Shift4Shop integration
Partner website
Partner Privacy Policy
Ano ang Shift4Shop?
Ang Shift4Shop shopping cart software (na kilala dati bilang 3dcart) ay ang ultimate na all-in-one e-commerce solution sa pag-manage ng inyong online store sa web (di na kailangang mag-install ng anumang software sa desktop ninyo). Sa software na ito, makokontrol ninyo ang online at offline payment options, makakapag-set up kayo ng real-time shipping options, puwedeng makausap ang mga customer, makakapag-manage kayo ng shop inventory, at marami pa!
Paano magagamit ang Shift4Shop integration?
Sa Shift4Shop integration ng LiveAgent, makapaglalagay kayo ng live chat button sa inyong Shift4Shop store. Matutulungan ng button na ito ang mga customer na makakuha ng mabilis at mas madaling support. Puwede itong makapagpataas ng kasayahan at loyalty ng customer, at puwede pang maging paying customers ang mga website visitor ninyo.
Ang live chat widget ng LiveAgent ang pinakamabilis at pinakasimple sa market ngayon, na may loading speeds na 2.5s. Kapag may chat widget sa site ninyo, mapapabuti ninyo ang customer satisfaction, na maganda ang magiging epekto sa inyong sales at kapasidad sa marketing.
Ang live chat widget ng LiveAgent ay nilagyan ng maraming kapaki-pakinabang na features, kasama na ang proactive chat invitation at online visitor monitoring na nata-track kung gaano katagal naglalagi ang bawat website visitor sa inyong site, anong mga action ang ginagawa nila, pati na rin ang kanilang geographic location.
Paghusayin pa ang inyong feedback management at bigyan ang mga website visitor ng high-quality na customer service ngayon. Simulan ang libreng 14-araw na trial.
Anong mga benepisyo ang makukuha sa paggamit ng Shift4Shop integration?
- Isang organisadong universal ticketing inbox
- Isang mabilis na live chat widget na fully customizable
- Offline forms, offline chat buttons, pre-chat forms sa pagkuha ng leads
- Mga proactive na chat invitation
- Real-time visitor monitoring
- Mas pinahusay na customer satisfaction
- Mas mabilis na pagsagot
- Bawas hassle na karanasan sa support ng mga customer
Paano maglagay ng LiveAgent chat button sa inyong Shift4Shop store
Kung gusto ninyong maglagay ng LiveAgent chat button sa inyong Shift4Shop site, pakisundan ang sumusunod na instruksiyon ng integration sa ibaba o sundan ang instruksiyon sa aming video.
Kung hindi pa kayo nakakagawa ng isang LiveAgent button, mag-log in sa inyong account at pumunta sa Configuration > Chat > Chat buttons at i-click ang orange button sa itaas para makagawa ng isang bago.
Pumili ng disenyo ng button at gawin ang buong setup. Kasama dito ang paglagay ng pangalan sa button, pagpili ng department kung saan ninyo gustong mapunta ang mga bagong chat, at ang wika ng chat button (ilan lang sa marami pang option.) I-click ang Save kapag tapos na.
Pumunta sa integration section sa kaliwang panel at kopyahin ang code. Kailangang ilagay ang code sa footer o header ng inyong Shift4Shop website.
Buksan ang Shift4Shop at pumunta sa Content > Site Content. I-click ang Header and Footer section at i-paste ang button code sa may Global Footer section. Paganahin ang block at i-Save ang lahat ng changes.
Paano ang integration ng Shift4Shop sa LiveAgent gamit ang Zapier
Ang Shift4Shop ay puwede ring ma-integrate sa LiveAgent gamit ang Zapier. Sundan ang guide na ito para malaman kung paano gumawa ng custom integration.
Makikita sa guide ang iba’t ibang options sa ilang bahagi ng integration setup dahil sa sobrang dami ng integration options. Pero kadalasan, pareho lang naman ang kalalabasan at mas madali itong maintindihan kahit anuman ang piliin ninyong integration.
Gumawa ng Zapier account o mag-log in kung meron na kayong kasalukuyang account at pumunta sa LiveAgent + Shift4Shop integrations page. Mag-scroll pababa hanggang makita ninyo ang Connect LiveAgent and Shift4Shop sa may Minutes section. Pumili ng isang trigger at action na kokonekta sa dalawang apps.
Ang unang hakbang sa integration ang ang pagkonekta sa Shift4Shop account at hayaan ang Zapier na mag-manage ng data. Sunod ay isang trigger test. Pagkatapos, kailangan ninyong mag-set up ng LiveAgent action. Sa halimbawang ito, paggawa ng email ang napili. Sulatan ang mga required field tulad ng sender at recipient email address, message subject, at email body. Ituloy ang test at buksan ang Zap.
Paki-check ang inyong email inbox para sa mga resulta. Dapat ay may makukuha kayong email notification tungkol sa mga bagong nadagdag na mga produkto.
Frequently Asked Questions
Ano ang Shift4Shop
Ang Shift4Shop ay isang eCommerce platform para sa mga online store. Nagbibigay ang kompanya ng platform na maraming features kaya nagiging madali at epektibo ang e-commerce para sa lahat ng vendors.
Paano ang integration ng Shift4Shop sa LiveAgent ninyo?
Para magkaroon ng live chat button sa inyong Shift4Shop store, kailangang gawin ang sumusunod: 1. Gumawa ng live chat button sa LiveAgent 2. Kopyahin ang HTML code mula sa LiveAgent 3. I-paste ang code sa loob ng inyong Shift4Shop store (video guide)
Discover seamless shipping with ShipStation, a multi-channel product shipping software tailored for online retailers. Easily manage orders, batch shipping, and custom branding, all integrated with LiveAgent via Zapier for enhanced customer experiences. Explore how ShipStation simplifies your workflow and boosts productivity. Try it for free today!
I-integrate ang HubSpot sa LiveAgent para sa mas mahusay na social media marketing at customer service. Pamahalaan ang mga kumpanya, kontak, at pag-uusap mula sa isang interface gamit ang Zapier. Alamin kung paano simulan ang integration at makuha ang mga benepisyo ng streamlined workflow. Subukan ito nang libre at pagbutihin ang pamamahala ng iyong mga proyekto, CRM, at pakikipagtulungan.