Google Sheets integration
Partner website
Partner Privacy Policy
Ano ang Google Sheets?
Ang Google Sheets ay isang programang spreadsheet na kasama sa office suite ng Google Docs. Ito ay libre at naka-browser base upang ang sinuman ay maaaring gumamit nito para sa kanilang personal o pang negosyong pangangailangan.
Paano mo ito gagamitin?
Gumamit ng Google Sheets upang subaybayan ang mga bagong naidagdag na sheet sa iyong mga folder. Maaari ka ring lumikha ng mga sheet mula sa simula o mga template, magdagdag ng mga teksto, mag-upload ng mga sheet o hanapin ang mga ito sa pamamagitan ng integrasyon sa LiveAgent.
Mga Benepisyo
- Subaybayan ang mga bagong sheet sa iyong dashboard
- Lumikha, magdagdag, mag-upload o magbahagi ng mga sheet mula sa LiveAgent
Paano isama sa LiveAgent ang Google Sheets sa pamamagitan ng Zapier
Ang Zapier ay isang serbisyong ginawa para sa pagsasama ng dalawang app sa pamamagitan ng sistemang pag-trigger at aksyon. Maaari mong isama ang Google Sheets sa LiveAgent sa pamamagitan ng Zapier. Hindi mo kailangan ng anumang mga kasanayan sa pag-code.
Kung wala kang account sa Zapier, lumikha dito. Pagkatapos ay magpatuloy sa pahina sa integrasyon ng LiveAgent at Google Sheets.
Mag-scroll pababa at pumunta sa seksyong pinangalanang Ikonekta ang LiveAgent + Google Sheets sa loob ng ilang minuto. Piliin ang iyong pag-trigger at aksyon sa seksyong ito. Maaari kang pumili mula sa maraming pagpipilian.
Bilang halimbawa, ipapakita namin sa iyo ang isang integrasyon na may pag-trigger sa Google Sheets na Bago o Na-update na Row ng Spreadsheet na may aksyon ng LiveAgent na Lumikha ng Pakikipag-usap. Maaari mong gamitin ang integrasyong ito upang mapanatiling naka-update ang iyong mga ahente tungkol sa mga bagong bagay sa iyong mga sheet. Kapag tapos ka ng pumili mula sa listahan ng mga integrasyon pindutin ang asul na buton na Ikonekta upang magpatuloy.
Mag-log in sa iyong account sa Google Sheets at magpatuloy sa pag-setup ng pag-trigger.
Maaari mo ring subukan ang pag-trigger bago matapos ang integrasyon. Inirerekumenda namin na gawin mo ito ngunit maaari mong laktawan ang hakbang na ito.
Ngayon mag-set up ng aksyon ng LiveAgent. Sa kaso namin, kailangan naming punan ang mga kinakailangang patlang tungkol sa pag-uusap na nilikha ng LiveAgent tuwing mayroong bago o na-update na sheet.
Kapag tapos ka na subukan ang integrasyon upang makita kung ito ay gumagana. Maaari mo ring suriin ang iyong mga tiket sa email at hanapin ang mensahe tungkol sa mga pag-update o bagong sheet.
Tapos ka na. Masiyahan sa iyong bagong integrasyon.
Huwag mag-atubiling bumalik sa gabay na ito kapag lumilikha ng mas maraming integrasyon.
Frequently Asked Questions
Para saan ginagamit ang Google Sheets?
Ang Google Sheets ay pangunahing ginagamit para sa organisasyon at pagtatasa ng data, o anumang piraso ng impormasyon.
Ano ang mga benepisyo ng integrasyon ng Google Sheets sa LiveAgent?
- hindi kailangang lumipat sa pagitan ng mga plataporma - maabisuhan tungkol sa bagong Google Sheets - lumikha/magbahagi ng Google Sheets mula sa iyong LiveAgent
Integrate Gmail with LiveAgent for seamless customer communication. Easily connect your Gmail account to LiveAgent to track inquiries and enhance helpdesk operations. Enjoy a unified dashboard, free email integration, and efficient customer support. Follow simple steps to connect Gmail or use Zapier for custom integrations. Start your free trial today and improve your support services!
Discover how integrating Google Analytics with LiveAgent can enhance your marketing strategies by tracking live chat sessions and analyzing their impact on visitor conversions. Learn how to effectively monitor customer interactions and boost your website's performance. Start a free trial today with no obligations!
Integrate Google Calendar with LiveAgent to seamlessly manage and update events from one interface. Schedule and edit reminders easily, receive notifications for new or altered events, and enhance collaboration with colleagues. Enjoy a streamlined workflow without switching between apps. Try it for free and elevate your customer support experience today!