Prestashop integration
Partner website
Partner Privacy Policy
Prestashop Privacy policy
Ano ang Prestashop?
Ang Prestashop ay isang open-source at libreng eCommerce website solution. Puno ito ng maraming tools at features kaya puwedeng makagawa ng iba’t ibang uri ng website dito. Available ang Prestashop sa 65 wika at nagho-host ito ng higit sa 250,000 na online stores sa buong mundo. Dahil libre ito, madali itong ma-download para makagawa ng sarili ninyong eCommerce website. May offer din silang mga basic guide na nagdedetalye kung paano gumawa ng sariling site.
Paano ito magagamit?
Puwede nitong ma-integrate ang super-bilis na live chat widget ng LiveAgent sa inyong eCommerce site na makatutulong agad sa inyong customers. Matututukan pa ninyo ang mga order na naka-display sa inyong dashboard kaya nakikita ninyo ang lahat ng impormasyon ng order sa iisang lugar lang.
Mga benepisyo
- Makapagbigay ng agarang tulong sa inyong customers
- Instant ang usapan dahil sa live chat widget
- Mata-track ang lahat ng mga order
- Nakakatipid sa oras
- Organisado ang lahat sa iisang solution lang
Paano gawin ang integration ng live chat button
Kung gusto ninyong maglagay ng live chat button ng LiveAgent sa inyong Prestashop, pakisundan ang step-by-step na integration guide sa ibaba.
I-upload ang package sa inyong extension directory at handa ka na. I-download ang LiveAgent Prestashop Module.
- Ang unang hakbang ay ang paggawa at pag-customize ng bagong chat button sa inyong LiveAgent panel. Kopyahin ang HTML code (Ctrl+C) nito sa clipboard.
- Pumunta sa Prestashop folder na nasa server ninyo.
- Buksan ang themes folder > default theme folder > open footer.tpl gamit ang notepad > I-paste ang chat button code (Ctrl + V) sa taas ng
- Pumunta sa inyong store webpage, i-refresh ito, at handa na doon ang inyong chat button.
Frequently Asked Questions
Ano ang Prestashop?
Ang Prestashop ay isang platform kung saan madaling makagawa ng e-commerce website sa tulong ng pre-designed na templates.
Paano ang integration ng Prestashop sa LiveAgent?
Kung gusto ninyong ma-integrate ang Prestashop sa LiveAgent, narito ang isang maikling video para step-by-step kayong matulungan.