Sipcall integration
Partner website
Partner Privacy Policy
Ano ang Sipcall ?
VoIP telephony galing Sipcall: Makabagong solution para sa inyong business!
May offer na optimal telephony solution ang Sipcall para sa lahat ng inyong pangangailangan: Virtual phone systems (PBX) na maraming functions (sipcall vPBX), isang maaasahang koneksiyon para sa inyong telephone system sa pamamagitan ng SIP trunk o para sa inyong Microsoft Teams environment – Sipcall ang inyong propesyonal at may kakayahang partner.
Ang aming kompanya ay nakabase sa Schindellegi, Switzerland, may 35 na empleyado, at naging aktibo sa VoIP telephony mula pa noong 2005. Nagbibigay kami ng certified SIP accounts na may Swiss phone number para sa LiveAgent.
Paano ito magagamit?
Kung naghahanap kayo ng VoIP provider na ikokonekta sa LiveAgent call center ninyo, Sipcall ang magandang choice. Pangangasiwaan ng LiveAgent call center ang lahat ng calls at tickets ninyo habang Sipcall na ang bahala sa iba. Laptop o smartphone microphones at speakers lang ang kakailanganin ninyo para makapag-establish ng starter call center. Baka kailanganin lang ng ibang hardware kung gusto ninyong paghusayin pa ang call quality sa kalaunan.
Paano ka makakabenepisyo sa LiveAgent call center?
Kahit ang iba ay gusto na ng digital customer experience, mas gusto ng iba ang mas malalim na personal connection sa brands na gusto nila. Ang call centers ay magaling na paraan para mapahusay ang customer relationships ninyo, makabenta ng mga produkto, makakuha ng bagong customers, at magserbisyo ng users, o magbigay ng pangkalahatang customer services.
Dahil sa humihina na ang mga tradisyonal na call center at mas dumadalas na ang paggamit sa mga call center software tulad ng LiveAgent, mas madali nang makapagbigay ng ganitong uri ng mga karanasan para sa inyong mga customer nang hindi na kailangang gumastos nang malaki. Mas abot-kaya na ang call center ng iba’t ibang uri ng mga business, malaki man o maliit.
Paano gumagana ang LiveAgent call center?
Ang pinakamahusay na bahagi rito ay ginagawa ng LiveAgent IVR feature ang lahat ng trabaho, at nagiging hassle-free ang karanasan ng mga customer. Kailangan lang nilang pakinggan ang IVR menu at pindutin ang nararapat na dial pad key (tulad ng “pindutin ang 1 para sa sales”) para makonekta sa tamang tao na tutulong sa kanila.
Sa maling department ba aksidenteng kumonekta ang customer? Simple lang ang solusyon dito — gamitin ang call transfer nang iruta ang customer sa isa sa inyong mga katrabaho para makatipid ng oras.
Nakakalimutan ba ninyo ang mga sinasabi ng mga customer? Huwag mag-alala. Nire-record ng LiveAgent ang lahat ng incoming at outgoing call at itinatago itong lahat sa sistema. Kung kailangan mong alalahanin ang anumang detalye, hanapin lang ang ticket at pakinggan ang buong call recording. Puwede ring gamitin ang call recording sa training ng mga bagong agent para maipakita sa kanila ang mga tamang pagsagot sa mga tawag ng customer.
Gusto pa ninyo ng karagdagang info sa features ng call center namin? Silipin ang aming Call Center feature page na nakalahad ang lahat ng impormasyon tungkol sa LiveAgent call center capabilities.
Paano ang integration ng Sipcall VoIP sa LiveAgent?
Kung gusto ninyong gumawa ng LiveAgent call center kasama ang Sipcall bilang VoIP provider, sundan ang simpleng guide na ito.
- Buksan ang LiveAgent at pumunta sa Configuration > Call > Numbers. I-click ang orange na Create button sa itaas.
- Piliin ang Sipcall sa listahan ng mga VoIP provider.
- Pangalanan ang number, piliin ang department, ilagay ang mga detalye ng login ninyo, at piliin ang dial-out prefix number ninyo. Puwede ring ilagay o alisin ang check option na magre-record ng lahat ng tawag na makukuha at gagawin mula sa number na ito. Kung tapos ma kayo, i-click ang Add button sa ibaba.
Ang phone number ay nasa LiveAgent na at handa nang gamitin. Kung gusto ninyo, magdagdag pa ng maraming Sipcall phone numbers o magdagdag ng ibang numbers mula sa ibang VoIP providers.
Alamin ang karagdagang impormasyon tungkol sa LiveAgent Call Center software
Naghahanap ba kayo ng karagdagang impormasyon tungkol sa pagtatayo o pagpapatakbo ng call center? Kung interesado kayo, basahin ang LiveAgent academy para sa karagdagang detalye tungkol sa mga call center at iba pang topics tungkol sa mundo ng customer support.
Gusto ba ninyong alamin kung ano pa ang magagawa ng LiveAgent? Panoorin ang video sa ibaba para makita ang kabuuang tour ng aming customer support software.
Discover seamless communication with Sinch, a global VoIP provider offering voice, video, and messaging solutions for various industries. Effortlessly integrate Sinch with LiveAgent to enhance customer service through multi-channel support, advanced features like IVR, and more. Start your free trial today and unlock superior communication capabilities without any additional costs.
Subaybayan at pamahalaan ang iyong mga lead at deal nang mas madali gamit ang PipeDrive CRM integration para sa LiveAgent. Gamit ang intuitive na dashboard, maaari mong gawing awtomatiko ang daloy ng trabaho, subaybayan ang komunikasyon, at magrehistro ng mga bagong deal nang direkta sa LiveAgent. I-optimize ang iyong benta at customer service ngayon!
Discover the seamless integration of DirectCall with LiveAgent! DirectCall offers Brazilian local numbers and advanced features like operator recording and IVR. Easily connect your DirectCall VoIP to LiveAgent's call center without extra charges. Experience enhanced customer service with our 14-day free trial. Visit now to explore the benefits and start your integration hassle-free!