Everhour integration
Ano ang Everhour?
Ang Everhour ay isang libreng time tracking application na gumagawa ng billing at budgeting, task management, visual planning, expense management, at invoicing. Ginagamit ito sa automation ng time tracking at may offer na malaking bilang ng integrations sa ibang popular na applications. Puwede ring i-download ang Everhour bilang browser extension o iPhone app. Pero marami pang kayang gawin ang Everhour. Tingnan ang Everhour features page para makita kung ano pa ang puwede nitong magawa para sa inyong business.
Paano gagamitin ang Everhour integration sa LiveAgent?
Ang kapasidad ng Everhour sa time tracking ay puwedeng magamit para sukatin ang oras na nagugol sa tickets sa LiveAgent. Madali ninyong mada-download ang browser extension ng Everhour na available sa ibang popular na browsers, kasama na ang Chrome, Safari, Firefox, at Microsoft Edge. Ang integration ay ganap na libreng gamitin. Puwede kayong mag-register ng libre ninyong account sa Everhour at magsimulang mag-track ng oras ninyo sa lahat ng tickets na hindi kinakailangang magpalit ng tabs.
Ano ang mga benepisyo sa paggamit ng integration sa Everhour?
- Eksaktong time tracking
- Libreng browser extension
- Madaling ma-download at magamit
Paano mag-integrate ng Everhour sa LiveAgent
Ang proseso ng integration ay napakasimple. Ang kailangan lang gawin ay i-download ang browser extension ng Everhour at bigyan ito ng access sa LiveAgent. Tingnan ang guide sa ibaba para makita ang step-by-step na dapat gawin.
Ang unang step ay mag-sign up.
- Pagkatapos makumpleto ang pagrehistro sa lahat ng steps, maiimbitahan kayong i-download ang browser extension. Makukuha ito sa Chrome, Safari, Firefox, at Edge. Pagka-click ninyo sa link, dadalhin kayo sa inyong browser extension o sa add-on store.
- Kung hindi ninyo ginamit ang Google sa pag-login, kailangan ninyong mag-login sa inyong account sa extension. Kung ginamit ninyo ang Google login, dapat nakapag-login na kayo. Puwede ring gamitin ang pin icon para siguradong palaging nakikita ang extension.
- Ang susunod na hakbang ay kailangan ninyong bigyan ng permission ang Everhour na gawin ang time tracking sa web application ng LiveAgent. I-click ninyo ang icon ng Everhour sa inyong browser tapos i-click ang inyong profile. Buksan ang Integrations, hanapin ang LiveAgent, at paganahin ang permission.
- Iyon na iyon. Ngayon, puwede nang i-track ang oras ninyo sa tasks sa LiveAgent. Puwede ninyong makita ang live status sa changing icon, pati na rin ang oras na na-track basta i-click ninyo lang iyon.
Maa-access ang lahat ng time entries sa app.everhour.com para makita ang lahat ng time entries. Automatic na kinokopya ng Everhour ang LiveAgent ticket titles at links sa lahat ng time entries para mas madaling ma-access.
Integrate your site with other applications to expand your business.
Choose from LiveAgent's wide range of apps, tools and plugins.
Discover TimeCamp, a feature-rich time tracking app integrated with LiveAgent. Track team projects, tasks, and productivity effortlessly with automatic time tracking. Enjoy free access or opt for advanced features to enhance your team's performance and customer support. Start your free 14-day trial today and optimize your workflow with seamless integration. No credit card required!