MicroSIP integration
Partner website
Partner Privacy Policy
MicroSIP Privacy policy
Ano ang MicroSIP?
Ang MicroSIP ay isang VoIP softphone solution na kayang gawing ganap na calling device ang inyong computer. Una itong lumabas noong 2011 at patuloy itong naa-update mula noon. Ang software na ito ay puwedeng ma-download nang libre na walang nakatagong bayarin o dagdag na singil para sa features. Hindi rin ito nangangailangan ng payment information. Ang MicroSIP ay isang simple at epektibong SIP calling solution na gumagana sa kahit anong VoIP service provider. Ang software ay madaling i-install at i-setup.
Paano gagamitin ang MicroSIP?
Ang MicroSIP ay puwede ninyong gamitin bilang inyong go-to SIP calling solution. I-download lang ito, i-install, at i-connect sa inyong VoIP provider o help desk software, at puwede na kayong tumawag o tumanggap ng tawag sa inyong computer. Kaya din ng MicroSIP mag-handle ng text messaging at video calling. Meron din itong epektibong listahan ng inyong contacts, at may call log features din. May minimum requirements ang software na ito, at ito ay kino-consider na lightweight application na magaan ang footprint sa memory ng inyong computer.
Ang MicroSIP ay puwede ninyong magamit bilang dedicated softphone sa inyong LiveAgent call center. Gumagana ito nang husto sa lahat ng aming call center features tulad ng IVR, call routing, call transfers, at marami pang iba. Kapag pinili ninyo ang MicroSIP bilang preferred calling device ninyo, puwede ninyo itong gamitin diretso sa agent panel ng inyong LiveAgent. Simple lang ang proseso ng integration nito. Kaya itong makumpleto sa loob lang ng ilang minuto.
Presyo ng pag-integrate ng MicroSIP
Ang MicroSIP ay isang freeware app. Ibig sabihin, puwede itong ma-download nang libre. Wala itong dagdag na singil. Pero para magamit ito, kailangan ninyo ng VoIP service provider plan na kadalasan ay may bayad.
Ano ang mga benepisyo ng MicroSIP?
- Libreng SIP softphone software
- Madaling i-install at i-setup
- User-friendly at simple ang interface
- Lightweight na solution
Paano mag-integrate ng MicroSIP sa LiveAgent
Madali lang i-integrate ang MicroSIP sa LiveAgent. Para gawin ito, kailangan ninyong i-download ang libreng MicroSIP. Makikita ninyo ang download link dito. Dahil ang LiveAgent ay walang VoIP service, kailangan ninyong kumuha ng VoIP plan at phone number para magamit ang MicroSIP bilang softphone. Maraming sinusuportahan na VoIP providers ang LiveAgent kaya pumili lang kayo ng kahit anong gusto ninyo para makapagsimula na.
Kailangan ay meron na kayong number galing sa inyong VoIP provider, at dapat nakakonekta na kayo sa system ng LiveAgent para gumana ito. Kung hindi ninyo alam gawin iyon, mag-browse lang sa aming VoIP integrations, hanapin ang VoIP provider na gagamitin ninyo o gusto ninyong gamitin, at tingnan ang guide.
Ngayon, pumunta kayo sa inyong account sa LiveAgent at buksan ang Configuration > Call > Devices > Add Phone > SIP. Idagdag ang inyong VoIP phone number na gusto ninyong ikonekta sa MicroSIP, at bigyan ng pangalan ang softphone na ito. Kapag tapos na, i-click ang Create.
- Kapag nakagawa na ng softphone sa system ng LiveAgent, pumunta lang sa button ng View at i-click ito. Makikita ninyo ang mga impormasyon tulad ng user name, password, at host. Gamitin ninyo ang impormasyong ito sa susunod na hakbang.
- Kapag na-install na ninyo ang MicroSIP, buksan ito at pumunta sa bandang taas at hanapin ang button na hugis arrow na tumuturo paibaba. I-click ito at piliin ang Add Account. Punan ang mga field gamit ang impormasyon galing sa katatapos na hakbang at gumawa ng inyong bagong MicroSIP account. Tapos na ang integration, pero meron pang isang hakbang bago makapagsimulang makatawag gamit ang MicroSIP.
- Ngayon, kailangan ninyong piliin ang device na ito bilang inyong preferred na gamitin para sumagot sa mga tawag. Pumunta sa Phone icon sa bandang itaas na kanang kanto ng inyong LiveAgent app at i-click ito. Piliin ang MicroSIP softphone bilang preferred method ninyo para sa mga tawag. Puwede ninyong tukuyin kung anong departamento o piliin ang puwedeng oras.
Frequently Asked Questions
Ano ang MicroSIP?
Sa MicroSIP, isang VoIP softphone solution, ang computer ninyo ay magiging fully functional na phone. Puwede itong magamit sa kahit anong VoIP service provider. Ito ay simple pero epektibong SIP calling solution. Libre itong mada-download, wala itong nakatagong bayarin or dagdag singil, at hindi nito kinakailangan ang anumang detalye ng credit card.
Paano gamitin ang MicroSIP?
Magandang solusyon ang MicroSIP para sa SIP calling. Gamit ang inyong computer, puwede kayong tumawag o tumanggap ng tawag kapag ito ay na-download na ninyo, na-install, at na-connect na sa provider ng inyong VoIP. Merong simple pero epektibong listahan ng mga contact at feature na call log ang MicroSIP. Meron din itong text messaging at video calling.
Ano ang mga benepisyo ng MicroSIP?
Ang mga benepisyo ay madali itong i-install at i-setup, simpleng interface sa isang lightweight na softphone solution. Libre rin itong mada-download na walang kahit anong babayaran.
Paano mag-integrate ng MicroSIP sa LiveAgent?
Una, kailangan ninyong gumawa ng bagong calling device sa LiveAgent, pagkatapos ay gamitin ang data na meron sa configuration information para makagawa ng bagong account sa MicroSIP. Pagkatapos ay simpleng piliin ang MicroSIP bilang inyong ginustong calling device sa LiveAgent. I-check ang buong guide para makakuha pa ng dagdag na impormasyon.
Discover Sipcall, a reliable VoIP telephony solution for seamless integration with LiveAgent's call center. Enhance your business communication with virtual phone systems, SIP trunk connections, and certified SIP accounts featuring Swiss phone numbers. Effortlessly manage calls and improve customer relations with advanced features like IVR and call recording. Visit our page to explore how Sipcall can benefit your business and simplify your call center operations!
Discover the practicality and simplicity of MicroSIP, a free and reliable softphone ideal for various calling needs. Enjoy its quick installation, seamless LiveAgent integration, and user-friendly interface, all without ads or usage limits. Perfect for those who prioritize functionality over features. Explore our comprehensive review and see if this minimalist softphone is the right fit for you!