MultiTEL integration
Ano ang MultiTEL?
Ang MultiTel ay isang VoIP service provider na may abot-kayang communication solutions. Nagbibigay sila ng serbisyong sumasakop sa buong mundo, at may presensiya sila sa lahat ng kontinente. Maliban sa pangdaigdigang coverage, nagbibigay din ang MultiTel ng analytics tool na puwedeng gamitin para sa inbound at outbound call tracking at text message volume tracking.
Paano ginagamit ang MultiTel sa LiveAgent?
Ang MultiTel ay isa sa mga VoIP provider na suportado ng LiveAgent help desk software. Puwede ninyo itong piliin bilang provider ng telecommunication services ninyo. Ang kailangan lang gawin ay kumuha ng call number, ikonekta ito sa LiveAgent, at magsimula nang tumanggap ng customer calls at tumawag bilang bahagi ng inyong multi-channel help desk.
Makatutulong ang LiveAgent call center features sa customer call management ninyo. I-route ang calls sa tamang agents, lumikha ng custom IVR trees para tulungan ang inyong customers na mapuntahan ang mga partikular na departments, gumawa ng video calls o makinig sa dating mga usapang nakatago sa LiveAgent history.
Kung may mga gusto pa kayong malaman, panoorin ang video sa ibaba para makita kung paano gumagana ang LiveAgent call center.
Ano ang mga benepisyo sa paggamit ng MultiTel?
- Buong mundo ang coverage nila
- Global ang phone numbers
- May Iba’t ibang uri ng kapaki-pakinabang na features
- May call at text message analytic tools
Create your own call center today!
Try LiveAgent with our free 14-day trial and provide better phone support
Libre ba ang integration ng MultiTel at LiveAgent?
Ang integration na ito ay kasama na sa inyong LiveAgent plan at wala nang dagdag na bayad. Kapag may access na kayo sa MultiTel at LiveAgent, madali na lang ikonekta ang MultiTel number ninyo sa aming help desk at magsimula nang tumawag.
Paano ang integration ng MultiTEL sa LiveAgent?
Ang MultiTel ay built-in na sa LiveAgent, at ang kailangan na lang ay idagdag ang inyong MultiTel number at konting simpleng configuration. Sundin ang sumusunod na hakbang para matutuhan kung paano ito gawin.
- Pumunta sa MultiTel website at gumawa ng libreng account. Pagkatapos ninyong mag-log in, pumunta sa inyong dashboard at i-click ang Numbers > My Numbers at piliin ang Rent Numbers. Kumpletuhin ang contact form at ang MultiTel ay makikipag-ugnayan sa inyo. Kapag nakuha na ninyo ang number mula sa MultiTel, pumunta sa inyong LiveAgent account.

- Sa inyong LiveAgent dashboard, pumunta sa Configuration > Call > Numbers. I-click ang Create button sa bandang itaas para idagdag ang inyong MultiTel number sa system. Pagkatapos, piliin ang MultiTel mula sa listahan ng mga provider.

Ibigay ang inyong MultiTel username, password, at phone number. Piliin ang department kung saan dapat mapupunta ang tawag, pangalanan ang number na ito, at magdesisyon kung gusto ninyong i-record ang mga tawag. I-click lang ang Add at tapos na ito.

Ang inyong MultiTel number ay konektado na sa LiveAgent at puwede na kayong tumanggap ng customer calls. Maliban sa call center, may offer din ang LiveAgent na iba’t ibang uri ng help desk tools sa iisang ticketing system– email, live chat, customer portal, o social media tulad ng Facebook, Instagram, at Twitter.
Basahin ang ibang detalye tungkol sa LiveAgent sa aming features page o panoorin ang video sa ibaba para makita ang kabuuang tour ng aming toolset.
Frequently Asked Questions
Ano ang MultiTEL?
Ang MultiTel ay isang VoIP provider na nagbibigay ng global phone number, maraming uri ng calling features, at analalytic tools para sa pagtawag at pag-text.
Puwede ba ang integration ng MultiTEL sa LiveAgent?
Madaling magdagdag ng MultiTel numbers sa LiveAgent, salamat sa built-in feature into. Ganito lang ang gagawin. Buksan ang LiveAgent at pumunta sa Configuration > Call > Numbers Gumawa ng bagong number at piliin ang MultiTel mula sa listahan ng mga provider Ilagay ang number at iba ninyong detalye at i-click ang Add
Libre ba ang MultiTEL integration sa LiveAgent?
Ang integration ay libre lang at bahagi ng aming all-inclusive na LiveAgent plan. Wala itong karagdagang bayad
Magbigay ng mahusay na customer service.
Subukan ang LiveAgent: All-in-one help desk software na may 30 araw na libreng pagsubok. Walang setup fee, 24/7 support, at madaling gamitin!"