Integrately integration
Partner website
Partner Privacy Policy
Ano ang Integrately?
Ang Integrately ay isang automation software na kumokonekta sa higit 425 na applications at software solutions. Mas ginagamit ito sa paggawa ng integrations at iba’t ibang workflow ng dalawa o higit pang apps. Ang mga automation na ito ay puwede i-share sa inyong mga katrabaho o kliyente.
Paano mo ito magagamit?
Puwedeng gamitin ang Integrately sa paggawa ng mga custom integration, mga gawain at workflow sa apps na gamit mo sa araw-araw. Ikonekta ang LiveAgent sa ibang mga platform, gumawa ng mas magandang workflow para sa mga partikular na department, pagbutihin ang inyong channel communications, o gumawa ng magagarang bagong features para sa inyong customer service workflow.
Di ka ba sigurado kung paano aayusin ang inyong workflows? Narito ang ilang ideya
Ang LiveAgent ay isang customer support software na sumusuporta ng halos 70 custom integration plugins na magpapahusay ng inyong mga workflow, makagagawa ng mas personalized na communication processes, at mapapahusay ang customer relationship management ninyo.
Ang kailangan lang ay access sa apps na gusto ninyong ikonekta at mga permission para ma-activate ang plugins sa inyong LiveAgent account. Sakop namin ang pinaka-popular na mga integration para makagawa kayo ng perpektong solution. Pero kung nais pa ninyong makagawa ng mas marami pang custom-tailored integrations, narito pa ang ilang ideya.
Awtomatikong idinaragdag sa LiveAgent ang mga contact mula sa email marketing software
Kung ang inyong email marketing lists ng contacts ay nag-iiba-iba depende sa apps, makagagawa kayo ng mabilisang integration ng LiveAgent at ng software tulad ng Mailchimp para automatic ang pag-sync ng contacts. Mapapahusay nito ang agent productivity at tutulong sa pag-track ng communication sa clients.
Puwede ring kabaligtaran ang mangyari, na ang mga contact na nasa LiveAgent ay maidaragdag sa Mailchimp. Sa ganitong uri ng integration, mas malawak na audience ang mararating ng inyong marketing communication habang nadaragdagan ang pagkakataong madagdagan din ang inyong mga kliyente.
I-track ang billing
Nahihirapan ba ang sales team ninyo sa pag-track ng billing, orders, refunds, payment invoices, at ibang data tungkol sa payment gateways? Ikonekta ang payment platform ninyo para makagawa ng bagong custom integration na magbibigay ng bawat detalye ng impormasyong kailangan ninyo para mapanatiling masaya ang customers sa kalaunan.
Makakuha ng updates sa kompanya gamit ang automated messages
Nakakapagod na bang magpalipat-lipat ng apps at mag-monitor ng iba-ibang accounts? Gamitin ang Integrately para makakuha ng email updates tungkol sa events sa apps na araw-araw ninyong ginagamit. Tuwing may magaganap sa gamit ninyong app, may email na may sets ng tasks na kayo mismo ang nag-set ang ide-deliver sa inbox ninyo. Pagkatapos nito, puwedeng kayo na mismo ang gumawa ng mga action nang maiwasan ang time delays sa palagiang pagtingin sa apps o magpapalit-palit pa sa kanila.
Ano ang mga benepisyo ng paggamit ng Integrately?
- Integration ng LiveAgent sa higit na 600 apps
- Mas mainam na workflow
- Tipid sa oras
- Lahat ay nasa iisang lugar lang
Paano ginagawa ang integration ng LiveAgent at ibang apps sa Integrately?
Para makagawa ng mga integration sa LiveAgent at third-party software, sundan ang mga simpleng step na ito. Puwedeng magsimula sa pag-click ng link na ito. Dadalhin kayo nito sa LiveAgent integrations page sa Integrately.
- Buksan ang inyong Integrately account at puntahan ang automation section na makikita matapos makapag-login. Piliin ang LiveAgent at ang iba pang app. Sa guide na ito, ipapakita namin sa inyo kung paano gumawa ng custom integration ng LiveAgent at YouTube.
