Cisco Secure Email integration
Partner website
Partner Privacy Policy
Ano ang Cisco Secure Email?
Ang Cisco Secure Email ay isang email server solution na ideyal para sa malalaking kompanya na kailangan ng protektadong email solution. Ang mataas na level ng seguridad ay ang pangunahing feature nito, at nagiging piling solution ito ng mga kompanyang nangangailangan ng mataas na level ng proteksiyon. May offer itong antivirus, proteksiyon sa spam, phishing at spoofing, proteksiyon ng domain, pati na encryption options.
Paano ginagamit ang Cisco Secure Email?
Ang Cisco Secure Email ang pinipiling solution ng malalaking kompanyang kailangang kumonekta ng maraming email account. Nagbibigay ang Cisco ng kamangha-manghang security options na sisiguraduhing protektado ang mga komunikasyon ninyo. Meron itong pinakamagaling na options sa proteksiyon ng email connection na may anti-virus at anti-spam bilang standard features. Ang proteksiyon laban sa phishing at proteksiyon ng domain, pati proteksiyon laban sa spoofing at encryption ay mapapakinabangan kapag nangangasiwa kayo ng sensitibong impormasyon. Ang Cisco Secure Email ay puwedeng ma-integrate sa LiveAgent ticketing software. Mapapahusay nito nang husto ang customer support capabilities habang nagbibigay ng mataas na level ng data protection.
Makatutulong ang LiveAgent sa organisasyon ng inyong email communication at mako-convert ito bilang tickets na madaling ma-solve mula sa interface. Suportado rin ang ticketing ng productivity features kaya magiging mas epektibo kayo. Tingnan ang universal inbox, canned messages, o split tickets nang makita kung gaano ito makatutulong sa bawat customer support agent. Gamitin ang automation rules para mag-automate ng paulit-ulit na tasks at maglaan ng oras sa mas mahahalagang bagay.
Bukod sa email communication, kaya ng LiveAgent na hawakan ang maraming customer support channels. Mag-enjoy sa pag-access sa live chat, call center, customer portal, o social media. Ilagay ang Facebook, Twitter, Instagram, at Viber para madagdagan ang inyong social media capabilities. Ang bawat customer service channel ay suportado ng sarili nitong features para mas mapadali ang trabaho ninyo. Tingnan ang buong listahan ng features at alamin kung paano kayo matutulungan ng mga ito sa iba’t ibang sitwasyon.
Ano ang mga benepisyo ng Cisco Secure Email?
- Malakas ang cybersecurity approach
- Isa sa pinaka-protektadong email servers
- Ideyal para sa malalaking kompanya
- Proteksiyon sa phishing at marami pa
Safe and secure email ticketing
Switch to LiveAgent and provide safe customer support for all of your customers
Paano ang integration ng Cisco Secure Email sa LiveAgent?
Ang pag-integrate ng Cisco Secure Email sa LiveAgent ticketing platform ay posible sa IMAP/POP3. I-click ang LiveAgent configuration option para ma-access ito. Ipapakita sa ibaba ang step-by-step guide kung paano ang integration ng Cisco Secure Email sa inyong ticketing system.
- Kailangan bang mag-set up muna ng Cisco Secure Email? Pumunta sa Cisco Secure Email website at pumili ng libreng trial bago magbayad ng plan. Kapag naka-setup na ang Cisco Secure Email, pumunta sa LiveAgent at ipagpatuloy ang susunod na mga hakbang.
- Puntahan ang LiveAgent account ninyo kapag handa na ang Cisco Secure Email. Magsimula ng libreng trial kung wala pa kayong account. Idagdag ang email ninyo sa Configuration > Email > Mail Accounts sa pag-click ng Create button sa itaas. May listahan ng email providers na lalabas. Piliin sa baba ang Other at i-click ang IMAP/POP3 sa susunod na window.
- Para makumpleto ang integration, kailangang ibigay ang mga detalye ng Cisco Secure Email sa LiveAgent. Hihingin sa inyo ang inyong username, password, at email address. Tapos makapipili na kayo ng fetching method at ilagay ang server information. Siguraduhing pumili ng department na hahawak ng mga ticket mula sa email address na ito. Sa ibaba ng window, i-click ang Save button kapag kuntento na kayo sa configuration.
Tapos na kayo, at kukunin na ng LiveAgent ang mga Cisco email papunta sa inyong ticketing system. Magdagdag lang ng marami pang email accounts o gumawa ng maraming integrations. Basahin ang LiveAgent Academy nang matutuhan ang pagbibigay ng customer support, o panoorin ang aming video tour sa ibaba para sa karagdagang info sa LiveAgent.
Frequently Asked Questions
Ano ang Cisco Email Security?
Ang malalaking kompanyang nangangailangan ng magaling sa seguridad na email solution ay magbebenepisyo sa Cisco Secure Email. Bilang may high level na seguridad, ito ang nagiging top choice sa mga business na kailangan ng mataas na level ng proteksiyon. Gamit ang software, protektahan ang sarili ninyo laban sa spam, phishing, domain hacking, panggagaya, at pagnanakaw.
Paano ginagamit ang Cisco Email Security?
Ang Cisco Secure Email ay ang perpektong solution sa malalaking organisasyon at korporasyon na kailangang magkonekta ng napakaraming email account. Sa kanilang standard features na antivirus at anti-spam, may offer silang pinakamahusay na proteksiyon laban sa email attacks. Sa pangangasiwa ng sensitibong data, ang proteksiyon sa domain at proteksiyon laban sa phishing, panggagaya, at encryption, malaking tulong ito. Puwede ninyong ma-integrate ang Cisco Secure Email sa LiveAgent ticketing software.
Ano ang mga benepisyo sa integration ng Cisco Email Security?
Malakas ang cybersecurity approach Isa sa pinaka-protektadong email servers Ideyal para sa malalaking kompanya Proteksiyon sa phishing at marami pa
Paano gawin ang integration ng Cisco Email Security sa LiveAgent?
Pumunta sa LiveAgent at buksan ang Configuration > Email > Mail Accounts Gumawa ng bagong email at piliin ang Other Piliin ang IMAP/POP3, ilagay ang mga detalye, at i-click ang Save
Integrate Gmail with LiveAgent for seamless customer communication. Easily connect your Gmail account to LiveAgent to track inquiries and enhance helpdesk operations. Enjoy a unified dashboard, free email integration, and efficient customer support. Follow simple steps to connect Gmail or use Zapier for custom integrations. Start your free trial today and improve your support services!
Discover seamless integration with MailEnable, the top email server for Microsoft Windows, offering robust security and Outlook compatibility. Enhance your business communication by connecting MailEnable with LiveAgent's help desk for improved customer support. Experience the benefits of fast, secure, and feature-rich services with a free 30-day trial. Start your journey to efficient customer service today!
Discover seamless email management with Zoho Mail integration on LiveAgent. Perfect for businesses, this integration centralizes email handling, enhances customer interactions, and boosts agent productivity. Effortlessly connect Zoho Mail via Zapier to streamline your workflow with a unified dashboard, chat software, and popular integrations. Visit now to elevate your customer support experience!
Integrate Sendmail with LiveAgent to enhance your email routing and SPAM protection. Seamlessly connect to manage email communication, block unwanted mails, and streamline your customer support workflow. Enjoy features like universal inbox, live chat, and social media integration for efficient service. Try LiveAgent for free today!