IceWarp Mail Server integration
Ano ang IceWarp Mail Server?
Ang IceWarp ay isang Mail Server at collaboration software. May features itong mail na may custom domains, document editing capabilities, calendar sharing, instant messaging, at ibang collaboration tools. Umaandar ang solution sa Windows at Linux operating system. May offer itong modules na puwedeng ma-extend ang kapasidad sa groupware, spam protection, at antivirus protection
Paano ginagamit ang IceWarp Mail Server?
Ang IceWarp ay isang magaling na collaboration solution. Dahil kaya nitong hawakan ang malaking bilang ng users, bagay ito sa anumang laki ng business. Magdagdag lang ng kung ilan ang kailangan at mag-collaborate, chat, o mag-manage ng documents kasama ang lahat. Ang IceWarp Mail Server ay isang magaling na email solution para sa maraming help desk. Puwede rin itong ma-integrate sa LiveAgent help desk system para sa karagdagang customer support capabilities at toolset.
Makatutulong ang LiveAgent ticketing software sa madaling pag-manage ng mga email at contact list. Dagdag pa rito, puwede rin kayong maglagay ng chat widget sa inyong website, magtatag ng call center, o gumawa ng customer portal na may knowledge base para sa self-service. Puwede ring idagdag ang Facebook, Instagram, Twitter, at Viber para sa karagdagang social media capabilities.
Hindi pa iyan ang lahat dahil ang bawat communication channel na ito ay suportado pa ng napakaraming features na tutulungan kayo sa araw-araw na trabaho. Kasama sa ticketing features ang hybrid ticketing stream, rules sa paggawa ng maiinam na automation, canned messages, predefined answers, at marami pang iba. Tingnan ang lahat ng ticketing features dito at alamin kung ano pa ang makukuha ninyo sa LiveAgent ticketing software.
Ano ang mga benepisyo ng paggamit ng IceWarp Mail Server?
- Email server na may custom domain
- May kapasidad ng collaborative editing
- May shared calendar at documents
- Kayang hawakan ang maraming bilang ng users
Stay frosty with LiveAgent
Handle incoming customer communication with a dedicated help desk solution from LiveAgent and improve your customer support
Paano ang integration ng IceWarp Mail Server?
Ang IceWarp Mail Server ay madaling ma-integrate sa LiveAgent salamat sa simpleng connection sa LiveAgent configuration options. Sundan ang guide sa ibaba at aralin kung paano ang integration ng dalawang apps nang ilang minuto lang.

- Kailangan bang mag-install muna ng IceWarp Mail Server? Pumunta sa IceWarp website at magsimula. Pagkatapos, mag-install ng IceWarp server. Kung di kayo sigurado kung paano, panoorin ang magaling na video guide mula sa IceWarp na ituturo sa inyo ang proseso ng installation.

- Kapag okay na ang na ang IceWarp Mail Server email, buksan ang LiveAgent at i-click ang Configuration > Email > Mail Accounts at i-click ang orange na Create button. May ilang email providers na lalabas sa menu. Kailangang piliin ang Other. Piliin ang IMAP/POP3 sa dalawang option.

- Sa susunod na section, kailangang ilagay ang email address, isang username, at password sa inyong IceWarp account. Piliin ang method ng pagkuha sa mga email (POP3 o IMAP) at ilagay ang server at port information. I-save lahat pagkatapos nito.

Tapos na ang integration. Kukunin na ng LiveAgent ticketing system ang lahat ng inyong email communication mula sa IceWarp Mail Server. Samantala, tingnan ang aming Academy page o features page nang matutuhan ang tungkol sa help desks, customer support, at LiveAgent capabilities.
Frequently Asked Questions
Ano ang IceWarp Mail Server?
Ang IceWarp ay isang collaboration software at mail server. Maliban sa mail, nagbibigay ang application ng document editing capabilities, calendar sharing, instant messaging, at collaboration features. Dagdag sa kanilang groupware capabilities, may offer din itong spam protection module pati na antivirus protection module. Meron itong Linux at Windows versions.
Paano ginagamit ang IceWarp Mail Server?
Pinadali ang collaboration sa IceWarp. Dahil kaya nitong hawakan ang malaking bilang ng users, bagay ito sa anumang laki ng business. Lahat ng miyembro ay puwedeng mag-collaborate, chat, o mag-manage ng documents nang sabay-sabay. Magagamit ito bilang kapaki-pakinabang na email solution para sa mga help desk. Para sa mas pinahusay na customer support capabilities at toolset, puwede rin itong ma-integrate sa LiveAgent help desk system.
Ano ang mga benepisyo sa integration ng IceWarp Mail Server?
Email server na may custom domain May kapasidad ng collaborative editing May shared calendar at documents Kayang hawakan ang maraming bilang ng users
Paano gawin ang integration ng IceWarp Mail Server sa LiveAgent?
Pumunta sa LiveAgent at buksan ang Configuration > Email > Mail Accounts Gumawa ng bagong email at piliin ang Other Piliin ang IMAP/POP3, ilagay ang mga detalye, at i-click ang Save
Subukan ang libreng chat client ng LiveAgent! Isang madaling gamiting software para sa instant messaging na nagtitipon ng lahat ng IM accounts sa isang lugar. Puwede itong gamitin para sa personal at work-related na usapan, at libre para sa lahat ng user. Simulan ang iyong libreng account at pagbutihin ang iyong customer service ngayon!