Google Forms integration
Partner website
Partner Privacy Policy
Ano ang Google Forms?
Ang Google Forms ay isang web-based na survey administration software. Bahagi ito ng Google Docs Editors suite. Ginagamit ito para sa pangongolekta ng data, impormasyon, at sa pag-research sa pamamagitan ng mga survey. Ang Google Forms ay libre prara sa lahat ng gustong gumamit nito.
Paano ito magagamit?
Kapag integrated sa inyong LiveAgent, puwede ninyong gamitin ang Google Forms para gumawa ng mga response, sundan ang notifications, at i-manage ang inyong mga form. Marami sa mga function na ito ang puwedeng gawin mula sa inyong dashboard, at di na ninyo kailangan pang magpalipat-lipat ng apps.
Mga Benepisyo
- I-manage ang inyong mga form mula sa iisang software
- Magdagdag o magpalit ng mga kasagutan
- Di na palipat-lipat ng software
Paano ang integration ng Google Forms sa LiveAgent via Zapier?
Puwedeng mag-integrate ng Google Forms gamit ang serbisyo ng Zapier. Puwede sa Zapier ang mainam na pagkonekta ng dalawang app at paggawa ng integrations sa kanila. Kailangan ninyong gumawa ng Zapier account sa link na ito. Kapag meron na kayo, pumunta sa Google Forms + LiveAgent integrations page sa Zapier.
Mag-scroll down sa page hanggang makita ninyo ang trigger and action selection. Ang unang hakbang para ma-integrate ang LiveAgent sa ibang app ay ang piliin ang kailangang magawa ng integration na ito. Magagawa iyon sa pamamagitan ng pagpili ng tamang triggers at actions.
Depende sa inyong integration setup, ang trigger at action setup ay maaaring mag-iba depende sa inyong kombinasyon. Gayunman, ang proseso ay madali lang gawin at puwedeng makumpleto sa ilang minuto lang.
Maraming kombinasyong mapagpipilian. Sa halimbawang ito, ang gamit namin ay ang guide para sa Forms trigger na New or Updated Response in Spreadsheet at LiveAgent action na Create Conversation. Matapos piliin, i-click lang ang blue na Connect button para sa susunod na hakbang.
Sa hakbang na ito, kailangan ninyong ibigay ang inyong login information at bigyan ng access ang Zapier. Puwede rin ninyong piliin kung aling spreadsheet, worksheet, o column — kasama na ang kanilang content — ang magiging bahagi ng integration.
Pagkatapos maibigay ang lahat ng detalye, hihingi ang Zapier ng trigger test. Puwede ninyong hindi gawin ito, pero mas nirerekomenda naming ituloy ito para makita kung tumatakbo ito nang maayos.
Ngayon naman, para sa LiveAgent, dahil gusto nating gumawa ng conversation sa ating ticketing system ang integration, kailangang i-configure ang sender, recipient, at message content. Meron ding department section para matukoy kung saang department mapupunta ang ticket na ito.
Ang parte ng setup na ito ay may non-required na fields tulad ng recipient name, CC email address, message ID, at iba pa. Puwede ninyong punan ang mga ito kung gusto ninyong mas maging specific ang message.
Ang huling bahagi ng integration process ay ang test.
Success! Handa na ang inyong integration. I-click lang ang Zap para ma-activate ito at simulan nang gamitin. Makatatanggap kayo ng message sa inyong ticketing system sa tuwing may bago o updated rna esponse sa inyong mga spreadsheet.
Kung gusto ninyong gumawa ng karagdagan at iba’t ibang integrations, balikan lang ang Zapier page sa simula ng article na ito at ulitin ang proseso.
Frequently Asked Questions
Ano ang mga benepisyo sa paggamit ng Google Forms sa LiveAgent?
- i-manage ang Google Forms ninyo mula sa LiveAgent - makakuha ng notifications sa LiveAgent tuwing may bagong mga sagot
Paano ang integration ng Google Forms sa LiveAgent?
1. Mag-sign in sa inyongr Zapier account 2. Pumunta sa Zapier - LiveAgent + Google Forms 3. Piliin ang preferences ninyo 4. I-click ang connect
I-integrate ang Gravity Forms sa LiveAgent upang lumikha ng mga form sa WordPress para sa mahusay na pangangalap ng data at pamamahala ng mga kustomer. Madaling subaybayan ang mga bagong isinumiteng form at simulan ang mga bagong pag-uusap. Subukan ito nang libre at mapabuti ang daloy ng iyong trabaho ngayon!
Integrate Gmail with LiveAgent for seamless customer communication. Easily connect your Gmail account to LiveAgent to track inquiries and enhance helpdesk operations. Enjoy a unified dashboard, free email integration, and efficient customer support. Follow simple steps to connect Gmail or use Zapier for custom integrations. Start your free trial today and improve your support services!
Discover how integrating Google Analytics with LiveAgent can enhance your marketing strategies by tracking live chat sessions and analyzing their impact on visitor conversions. Learn how to effectively monitor customer interactions and boost your website's performance. Start a free trial today with no obligations!
Integrate Google Calendar with LiveAgent to seamlessly manage and update events from one interface. Schedule and edit reminders easily, receive notifications for new or altered events, and enhance collaboration with colleagues. Enjoy a streamlined workflow without switching between apps. Try it for free and elevate your customer support experience today!