Dovecot integration
Partner website
Ano ang Dovecot?
Ang Dovecot ay isang email server solution na nakapokus sa pagbibigay ng magaling na performance, flexible na authentication, at self-optimization. Madali itong gamitin dahil sa kanyang self-healing na capabilities kung saan ito mismo ang naghahanap ng sariling isyu at mag-isang aayusin agad. Extensible din ito at nagbibigay ng kakayahan sa madaling administration. Nakapokus din ang Dovecot sa seguridad para protektahan ang email communication at may offer itong madaling migration options para sa mga taong lilipat mula sa ibang email server solution.
Paano ginagamit ang Dovecot?
Ang Dovecot ay magandang solution sa mga business na kailangan ng maaasahang email server solution. Kahit kailangan pa rin nito ng administration, naaayos naman ng Dovecot ang ilang problema nang mag-isa at walang kailangang tulong. Nagbibigay din ito ng standard na security options, pati na ang madaling migration at extension support. Magbebenepisyo ang malaking kompanya sa Dovecot kung ang kukunin nila ay ang OX Dovecot Pro. Puwede ang integration ng Dovecot sa LiveAgent. Gamitin ito bilang email client nang mapaigting ang inyong customer support sa dedicated at fully featured na ticketing solution. Kayang pamahalaan ng LiveAgent ang malaking volume ng email addresses, kaya magdagdag lang kayo ng marami kung kailangan.
Pangasiwaan ang mga incoming email gamit ang isang ticketing system na tutulungan kayong mag-organisa at mag-filter ng inyong komunikasyon. Pakinabangan ang ilang productivity features tulad ng canned messages na nagagamit ninyo sa pagsagot nang mabilisan, o universal inbox na nasusundan ang lahat ng customer channels sa iisang ticket thread mula sa isang customer. Tama, kahit paano pa kayo gustong kausapin ng mga customer, ang bawat linya ng komunikasyon ay mananatiling organisado at nasa iisang lugar lang.
Pakinabangan ang maraming communication channels at idagdag ang call center, live chat, customer portal, o social media. Ang bawat channel ay may sariling set ng features. May offer din ang LiveAgent na ilang integration options bukod sa email. Tingnan ang aming feature at integration page nang makita kung ano ang kakayahan ng aming ticketing system.
Ano ang mga benepisyo ng Dovecot?
- Madali ang administration
- May self-fixing capabilities
- May extension options
- Napakagaling na performance
Improve your help desk with LiveAgent
Add your Dovecot email to LiveAgent and start providing excellent support for your customers
Paano ang integration ng Dovecot sa LiveAgent?
Ang pag-integrate ng Dovecot sa LiveAgent ticketing platform ay posible sa IMAP/POP3. Maa-access ito sa LiveAgent configuration screen. Ipapakita ng sumusunod na hakbang kung paano ang integration ng Dovecot sa inyong ticketing system.
- Kailangan ba ninyong mag-install muna ng Dovecot? Pumunta sa Dovecot website at mag-download ng pinakabagong stable release. Kapag naka-setup na ang Dovecot, pumunta sa LiveAgent at ipagpatuloy ang susunod na mga hakbang.
- Kapag handa na ang Dovecot gamitin, mag-log in sa LiveAgent account ninyo. Magsimula ng libreng 14-araw na trial kung wala pa kayong account. I-click ang Create button sa taas ng Configuration > Email > Mail Accounts para idagdag ang email account ninyo. May listahan ng email providers na lalabas. Piliin ang huling option na Other, kasunod ng IMAP/POP3.
- Kailangang ilagay sa LiveAgent ang detalye ninyo sa Dovecot para makumpleto ang integration. Hihingin ng LiveAgent ang inyong Dovecot email address, password, at username. Kapag naibigay na ang impormasyong ito, pumili ng fetching method at server information. Piliin ang department na makatatanggap ng tickets mula sa email address na ito. Kapag kuntento na kayo sa configuration, i-click ang Save button sa ibaba ng window.
Pagkatapos, kukunin na ng LiveAgent ang mga Dovecot email papunta sa inyong ticketing system. Magdagdag lang ng marami pang email accounts o gumawa ng maraming integrations. Para sa karagdagang info sa LiveAgent, panoorin ang video sa ibaba. Basahin ang LiveAgent Academy na nagbibigay ng impormasyon sa pagbibigay ng customer support.
Frequently Asked Questions
Ano ang Dovecot?
Isang pangunahing feature ng Dovecot ang pagbibigay ng performance, versatile na authentication methods, at pati self-optimization. Ang self-healing nitong kapasidad ang nagbibigay kakayahan sa software na automatic na hanapin at ayusin ang anumang isyu nito, kaya napakadali nitong gamitin. Napaka-flexible din ng software at nagbibigay ito ng madaling paraan para ma-administer. Bukod sa pagbibigay ng seguridad para sa email communication, may offer ang Dovecot na madaling migration options kung maglilipat kayo mula sa ibang email server.
Paano ginagamit ang Dovecot?
Ang mga business na naghahanap ng maaasahang email server ay matutuwa sa Dovecot bilang magaling na option. Kahit kailangan nito ng administration, naaayos naman ng Dovecot ang ilang problema nang mag-isa at walang kailangang tulong. May security options ito, pati na migration at extension capabilities. Magbebenepisyo ang malaking kompanya sa Dovecot kung ang kukunin nila ay ang OX Dovecot Pro. Puwede ninyong idagdag ang Dovecot sa LiveAgent bilang email client para matulungan ninyo ang customer support gamit ang dedicated at fully-featured na ticketing solution.
Ano ang mga benepisyo sa integration ng Dovecot?
Madali ang administration May self-fixing capabilities May extension options Napakagaling na performance
Paano gawin ang integration ng Dovecot sa LiveAgent?
Pumunta sa LiveAgent at buksan ang Configuration > Email > Mail Accounts Gumawa ng bagong email at piliin ang Other Piliin ang IMAP/POP3, ilagay ang mga detalye, at i-click ang Save