- Kapag napili na ang app, mag-scroll pababa at piliin ang mga aksiyon na gagawin ninyo. Puwedeng pumili mula sa maraming option para makagawa ng custom integration. Pumili ng isa o maraming aksiyon sa unang app at piliin ang mga katapat na aksiyon nito sa ikalawang app.
- Kapag may partikular na event na magaganap sa unang app, may mangyayaring kaakibat na aksiyon ito sa kabilang app, na magreresulta sa isang custom integration na magbibigay sa inyo ng kontrol sa kung ano ang puwedeng mangyari sa kabuuan.
- Kapag natapos na ang pagpili ng inyong custom integration, i-click ang green na Go button.
- Ang kasunod ay ang pagpili mo ng karagdagang kondisyon at app para sa inyong custom integration sa pamamagitan ng automation builder. May option rin na subukan at i-test ang integration o diretsong i-activate na ito.
- Kapag pinili ninyo ang automation builder, puwede pang magdagdag ng mga option at app sa inyong custom integration at i-test ang mga ito. Puwede itong gamitin para makagawa ng mas detalyadong workflow at integration roadmap na mas maraming options at mga aksiyong magaganap kapag nabuksan ng isang app.
- Kung pinili ninyo ang test, may karagdagang hakbang pa ito. Para sa custom integration, kailangang magdagdag ng link sa YouTube video para detalyadong mailalagay kung anong uri ng mga comment ang makakapag-trigger ng paggawa ng ticket sa LiveAgent.
Ang isa pang hakbang ay ang paglalagay ng LiveAgent API key sa Integrately. Puwede kang mag-generate ng API sa inyong LiveAgent account sa Configuration > System > API. Kailangan ding lagyan ng impormasyon ang mga custom field sa Integrately depende sa kung ano ang gagawin ng inyong custom integration.
Sa lagay namin, kailangang lagyan ng impormasyon ang message subject, message body, email address ng nagpadala at tatanggap ng email, at department ID, dagdag sa iba pang email integration data.
- Ang huling hakbang ay ang pag-test ng inyong custom integration. I-click ang Test & Go Live sa ibaba ng page.
Tapos na ang integration. Ngayon, tuwing may mag-iiwan ng comment sa LiveAgent Tour video sa Youtube, makakakuha tayo ng email notification/ticket sa ating ticketing system.
Frequently Asked Questions
Ano ang Integrately?
Ang Integrately ay isang app integration service na nagbibigay sa user ng kapasidad na kumonekta sa iba't ibang applications para makagawa ng bago, mas malawak, at custom-tailored na workflow.
Paano ginagamit ang Integrately sa LiveAgent?
Puwedeng gamitin ang Integrately para gumawa ng custom integrations sa inyong LiveAgent help desk software. Gamitin ito para mas mapabilis ang inyong workflow, makakuha ng mga update, email reminder, gumawa ng mga automation, at marami pang iba. Walang limitasyon dito, maliban na lang sa inyong imahinasyon at sa bilang ng apps na gagamitin.
Kailangan bang magbayad para magamit ang Integrately sa LiveAgent?
Puwede ninyong gamitin ang Integrately sa LiveAgent nang libre, at gumawa ng hanggang 200 na task.
Discover how Axigen's secure, easy-to-administer email server and groupware can elevate your customer support with seamless integration into LiveAgent. Ideal for businesses seeking reliable email solutions, Axigen offers 24/7 support, robust security, and collaboration features. Explore the benefits and start your free trial today!
Alamin kung paano madaling magdagdag ng live chat sa iyong uKit website gamit ang LiveAgent integration. Ang uKit ay isang user-friendly na website builder na perpekto para sa mga hindi teknikal na gumagamit, na nag-aalok ng mga pre-made at customizable na template para sa iba't ibang negosyo. Simulan ang iyong libreng pagsubok at pagandahin ang customer interaction sa pamamagitan ng live chat button. Bisitahin ang aming website para sa step-by-step na gabay at simulang gamitin ang LiveAgent ngayon!
Ikonekta ang hallo sa LiveAgent nang libre at pagbutihin ang iyong customer experience gamit ang kanilang VoIP integration. Subukan ang hallo kasama ang LiveAgent para sa seamless telephony at cloud services nang walang dagdag na bayad sa integration. Alamin kung paano simulan ang iyong libreng account at gamitin ang iba't-ibang device para sa mas epektibong serbisyo.