Optimal Call integration
Partner website
Partner Privacy Policy
Ano ang Optimal Call?
Ang Optimal Call ay isang Slovak VoIP at communications service provider. Mag offer silang serbisyo para sa mga kompanya at individual na kliyenteng nakabase sa Slovakia at Czechia. Maliban sa voice call services, nagbibigay din sila ng option sa mga kliyenteng bumili ng eksklusibong phone numbers na madaling maalala batay sa iba’t ibang geographical location.
Kabilang sa kanilang serbisyo ay ang call center, joint connection sa ibang sistema ng kompanya tulad ng CRM, SIP Trunking, at CPBX (Cloud Private Branch Exchange) telephone networks.
Paano gamitin ang Optimal Call sa LiveAgent?
Kung naghahanap kayo ng VoIP provider, ang Optimal Call ay handang asikasuhin ang inyong internet calls at bigyan kayo ng phone number. Puwede ninyong idagdag ang phone number na ito sa LiveAgent para makagawa ng omnichannel help desk na may call center.
Kapag idinagdag ninyo ang phone number na ito sa LiveAgent, puwede na ninyo itong gamitin bilang main call center software. Ang LiveAgent ay nagbibigay ng maraming features na mas nakapagpapadali ng inyong workflow at mas napadadali rin ang pag-asikaso ng customer calls, salamat sa call center features at automation.
Magkano ang aabutin sa integration ng Optimal Call sa LiveAgent?
Ang Optimal Call ay isang may bayad na serbisyo na may hiwalay na pricing plan, pero ang integration nito sa LiveAgent ay walang bayad na extra. Idagdag lang ninyo ang Optimal Call phone numbers ninyo sa LiveAgent help desk nang libre at magsimula nang tumawag.
Ano ang mga benepisyo sa paggamit ng Optimal Call?
- Abot-kayang presyo ng mga plan
- Maraming serbisyo para sa mga indibidwal at kompanya
- Eksklusibo at madaling alalahanin na phone number
- Mga CPBX at SIP Trunks
Ready to set up your call center?
Handle all callers from one omnichannel solution. Start your free 14-day trial and create your call center today!
Paano ang integration ng Optimal Call sa LiveAgent?
Ang Optimal Call ay kasama na sa inyong LiveAgent account; samakatwid, walang kailangan pang i-activate na plugins at hindi na rin kailangang gumawa ng integration sa pagitan ng third-party services. Idagdag lang ang inyong Optimal Call number at magtawag na. Ganito ang inyong gagawin.
- Kailangan ninyo ng inyong Optimal Call username, password, at ang inyong call number. Mag-log in sa inyong Optimal Call account o gumawa ng bago. Makatatanggap kayo ng isang email na may bagong username, password, at phone number matapos ang registration.
- Puwede ring mahanap ang impormasyon sa profile section ng inyong Optimal Call account. Ihanda ang impormasyong ito para sa susunod na mga hakbang.
- Buksan ang inyong LA account at pumunta sa Configuration > Call > Numbers. I-click ang orange button para magdagdag ng bagong number sa LiveAgent at piliin ang Optimal Call mula sa listahan ng VoIP providers.
- Ilagay ang inyong username, password, at Optimal Call number sa susunod na section. Puwede ring pangalanan ang number, mamili ng dial-out prefix, at department na mag-aasikaso ng tawag sa number na ito, at buksan ang call recording. Pagkatapos, i-click ang Add sa ibaba ng window.
Ang inyong Optimal Call phone number ay konektado na sa LiveAgent, at puwede na kayong tuamawag at tumanggap ng tawag. Nais ba ninyong malaman pa ang tungkol sa LiveAgent? Panoorin ang video sa ibaba para sa isang tour nito.
Frequently Asked Questions
Ano ang Optimal Call?
Ang Optimal Call ay isang communication at VoIP provider. May offer silang serbisyo na angkop para sa mga kliyenteng Slovak at Czech.
Magkano ang Optimal Call integration sa LiveAgent?
Ang integration ng Optimal Call ay kasama sa plano nang walang karagdagang singil. Puwedeng idagdag ang inyong number at magsimula nang tumawag nang walang dagdag na bayad.
Paano ang integration ng Optimal Call sa LiveAgent?
Ang Optimal Call ay built-in na sa LiveAgent kaya wala nang kailangang dagdag na integration plugins o third-party services. Kailangan lang idagdag ang inyong number at ilang account details. Pumunta sa Configuration > Call > Numbers sa LiveAgent Gumawa ng bagong number at piliin ang Optimal Call bilang inyong VoIP provider Ilagay ang inyong username, password, number, at ibang detalye I-click ang Add at tapos na
Discover Sipcall, a reliable VoIP telephony solution for seamless integration with LiveAgent's call center. Enhance your business communication with virtual phone systems, SIP trunk connections, and certified SIP accounts featuring Swiss phone numbers. Effortlessly manage calls and improve customer relations with advanced features like IVR and call recording. Visit our page to explore how Sipcall can benefit your business and simplify your call center operations!
Discover the power of LiveAgent's call buttons for seamless customer communication. Enable instant in-browser calls for your website visitors, boosting satisfaction and enhancing customer experience. Customize your call button with ease and choose from pre-made designs or create your own. Experience the convenience of PC to PC and mobile to PC calls directly through your site, all managed within LiveAgent's robust call center software. Start your free trial today and transform your customer support!