Peoplefone integration
Partner website
Ano ang Peoplefone ?
Itinatag noong 2005 sa Switzerland, ang VoIP provider na Peoplefone ay aktibo ngayon sa anim na bansa: Germany, Austria, France, Polang, Slovakia, at Lithuania. Ang aming mga serbisyo ay ginagamit ng higit sa 200,000 na business customers. Para mai-offer namin ang pinakamahusay na posibleng suporta, nakipagtulungan kami sa isang network na may 2,000 na installation partners sa buong Europe. In-house ang aming system platform na patuloy na ginagawa at inaayos. Dahil dito, nakakapag-offer kami sa customers ng may quality, katatagan, at bagong communication solutions sa magandang price-performance ratio. Ito man ay ang aming SIP-TRUNK offer, na sertipakado ng karamihan ng mga telephone system manufacturer, MICROSOF TEAM Direct Routing, o ang aming virtual PBX Peoplefone HOSTED – bawat customer ay makahahanap ng tailor-made solution sa amin. Sa Bilanz Telekom Rating, naabot ng Peoplefone ang mataas na posisyon bilang isang fixed network VoIP provider para sa Swiss companies mula 2013 – kasama ang pagkapanalo ng 1st place nang limang beses. Basahin ang dagdag na info sa: https://www.peoplefone.com
Paano ito magagamit?
Paano ka makakabenepisyo sa LiveAgent call center?
Paano gumagana ang LiveAgent call center?
Ang pinakamahusay na bahagi rito ay ginagawa ng LiveAgent IVR feature ang lahat ng trabaho, at nagiging hassle-free ang karanasan ng mga customer. Kailangan lang nilang pakinggan ang IVR menu at pindutin ang nararapat na dial pad key (tulad ng “pindutin ang 1 para sa sales”) para makonekta sa tamang tao na tutulong sa kanila.
Sa maling department ba aksidenteng kumonekta ang customer? Simple lang ang solusyon dito — gamitin ang call transfer nang iruta ang customer sa isa sa inyong mga katrabaho para makatipid ng oras.
Nakakalimutan ba ninyo ang mga sinasabi ng mga customer? Huwag mag-alala. Nire-record ng LiveAgent ang lahat ng incoming at outgoing call at itinatago itong lahat sa sistema. Kung kailangan mong alalahanin ang anumang detalye, hanapin lang ang ticket at pakinggan ang buong call recording. Puwede ring gamitin ang call recording sa training ng mga bagong agent para maipakita sa kanila ang mga tamang pagsagot sa mga tawag ng customer.
Paano ang integration ng Peoplefone VoIP sa LiveAgent?
Kung gusto ninyong gumawa ng LiveAgent call center kasama ang Peoplefone bilang VoIP provider ninyo, sundan ang simpleng guide na ito.
- Buksan ang LiveAgent at pumunta sa Configuration > Call > Numbers. I-click ang orange na Create button sa taas.
- Piliin ang Peoplefone sa listahan ng VoIP providers.
- Pangalanan ang number, piliin ang department, ilagay ang mga detalye ng login ninyo, at piliin ang dial-out prefix number ninyo. Puwede ring ilagay o alisin ang check option na magre-record ng lahat ng tawag na makukuha at gagawin mula sa number na ito. Kung tapos ma kayo, i-click ang Add button sa ibaba.
Ang phone number ay nasa LiveAgent na at handa nang gamitin. Kung gusto ninyo, magdagdag pa ng maraming Peoplefone phone numbers o magdagdag ng ibang numbers mula sa ibang VoIP providers.
Alamin ang karagdagang impormasyon tungkol sa LiveAgent Call Center software
Gusto ba ninyong alamin kung ano pa ang magagawa ng LiveAgent? Panoorin ang video sa ibaba para makita ang kabuuang tour ng aming customer support software.
Experience seamless communication with iFON's innovative VoIP services across Europe, now integrated for free with LiveAgent. Easily connect your iFON VoIP number to your LiveAgent account and discover enhanced productivity, reduced costs, and superior customer experience. Start your 14-day free trial today—no credit card required—and elevate your customer support with our trusted platform.
Computer telephony integration
Ang CTI ay isang importanteng tool para sa mga business dahil tutulong ito sa kanilang i-manage ang kanilang phone calls nang mas episyente. Alamin ang tungkol sa mga benepisyo ng computer telephony integration at kung paano ito gumagana.