Simplesat integration
Partner website
Partner Privacy Policy
Ano ang Simplesat?
Ang Simplesat ay isang software para sa management ng customer feedback. Ginagamit ito ng mga business para mangolekta at suriin ang feedback mula sa mga customer. Sa Simplesat, puwedeng gumawa at mag-customize ng NPS at CSAT surveys sa isang sistemang ginagamit na ninyo sa kasalukuyan.
Paano gamitin ang Simplesat?
Ang mga epektibong survey ay dapat ginagawa para sa partikular na dahilan. Di gaanong epektibo kung “one size fits all” lang ang gagawing survey. Kaya puwedeng gumawa sa Simplesat ng mga custom NPS at CSAT survey nang makakuha ng mas angkop na customer feedback.
Puwede ninyong magamit ang data na ito para mapabuti ang inyong business, ang inyong mga produkto at serbisyo, at ang mas mahalaga, para mapabuti ang inyong customer service. Para lubos ninyong pakinabangan ang Simplesat, puwede ninyo itong gamitin para i-embed ang inyong mga NPS at CSAT survey sa LiveAgent tickets.
Magiging kapaki-pakinabang ang feedback data dahil makatutulong ito sa inyo sa iba-ibang paraan. Puwede ninyong magamit ang nakalap na data para paghusayin ang inyong help desk, matutuhan ninyo ang gusto at di gusto ng mga customer, at kung aling communication channels ang mas gusto nila, at iba pa.
Ano ang benepisyo ng paggamit ng Simplesat?
- Custom at epektibong mga NPS at CSAT survey
- Madaling implementation ng mga LiveAgent ticket
- Survey customization at branding
- May notification tungkol sa custom survey
Ready to provide better customer support?
Try LiveAgent with our free 14-day trial and get access to our multi-channel help desk
Paano ang integration ng Simplesat sa LiveAgent?
Simple lang ito. Kapag nasimulan na ninyong gamitin ang Simplesat, puwede na ninyong simulan ang paggawa ng custom survey para sa inyong mga LiveAgent account. Pagkatapos ay kailangan lang ninyong i-embed ito sa inyong mga ticket template at ipadala sa inyong contact list. Sundin ninyo ang guide sa ibaba para matutuhan kung paano ito magagawa.
- Pumunta sa webpage ng Simplesat at simulan ang inyong libreng trial. Kapag meron na kayong account, gumawa ng bagong survey sa dashboard. Puwede kayong mamili mula sa mga survey ng NPS o CSAT para masukat ninyo ang customer satisfaction o customer loyalty.
- Gamit ang Simplesat, puwede kayong mag-customize ng maraming bagay tulad ng introductory question, mga icon set, at mga pagpipiliang mga sagot. Puwede rin kayong mamili ng follow-up question at mamili kung ang tanong ay dapat sagutin. Kapag natapos ninyo ito, lumipat sa Configure tab.
- Dito, puwede ninyong piliin ang wika ng survey, pangalanan ito, o mamili ng custom branding na naaayon sa inyong kompanya. Puwede rin ninyong dagdagan ito ng mga call to action button at dagdagan ng link para sa inyong LiveAgent help desk para kumalap ng feedback. Kapag nagawa na ninyo ito, i-click ang Publish tab.
- Piliin ang Integrate with another tool > Generic Embed. Meron ding iba-ibang mga mapagpipilian tungkol sa mga klase ng rating icon at display order. Puwede kayong mamili ng sukat ng icon. Kapag natapos na ninyo, i-click ang Generate embed code.
- May lalabas na isang bagong window. I-click ang HTML tab at ang Copy survey. Tapos ay lumipat sa inyong LiveAgent account, pumunta sa Configuration > Email > Customer templates at piliin mula sa listahan ang Ticket resolved. Puwede rin ninyong piliin ang ibang option.
- Kapag pumili kayo ng option, mapapalitan ninyo ang mga nilalaman ng mga email template para sa inyong mga customer. Kaya isulat ang inyong mga detalye tungkol sa pagkalap ng feedback, tapos i-click ang Source. I-paste ang survey sa field na naaayon sa inyong napili. I-click ang Save at tapos na ito. Puwede rin ninyong i-test ang template at ipadala sa inyong inbox para makita kung anong hitsura nito.
Ang inyong integration sa Simplesat ay kumpleto na at puwede na ninyong simulan ang pagkalap ng mga feedback mula sa inyong mga customer. Gusto pa ninyo ng karagdagang detalye kung paano kolektahin ang mga review o testimonial? Silipin ang LiveAgent academy kung saan namin tinalakay ang iba-ibang paksa tungkol sa customer feedback.
Frequently Asked Questions
Ano ang Simplesat?
Ang Simplesat ay isang app na makatutulong sa inyong gumawa ng mga custom NPS at CSAT survey. Makatutulong ang mga ito na kumalap ng mas maraming mahalagang customer feedback.
Puwede bang mag-integrate ang Simplesat sa LiveAgent?
Ang mga Simplesat survey ay puwedeng i-embed sa mga email template ng LiveAgent. Madali lang para sa mga customer na mag-click sa mga feedback icon at ang feedback ay ipapadala na sa inyong help desk.
Feedback request email template
Gamitin ang aming feedback request email templates mula sa LiveAgent upang makuha ang opinyon ng mga kustomer at mapabuti ang inyong produkto o serbisyo. Palakihin ang sales at customer loyalty sa pamamagitan ng personalized video feedback requests. Subukan ito nang libre at gawing partner ang inyong kustomer sa tagumpay ng inyong negosyo!
Discover how customer service surveys can enhance your business by understanding customer experiences and satisfaction. Learn various survey types and distribution methods to optimize your service quality. Start a free trial with LiveAgent to elevate your customer support and join a community of satisfied clients.
Software ng serbisyong kustomer
Tuklasin ang 20 pinakamahusay na software ng serbisyong kustomer ng 2022 sa LiveAgent! Alamin ang benepisyo at pangunahing tampok ng mga kasangkapang ito tulad ng LiveAgent, Freshdesk, at Zoom upang mapalakas ang ugnayan sa kustomer, mapabilis ang paglutas ng isyu, at mapahusay ang kasiyahan ng kustomer.