GMX integration
Partner website
Partner Privacy Policy
Ano ang GMX?
Ang GMX (Global Mail eXchange) ay isang libreng email service na may kasamang advertising. Itinayo ang kompanya noong 1997 at subsidiary ito ng United Internet AG – isang German stock-listed na kompanya. Ito rin ay sister company ng 1&1 at Fasthosts Internet. Suportado nito ang POP3, IMAP4, o webmail protocols, habang pinapadala ang mail gamit ang SMTP. Ang bawat account na nakarehistro sa GMX ay suportado ang dagdag na mga serbisyo na kasama ang Mail Collector, Organizer, File Storage, at Address Book. May 10 indibidwal na GMX email address na limitasyon para sa bawat GMX user. Ang mail service na ito ay suportado ng advertisements para patuloy itong tumakbo, pati na pagbibigay ng walang bayad na serbisyo sa users.
Paano magagamit ang GMX?
Kung naghahanap ka ng maaasahan at libreng email service, GMX ang tamang choice. Hindi kasama sa serbisyo ang anumang hidden payments puwera lang kung gusto ng users na mag-upgrade sa premium account. May offer ang GMX na tatlong paid plans na nagbibigay ng mahalagang upgrades sa email capabilities. Ang users ay puwedeng magbayad para sa dagdag na email, cloud, o attachment storage, at puwede ring alisin ang anumang advertisements na kasama sa base version.
Ang GMX ay puwedeng magsilbi bilang ideyal na primary email server ng customer support salamat sa integration sa LiveAgent help desk software. Kasama sa LiveAgent ang ticketing system na suwabeng kokonekta sa GMX, ililipat ang lahat ng emails sa system, at iko-convert sila bilang tickets para sa mas madaling customer support. Sa dagdag na integration ng ibang customer support channels, makatutulong ang LiveAgent na makuha ninyo ang communication sa iisang lugar lang at tulungan kayong sumagot nang mas mabilis, mas maaasahan, at mas magandang resulta.
Makakuha ng tulong mula sa aming ticketing system – mag-handle ng live chat, at social media communication sa Facebook, Twitter, Instagram, o Viber. Gmawa ng sarili ninyong virtual call center na may inbound at outbound capabilities, mag-set up ng inyong customer portal na may forums, o magsulat ng informational guides para sa kasamang knowledge base. Kaya ng LiveAgent ang lahat ng importante at dadalhin ito sa inyo sa iisang convenient na lugar.
Ano ang mga benepisyo ng GMX
- Libreng base email para sa anumang user
- Dagdag na may bayad na storage options
- Secure at maaasahan
- Madaling registration at pag-setup
Let your clients reach you faster with live chat
Provide better support via email thanks to LiveAgent. Start ticketing and improve overall customer satisfaction.
Paano mag-integrate ng GMX sa LiveAgent
Simple lang ang integration process ng GMX sa LiveAgent at makukumpleto ito agad sa ilang minuto. Basahin ang maikling guide sa ibaba para makita kung paano ninyo ito magagawa sa sarili ninyong oras.
- Kung wala pa kayong nakahandang GMX email account, pumunta sa kanilang website at mag-register ng isang libreng account (o gumawa ng bayad na account, depende sa gusto ninyo). Ang website ay intuitive at gagabayan kayo nito sa registration process. Kung meron na kayong account, puwede nang laktawan ang hakbang na ito.
- Kung handa na ang account ninyo, pumunta sa inyong LiveAgent account (o magsimula ng libreng trial). Buksan ang Configuration > Email > Mail Accounts at piliin ang Outgoing email accounts o Incoming email accounts. Piliin ang outgoing kung gusto ninyong maging primary email address ninyo ito sa pagpapadala ng mga email, o pumunta sa Incoming kung gusto ninyong makakuha ng email mula sa account na ito sa inyong ticketing system. Anumang paraan, pareho pa rin ang integration process. Ituloy ang anumang option, at i-click ang Orange create button, at ituloy ang susunod na hakbang.
- May magbubukas na bagong window. Makikita ninyo ang selection ng email providers. Mag-scroll down at i-click ang Custom mailbox option sa ibaba. Dadalhin kayo nito sa susunod na section.
- Ang kailangan ninyong gawin ngayon ay ilagay ang inyong GMX sa system para masimulang kunin ng LiveAgent ang lahat ng inyong emails. Ilagay ang inyong email address, hostname, port, pati na ang inyong username at password sa GMX. Kapag nailagay na ang lahat, i-click ang Finish integration sa ibaba, at tapos na kayo.
Matagumpay ninyong natapos ang GMX integration sa LiveAgent. Sisimulan na ng system na kunin ang emails papunta sa inyong ticketing system. Silipin din ninyo ang ibang integration options namin, mag-browse sa LiveAgent Academy para matuto ng bagong bagay, o panoorin ang video sa ibaba para makapag-tour ng LiveAgent help desk system.
Looking for an easy and efficient way to manage your GMX email?
With LiveAgent, you can easily manage all of your GMX emails and customer communication in one place.
Frequently Asked Questions
Ano ang GMX?
Ang GMX (Global Mail eXchange) ay isang libreng email service na suportado ng advertising. Ang POP3, IMAP4, at webmail protocols ay suportado, at SMTP ay ginagamit sa pagpapadala ng mail. Kasama ang Mail Collector, Organizer, File Storage, at Address Book sa bawat GMX account. Posible para sa bawat GMX user na magkaroon ng maximum na 10 GMX address.
Paano magagamit ang GMX?
Dapat ninyong gamitin ang GMX kung kailangan ninyo ng maaasahan at libreng email service. Ang mga user ay di na kailangang magbayad ng anumang hidden fees puwera na lang kung mag-upgrade sila sa premium account. Tatlong paid subscription plans ang available na magbibigay ng mahalagang improvements.
Integrate Gmail with LiveAgent for seamless customer communication. Easily connect your Gmail account to LiveAgent to track inquiries and enhance helpdesk operations. Enjoy a unified dashboard, free email integration, and efficient customer support. Follow simple steps to connect Gmail or use Zapier for custom integrations. Start your free trial today and improve your support services!
Ikonekta ang GoTrunk VoIP sa LiveAgent nang libre at palakasin ang iyong call center operations. Alamin ang simpleng proseso ng integrasyon at magsimula sa mga mababang singil sa pagtawag gamit ang GoTrunk, isang nangungunang SIP trunking service. Siguraduhing ma-maximize ang iyong customer service experience sa pamamagitan ng advanced features ng LiveAgent call center software. Bisitahin ang aming site para sa higit pang detalye.
Discover how Giphy integration with LiveAgent can boost your customer engagement using animated GIFs. Effortlessly personalize your tickets, chats, and social media interactions with a vast collection of GIFs. Enjoy seamless integration for free and enhance communication across multiple channels, from emails to Slack. Activate Giphy easily in your LiveAgent dashboard and make customer service fun and engaging!