ShipStation integration
Partner website
Partner Privacy Policy
ShipStation Privacy policy
Ano ang ShipStation?
Ang ShipStation ay isang multi-channel na product shipping software para sa mga online retailer. Meron itong features at tools tulad ng batch shipping, may discount na shipping rates, customer management, at custom branding. Pangasiwaan nang mas madali ang shipping ng inyong online stores.
Paano ito magagamit?
Gamitin ang ShipStation integration para masundan ang news at updates tungkol sa inyong mga customer, mga naipadalang mga produkto, at mga order. Puwede rin itong gamitin sa paggawa ng mga order, pakikipag-usap, at pag-manage ng mga customer. Puwede kayong gumawa ng nais ninyong uri ng integrations. Ikonekta lang ang iba-ibang bahagi ng dalawang apps sa loob lang ng ilang minuto.
Mga Benepisyo
- Tinutulungan kayong i-manage ang mga order at shipment
- Natututukan ang mga bagong customer
- Management ng mga customer at shipment
- Di na palipat-lipat ng apps
- Nadagdagan ang workflow
Paano mag-integrate ng ShipStation sa LiveAgent gamit ang Zapier
Gamit ang Zapier, puwedeng ikonekta ang dalawang apps at gumawa ng integrations. Ilang minuto lang ang kailangan sa prosesong ito. Pumili lang ng app at ikonekta ito sa LiveAgent. Kakailanganin ninyo ng Zapier account. Kung wala pa kayo, puwedeng gumawa sa link na ito gamit ang inyong email address. Kapag naka-log in na kayo, pumunta sa LiveAgent + ShipStation integrations page.
Kapag nasa page na kayo, mag-scroll pababa hanggang makita ninyo ang Connect LiveAgent + ShipStation in minutes na section. Dito kayo pipili ng trigger at action. Ang trigger sa isang app ang makaka-activate sa action sa pangalawang app.
Bilang halimbawa sa guide na ito, ipapakita namin ang ShipStation trigger na Item New Order at ang LiveAgent action na Create Conversation. Puwede kayong pumili ng ibang integration settings. Kapag nakapili na kayo, i-click ang blue button.
Sa section na ito, kailangang ma-configure ang trigger. Mag-sign in muna sa inyong your ShipStation account. Kailangan ninyong magbigay ng access sa ilang data ninyo.
Kailangan rin ninyong ilagay ang inyong API key. Makikita ito sa inyong ShipStation account. Pumunta sa Settings> Account > API Settings. Mag-generate ng panibagong API key at kopyahin ang parehong key at key secret sa Zapier window.
Rekomendado naming i-test ninyo ang trigger para makita kung gumagana ito. Pagkatapos, ituloy lang ang proseso.
Ngayon naman, i-set up na ang LiveAgent action. Kailangan ninyong mag-log in sa inyong LiveAgent account at magbigay ng access sa inyong data. Pagkatapos, i-set up ang detalye ng action. Sa kasong ito, kailangang isulat ang message na ipapadala kapag nakakuha ng bagong order sa ShipStation.
Okay na. Ang huling hakbang ay ang pag-test ng trigger para makita kung gumagana ito.
Puwede na ninyong subukan. Pumunta sa ShipStation account ninyo at gumawa ng panibagong order sa orders section.
Tingnan ang inyong LiveAgent ticketing system inbox. Makakakita kayo ng message mula sa ShipStation na nagsasaad na may bagong order na ginawa.
Gumawa lang kayo ng iba pang integrations na iba ang pakay nang maging mas epektibo ang inyong online stores.
Frequently Asked Questions
Ano ang ShipStation?
Ang ShipStation ay isang shipment solution para sa mga online store. Tutulungan kayo nitong gumawa ng mga shipping label, ibigay ang tracking information sa mga customer ninyo, magkaroon ng automation, wireless printing, at marami pa.
Ano ang mga benepisyo ng paggamit ng ShipStation Sa LiveAgent?
- pag-manage ng order at shipment mula sa LiveAgent - tipid sa oras para sa inyong customer service - pinapahusay pa ang productivity
I-integrate ang HubSpot sa LiveAgent para sa mas mahusay na social media marketing at customer service. Pamahalaan ang mga kumpanya, kontak, at pag-uusap mula sa isang interface gamit ang Zapier. Alamin kung paano simulan ang integration at makuha ang mga benepisyo ng streamlined workflow. Subukan ito nang libre at pagbutihin ang pamamahala ng iyong mga proyekto, CRM, at pakikipagtulungan.
Integrate Sendmail with LiveAgent to enhance your email routing and SPAM protection. Seamlessly connect to manage email communication, block unwanted mails, and streamline your customer support workflow. Enjoy features like universal inbox, live chat, and social media integration for efficient service. Try LiveAgent for free today!