iCloud integration
Partner website
Partner Privacy Policy
Ano ang iCloud?
Ang iCloud ay isang produkto ng Apple Inc. na may offer na cloud storage at cloud computing service, na may usability sa lahat ng produkto ng Apple. Ito rin ay nagsisilbi bilang email provider. Ang iCloud ay nagpapahintulot sa users na makapagtago ng iba’t ibang uri ng data, pero kadalasan ay mga dokumento, musika, videos, at photos sa remote servers. Ang mga ito ay puwedeng ma-share at ma-download sa iba’t ibang devices.
Paano magagamit ang iCloud integration?
Kapag sobrang dami ng emails ang dumarating, medyo mahirap asikasuhin ang lahat mula sa iisang mailbox lang. Kaya ba ninyong magpatakbo ng help desk mula sa iCloud email ninyo? Siguraduhing nakakonekta ito sa LiveAgent at magiging organisado ang lahat. Ang LiveAgent ticketing system ay makatutulong sa inyong mangalap ng email communication at ididiretso na sa LiveAgent dashboard ninyo, gagawing organisado doon, ifi-filter, at may prioritization pa kung ano ang nangangailangan ng special attention.
Isa pa, meron itong napakaraming features na makasisigurong ang email communications ninyo ay nakadiretso sa tamang tao at nananatiling organisado pa rin.
Isa sa pinakamainam na bagay tungkol sa ticketing system ng LiveAgent ay ang multi-channel na kapasidad nito. Maliban sa iCloud at iba pang email providers, may offer din itong live chat, call center, customer portal, at social media tulad ng Facebook, Instagram, Twitter, at kahit Viber. Ang bawat isa sa communication channels na ito ay suportado ng kakaibang features. Puwede ninyong makita ang buong listahan sa pag-click dito.
Puwede ninyo magamit ang features tulad ng departments at automated ticket distribution para masigurong lahat ng tickets ay matutugunan ng mga available na agent. Isa pa, ang tags ay puwedeng gamitin para makagawa ng topic groups, at puwede ninyong matalaga ang business hours ninyo para malaman ng mga customer kung kailan kayo available.
Ano ang mga benepisyo sa paggamit ng iCloud?
- Ang iCloud ecosystem na konektado sa help desk ninyo
- Simpleng proseso ng integration
- Advanced features para mapadali ang email customer communication ninyo
- Madaling pag-filter at pag-organisa ng komunikasyon
- Karagdagang communication channels
Struggling with email support?
Switch to LiveAgent ticketing system and start providing amazing customer support today
Paano ang integration ng iCloud sa LiveAgent?
Posibleng mag-integrate ang LiveAgent sa isang Apple iCloud account. Ang iCloud customer support emails ay mai-import sa ticketing system ng LiveAgent para masusundan pa rin ninyo ang lahat ng email correspondence. Alamin kung gaano ito kadali sa pamamagitan ng pagsunod sa guide sa ibaba.
- Ang unang mahalagang hakbang ay ang paggawa ng iCloud account kung wala pa kayo nito. Pumunta sa iCloud website at gumawa kayo ng Apple ID sa pag-click sa option na nasa bandang kaliwa sa ibaba. Puwede ninyong laktawan ang hakbang na ito kung meron na kayong Apple ID na nakalaan sa pangangailangan ng customer support ninyo.
- Ngayon, pumunta sa LiveAgent at buksan ang Configuration > Email > Mail Accounts at i-click ang orange na Create button sa itaas na section para makapagdagdag ng bagong email account. Pagkatapos ay piliin ang iCloud mula sa listahan ng email providers.
- Sa kasunod na section, ibigay ang account email at password ninyo at piliin ang department na mag-aasikaso ng mga paparating na email mula sa iCloud na ito. Pagkatapos ay i-click ang Save at pumunta sa huling bahagi ng setup kung saan kailangan ninyong magbigay ng permissions sa LiveAgent para ma-access ang iCloud data ninyo.
Tapos na kayo nito at ang iCloud email account ninyo ay konektado na sa LiveAgent help desk software ninyo. Alamin pa ang tungkol sa pagbibigay ng customer support gamit ang ticketing system sa LiveAgent academy. Silipin ang lahat ng features namin o tingnan kung ano pa ang ibang suportadong integrations ng LiveAgent para mapadali ang trabaho ninyo.
Frequently Asked Questions
Ano ang iCloud?
Ang Cloud storage at cloud computing ay ilan sa napakaraming serbisyo ng Apple Inc. gamit ang iCloud, na integrated sa mga produkto ng Apple. Dagdag pa, ang iCloud ay nagbibigay ng email services. Ang serbisyo ay nagpapahintulot sa users na magtago ng iba’t ibang data, pero kadalasan ay mga dokumento, musika, videos, at photos sa remote servers. Pagkatapos mag-share at download mula sa iba’t ibang devices, ang mga ito ay puwedeng magamit sa iba pang devices.
Puwede bang mag-integrate ang iCloud sa LiveAgent?
Oo, puwede kayong maglagay ng iCloud sa LiveAgent. Ang proseso ay napakasimple at inaabot ng ilang minuto lang. Pagkatapos nito, puwede na kayong makapag-asikaso ng customer communication mula sa LiveAgent ng mga natatanggap sa iCloud email ninyo.
Paano ang integration ng iCloud sa LiveAgent?
Simple lang ang proseso. Pumunta sa LiveAgent at buksan ang Settings > Email > Mail Accounts I-click ang create button at piliin ang iCloud Ilagay ang details ninyo at i-click ang Save