FlowHunt integration
Ang FlowHunt ay isang walang code na workflow automation platform para makagawa ng AI tools at mga chatbot. Hahayaan ang users ng intuitive nitong visual interface na makagawa ng custom automation Flows sa pagkonekta ng pre-made blocks, na sinisimplehan at ginagawang accessible ang mga komplikadong automation. Para sa karagdagang detalye, puntahan ang FlowHunt website.
Sa FlowHunt integration, makokonekta ninyo ang mga custom AI chatbot sa inyong LiveAgent chat buttons. Makaka-deliver ang FlowHunt chatbots ng mga sagot na updated batay sa inyong data, magagabayan pa ang users gamit ang mga self-help material, suwabeng makakapag-escalate ng tickets sa mga taong agent, makaka-generate ng leads, at marami pa.
Mga Benepisyo ng FlowHunt chatbots
Pag-automate ng routine queries – Magbigay ng instant na sagot sa mga tanong ng customer. Lahat ng sagot ay batay sa updated na impormasyon mula sa inyong website, internal knowledge base, o kahit sa mga video.
Pag-escalate ng komplikadong queries – Salamat sa kakayahan sa pagdedesisyon ng mga AI Agent, alam ng chatbot kung kailan dapat mag-escalate ng mga komplikadong problema sa support na tao.
Pre-defined FAQs – Tinitiyak ang consistency sa pagkuha ng sagot sa karaniwang mga tanong.
Multilingual support – Awtomatikong nakikipag-usap sa mga customer gamit ang gusto nilang wika.
24/7 na support – Hindi natutulong ang mga chatbot kaya makakapagbigay kayo ng customer support buong araw.
Lead generation – Kaya ng FlowHunt chatbots na madaliang makakuha at makapag-qualify ng leads.
Unli na custom chatbot – Makakagawa kayo ng custom chatbot para sa iba-ibang gamit gaya ng sales o lead generation.
Presyo ng FlowHunt integration
Hindi naniningil ang LiveAgent ng karagdagang bayad para sa integration na ito. Ang paggamit ninyo ng chatbot ay hiwalay na ibi-bill gamit ang credit-based pricing model ng FlowHunt para babayaran lang ninyo kung ano ang nagamit ninyo.
Paano mag-integrate ng FlowHunt
Nakipag-partner kami sa FlowHunt bilang eksklusibong AI chatbot provider. Dahil ang FlowHunt ay dinevelop ng parehong kompanya ng LiveAgent, mas napoprotektahan namin ang inyong customer data at nabibigyan kayo ng priority support.
Bago kayo gumamit ng custom chatbot sa inyong mga LiveAgent chat widget, dapat munang ma-integrate ang inyong FlowHunt workspace sa inyong LiveAgent account. Heto ang paraan:
Paggawa ng FlowHunt API key
Mag-login sa inyong FlowHunt account.
Sa bandang kaliwang menu, i-click ang Workspace settings -> API Keys.
I-click ang “Ilagay ang API key” sa kanang kanto sa taas.

- Pangalanan ang inyong keys at i-click ang Ilagay ang API Key.
May lalabas na pop-up na may key number ninyo. Tiyaking makokopya ninyo ang key at maitatago para protektahan ito. Ito lang ang pagkakataong maa-access ninyo ito.
Pagkonekta sa LiveAgent AI provider
Sa inyong LiveAgent account, puntahan ang Configuration -> AI -> Setup AI provider at i-click ang “Idagdag ang AI provider”.
Piliin ang “FlowHunt”.
- Ilagay ang API key na ginawa ninyo at pumili ng pangalan para sa inyong integration. (Napakahalaga ng pagpili ng pangalan kung gumagamit kayo ng maraming workspace sa FlowHunt. Ang bawat workspace ay may kanya-kanyang API at dapat itong ilagay bilang hiwalay na provider connection.)

Paggawa ng LiveAgent chatbot
Sa LiveAgent, puntahan ang Configuration -> AI -> Chatbot at i-click ang button na “Maglagay ng chatbot”.

- Pumili ng AI provider at i-click ang kasunod.

- Pumili ng Flow mula sa listahan ng mga naroon sa inyong FlowHunt workspace.
Pumili ng pampublikong pangalan na makikita ng mga visitor sa chat widget.
Isulat ang internal na pangalan para makilala ang chatbot mula sa iba.
- Pumili ng minimum na bilang ng mga required na sagot bago lumitaw ang option na makipag-chat sa isang tao na agent.

Tapos na ito! Ang inyong FlowHunt workspace ay naka-integrate na sa inyong LiveAgent account. Ang susunod na hakbang ay ang paggawa ng custom chatbot sa FlowHunt para mai-link ito sa isa sa inyong LiveAgent chat button. Para makapagsimula, sundan ang aming step-by-step guide.
Don't have LiveAgent yet?
No problem! LiveAgent offers a 30-day free trial where you can test the FlowHunt integration!
Discover Feederloop integration with LiveAgent, offering seamless inbound and outbound video calls, co-browsing, and session replays directly on your website. Enhance customer communication with easy-to-use features like screen sharing and advanced analytics, all without leaving the LiveAgent platform. Start your free trial today and elevate your team's efficiency and customer satisfaction!
Discover essential tips on managing your remote team effectively with our comprehensive remote work checklist. Perfect for business owners, HR departments, remote workers, and non-exempt employees, this guide offers the right tools and procedures to boost communication and productivity. Learn how to set working hours, define responsibilities, plan meetings, and maintain company culture, ensuring a seamless remote work experience. Visit us to enhance your remote team's efficiency and overcome common challenges.
Subaybayan at pamahalaan ang iyong mga lead at deal nang mas madali gamit ang PipeDrive CRM integration para sa LiveAgent. Gamit ang intuitive na dashboard, maaari mong gawing awtomatiko ang daloy ng trabaho, subaybayan ang komunikasyon, at magrehistro ng mga bagong deal nang direkta sa LiveAgent. I-optimize ang iyong benta at customer service ngayon!