Feederloop integration
Ano ang Feederloop?
Ang Feederloop ay isang serbisyong may offer ng inbound at outbound na video calls, co-browsing, at replays ng sessions na puwedeng ilagay sa kahit anong website bilang isang widget. May offer din itong mahusay na analytics features, voice message, at team management. Puweng gamitin ang Feederloop sa iba’t ibang scenario tulad ng pagbibigay ng madaling communication options para sa mga kliyente o customer, pag-aayos ng mga proseso ng hiring at onboarding, at pagpapataas ng kapasidad ng team sa sales sa pamamagitan ng madaling gamiting tool.
Paano gagamitin ang Feederloop integration sa LiveAgent?
Ang integration ng Feederloop ay hinahayaang makakonekta ang customer sa video call diretso sa live chat ng LiveAgent. Tuwing nagcha-chat kayo ng inyong customer, may makikita kayong link sa ticket panel sa bandang kanan para makasali kayo sa session ng customer sa Feederloop. Kapag nakasali na kayo, may access kayo sa lahat ng features na magagamit sa Feederloop, kaya hindi ito limitado sa video calling lang. Puwede ring simulan ang screen-sharing at co-browsing. Hindi kailangang umalis ng customer ninyo sa website. Lahat ng kailangan nilang gamitin ay nasa iisang lugar lang.
Ano ang mga benepisyo sa paggamit ng Feederloop integration sa LiveAgent?
- Call at video call sa customer mula sa chat
- Madaling i-implement at gamitin
- Screen sharing at co-browsing
- Lahat ay magagamit diretso mula sa inyong website
Paano mag-integrate ng Feederloop sa LiveAgent
Ang integration ng Feederloop ay simple at saglit lang gawin. Sundan ang mga hakbang at i-integrate agad ang Feederloop sa LiveChat.
Ang unang kailangang gawin ay may-login sa Feederloop o gumawa ng account sa Feederloop registration page at sundan lang ang madaling gamiting guide na makikita sa introduction page. Kapag natapos na ito, pumunta lang sa Admin > Integration at i-activate ang slider na nasa card ng LiveAgent.
Ngayon, pumunta naman kayo sa account ng LiveAgent at buksan ang Configuration > System > Ticket Fields. Gumawa ng bagong ticket field at sulatan ang fields gamit ang impormasyon sa ibaba nito at i-save ang mga binago.
Code: join_in_feederloop
Name: Join in Feederloop
Type: Textbox
Validator: Web address / URL
Visibility: Show if used
Iyon lang! Ngayon, puwede na ninyong maka-video chat sa Feederloop ang inyong mga customer kahit anong oras habang nasa live chat session sa inyong LiveAgent ticketing. Makikita ninyo ang link para sumali sa Feederloop call sa ticket panel sa kanan.
Looking to improve your customer communication?
Get started with LiveAgent and enjoy over 200 smooth integrations with popular business software solutions. Start your free trial today!
Discover seamless project management with Trello and LiveAgent integration! Easily manage tasks, automate processes, and enhance workflow efficiency without switching apps. Integrate through Zapier and enjoy advanced task management, all from your LiveAgent dashboard. Start your free trial now—no obligations!