Mailchimp integration
Partner website
Partner Privacy Policy
Ano ang Mailchimp?
Ang MailChimp ay isang email marketing software na itinatag noong 2001. Isa itong web-based application pero puwedeng ma-download ang data nito, at may ibang features na puwedeng gamitin offline. Ito ay may 3.5 milyong users na gumagamit ng serbisyong ito para magpadala ng higit sa 4 bilyong emails kada buwan. Madali lang ang integration ng Mailchimp sa LiveAgent.
Paano ito gumagana?
Sa pagkonekta ng Mailchimp sa LiveAgent, puwede nang ma-subscribe at unsubscribe ang contacts sa inyong email marketing lists diretso mula sa ticket> interface. Madali lang mag-subscribe ng contacts, pero kailangang magpadala muna ng opt-in email na kailangang kumpirmahin ng contact para sa subscription. Subukan ninyo ang integration nang makita kung gaano kalakas ang dating ng email marketing tool kapag katambal ng isang customer support app.
Mga benepisyo
- Pangasiwaan ang mga subscription
- Mas mabilis sumagot sa mga customer
- Isang solution sa management ng email marketing
Paano ikonekta ang Mailchimp sa LiveAgent?
Ang LiveAgent ay may native integration para sa Mailchimp na makikita sa plugins section. Kung gusto ninyong mag-integrate ang Mailchimp nang mas ma-manage nang husto ang mga customer ninyo, sundan ang guide na ito.
Buksan ang LiveAgent at pumunta sa Configuration > System > Plugins at hanapin ang Mailchimp sa listahan. I-click ang activate switch sa may kanang bahagi.
Magre-reset ang LiveAgent para makita ninyong aktibo ang plugin sa itaas ng listahan sa bandang gitna ng mga aktibong plugin. I-click ang configuration button o ang cog icon na katabi ng switch. Dito ninyo kailangang ilagay ang inyong API key.
I-click ang button na Get Mailchimp API key para dalhin kayo ng LiveAgent sa inyong Mailchimp account. Gumawa ng API key at ilagay ito sa plugin configuration. I-click ang Save kapag tapos na.
Puwede na ninyong ma-manage ngayon ang mga subscription mula mismo sa LiveAgent. Buksan ang anumang customer support ticket at hanapin ang Mailchimp icon sa kanang panel. I-click ito nang makita ang options sa management ng inyong marketing communication.
Paano ikonekta ang Mailchimp sa LiveAgent gamit ang Zapier?
Puwedeng ikonekta ang Mailchimp sa LiveAgent gamit ang serbisyo ng Zapier. Gumagamit ito ng trigger at action ng mga user na pumipili ng dalawang apps at gagawa ng isang integration. Ilang minuto lang ang itatagal ng prosesong ito, at di kinakailangang marunong ng coding para magawa ito.
Kung kailangan ninyo ng Zapier account, gumawa dito. Kung meron na kayo, pumunta sa LiveAgent + Mailchimp integrations page sa Zapier.
Sa page, mag-scroll down hanggang makita ang headline na nagsasabing Connect LiveAgent + Mailchimp in Minutes. Dito ninyo kukunin ang isang trigger at action. Isipin kung ano ang gusto ninyong gawin ng integration at piliin ito.
Ipinapakita namin dito bilang halimbawa ang integration ng LiveAgent trigger na New Customer at Mailchimp action na Add/Update Subscriber. Pagkatapos, i-click ang blue na Connect button.
Ang susunod na hakbang ay ang pag-configure ng LiveAgent trigger. Ang kailangan lang gawin ay i-click ang Continue at mag-log in sa inyong LiveAgent account gamit ang Zapier. Ang huling hakbang ay ang trigger test. Puwede itong laktawan pero rekomendado naming subukan ito.
Para naman sa Mailchimp action, mag-log in lang sa Mailchimp at piliin ang account ninyo. Sa susunod na hakbang, puwede ninyong piliin ang inyong audience at piliin kung paano kukuha ng customer data ang Mailchimp mula sa LiveAgent.
Sulatan ang mga required na fields. Kung di pa kayo sigurado kung ano ang ilalagay sa email address field, tingnan itong guide para makatulong. Matapos ito, puwede pa ninyong tukuyin ang mga kondisyon ng inyong email marketing service.
Kapag tapos na kayo, gumawa ng isang panghuling test ng integration.
Tapos na. Tingnan ninyo ang resulta sa inyong Mailchimp account. Naka-subscribe na dapat ang mga customer sa inyong mga campaign simula ngayon.
Bumalik sa Zapier kung kailangan pang gumawa ng mas maraming integration.
Frequently Asked Questions
Ano ang Mailchimp?
Ang Mailchimp ay isang magaling na marketing tool para maging in-touch pa rin ang kompanya ninyo sa inyong mga kliyente. Puwede rin kayong gumawa ng mga interesanteng campaign, at puwede ring masundan at suriin ang lahat ng campaign data.
Paano ang integration ng Mailchimp sa LiveAgent?
Narito ang isang madaling guide: 1. Gumawa ng account sa Mailchimp 2. Mag-log in sa LiveAgent 3. Pumunta sa Configurations - System - Plugins 4. I-activate ang Mailchimp 5. Kopyahin at ilagay ang API key sa Mailchimp 6. at GAMITIN NA
Integrate Gmail with LiveAgent for seamless customer communication. Easily connect your Gmail account to LiveAgent to track inquiries and enhance helpdesk operations. Enjoy a unified dashboard, free email integration, and efficient customer support. Follow simple steps to connect Gmail or use Zapier for custom integrations. Start your free trial today and improve your support services!
Discover seamless integration with MailEnable, the top email server for Microsoft Windows, offering robust security and Outlook compatibility. Enhance your business communication by connecting MailEnable with LiveAgent's help desk for improved customer support. Experience the benefits of fast, secure, and feature-rich services with a free 30-day trial. Start your journey to efficient customer service today!
Discover seamless email management with Zoho Mail integration on LiveAgent. Perfect for businesses, this integration centralizes email handling, enhances customer interactions, and boosts agent productivity. Effortlessly connect Zoho Mail via Zapier to streamline your workflow with a unified dashboard, chat software, and popular integrations. Visit now to elevate your customer support experience!
Integrate Sendmail with LiveAgent to enhance your email routing and SPAM protection. Seamlessly connect to manage email communication, block unwanted mails, and streamline your customer support workflow. Enjoy features like universal inbox, live chat, and social media integration for efficient service. Try LiveAgent for free today!