasahan ng audience sa isang produkto o serbisyo. Ang golden rule ay magsulat ng content na nakatutulong at hagip agad ang punto imbes na magsulat para lang may blog post. Isa pa, ang mga blog ay puwedeng ikonekta sa ibang communication channels tulad ng social media, eCommerce websites, at customer support.
Ang LiveAgent ay makatutulong sa pagpapalawak ng customer support gamit ang live chat widget na puwedeng ilagay sa Blogger blog. Ang live chat ang perpektong tool para makapagbigay ng mahusay at maaasahang customer support sa mga customer na nagbabasa sa blog ninyo. Isang simpleng code na ilalagay sa blog site ninyo ang makasisigurong kahit anong customer inquiry ay maaayos agad sa ikatutuwa ng customer.
Ang LiveAgent ang may offer ng isa sa pinakamabilis na live chat widgets sa market, na ang bilis ng pag-display ng chat ay di lalampas sa 2.5 segundo. Sa bilis pa lang, makasisiguro nang masasagot ninyo ang customer inquiries nang mas mabilis kaysa sa dati. Isa pa, ito ay fully connected sa multichannel ticketing system ng LiveAgent at puno ng nakatutulong na productivity features na lalong magpapadali sa komunikasyon.
Pakinabangan ang custom chat buttons na bagay sa blog design ninyo, o gumawa at mag-upload ng sarili ninyong disenyo para sa inyong unique na hitsura. Sumagot nang mas mabilis gamit ang real-time typing view na makapagbibigay ng pagkakataong makita ang sinusulat ng customers bago pa nila ito ipadala. Ang proactive chat invitations naman ang magsisigurong ang live chat ninyo ay madaling makikita at puwedeng magtaas ng engagement dahil sa mga call-to-action.
Ano ang mga benepisyo ng Blogger integration?
- Tumataas ang customer engagement
- May call-to-action dahil sa proactive chat invitations
- Sobrang bilis na live chat widget
- Custom chat designs para tumugma sa blog ninyo
Looking to chat more with your audience?
Get a fully features live chat widget on your website. Increase engagement with LiveAgent's lightning fast live chat today.
Paano ang integration ng Blogger sa LiveAgent live chat
Ang integration ng LiveAgent live chat sa Blogger ay kasingdali ng pag-set up ng bagong blog. Ang kailangan lang gawin ay gumawa ng chat button sa LiveAgent at ilagay ito sa blog code. Sundin ang guide sa ibaba para malaman kung paano ito gagawin.
- Buksan ang inyong LiveAgent account at pumunta sa Configuration > Chat > Chat Buttons at i-click ang orange na Create button sa itaas para masimulan ang paggawa ng inyong live chat button. May lalabas na Chat button creation window.
- Ngayon, pumili ng disensyo para sa chat button na gusto ninyo. Mamili sa maraming istilo ng chat button – Bubble, Side, Corner, o Inline – o laktawan ang pagpili at mag-upload ng sarili ninyong custom design. Puwede itong gawin sa pag-click sa Custom tab. Puwedeng mag-upload ng disenyo mula sa isang image, o puwede ring magsulat ng sarili ninyong HTML code. Kapag nakapili na kayo, pumili ng chat button at ibabalik kayo nito sa button configuration.
- Sa configuration section, puwede ninyong pangalanan ang button at pumili ng department na magiging responsable sa mga darating na customer chat. Puwede rin kayong pumili ng wika ng chat window, mag-request ng impormasyon mula sa mga customer sa pamamagitan ng pag-fill out ng form, pagpili ng maximum na haba ng chat queue, at iba pang options. Naipaliwanag na ang lahat tungkol sa configuration. Kapag tapos na kayo, puwedeng gumawa ng Preview at Test para subukan muna ito, o i-Save na ang button para tapusin ang paggawa.
- Ngayong tapos na at Saved na ang chat button ninyo, i-click ang Integration tab sa kaliwang panel ng window. Makikita ninyo ang isang generated integration code. Kopyahin ang code at i-paste ito sa Blogger blog code ninyo. Kung di kayo sigurado kung saan mahahanap ang blog code, sundin ang sumusunod na hakbang.
- Pumunta sa Blogger at pumili ng blog na gusto ninyong lagyan ng live chat button. Pagkatatapos ay piliin ang Theme sa kaliwang panel at i-click ang Arrow sa tabi ng Customize button. Piliin ang Edit HTML at makakakuha na kayo ng access sa blog code.
- Ngayon, i-copypaste lang ang code sa blog code ninyo. Mag-scroll down hanggang sa dulo at i-paste ito sa ibabaw ng
Iyon lang, puwede na ninyong magamit ang chat button sa Blogger website ninyo. Ngayon, madali nang masagot ang kahit anong tanong ng customer ninyo. Kung gusto ninyong tingnan ang iba pang chat button placement options, tingnan ninyo dito.
Nais pa ninyo ng karagdagang detalye tungkol sa LiveAgent live chat o iba pang features? Tingnan ang aming live chat features page o ang aming live chat page para makita kung ano pa ang kaya nitong gawin at paano ninyo ito mapapakinabangan.
Simplify your workflow and deliver exceptional customer service with ease
Provide prompt and efficient responses, improve engagement with your readers, and elevate your blogging experience with the LiveAgent's Blogger integration.
Frequently Asked Questions
Ano ang Blogger?
Ang Blogger ay isang libre at sikat na blogging at CMS (content management system platform). Kilala ito dahil madali itong gamitin. Inaabot ng 10 minuto lang ang mga bagong user para makapagsimulang magsulat ng kanilang unang blog post gamit ang Blogger.
Puwede bang maglagay ng live chat button sa Blogger?
Oo, madali ninyong mailalagay ang custom live chat button sa Blogger website ninyo. Ang kailangan lang gawin ay mag-set up ng LiveAgent account at gumawa ng bagong chat button. Inaabot ito ng ilang minuto lang. Alamin pa ang karagdagang detalye tungkol sa proseso dito sa article na ito.
Puwede bang mag-integrate ang Blogger sa LiveAgent?
Puwede ninyong mailagay ang mabilis na live chat widget ng LiveAgent sa blog ninyo at simulang sumagot sa mga katanungan ng customers at readers din. Inaabot ito ng ilang minuto lang.
Integrate Gmail with LiveAgent for seamless customer communication. Easily connect your Gmail account to LiveAgent to track inquiries and enhance helpdesk operations. Enjoy a unified dashboard, free email integration, and efficient customer support. Follow simple steps to connect Gmail or use Zapier for custom integrations. Start your free trial today and improve your support services!
Discover how integrating Google Analytics with LiveAgent can enhance your marketing strategies by tracking live chat sessions and analyzing their impact on visitor conversions. Learn how to effectively monitor customer interactions and boost your website's performance. Start a free trial today with no obligations!
Magbigay ng mahusay na customer service.
Discover LiveAgent, the all-in-one help desk software that enhances customer service with 24/7 support and no setup fees. Easily manage tickets across multiple channels, boost revenue with fast live chat, and improve issue resolution through advanced call center features. Start a free trial without the need for a credit card and experience seamless customer communication today!